THIRD PERSON POV
TININGNAN ni Ana ang kaibigan. Nakatulala ito habang nakatingin sa harapan. Wala na ang teacher nila, umalis na.
“Isla, hoy, buhay kapa ba?” Sinundot ni Ana ang braso ng kaibigan, ngunit hindi manlang ito gumalaw.
Tiningnan niya ang tinitigan nito, wala naman siyang nakitang ni ano kundi ang blangkong whiteboard. Napakamot nalang sa ulo si Ana, wala siyang ideya kung bakit nagkakaganuon ang kaibigan. Ito rin kasi ang unang beses na nakita niya itong nakatulala.
Binaling na lamang ni Ana ang atensyon sa pinagawa sa kanila ng teacher nila na 200 words essay. Sinimulan niya ito hanggang sa matapos siya ay ganun pa rin ang itsura ng kaibigan niya.
‘Ano bang nangyari sa'yo Isla?’ Tanong ni Ana sa isipan.
Sumunod ang pang 10 to 11 nilang teacher, wala pa ring ginagawa si Isla. Wala rin ito sa sarili. Kahit na nang tawagin ang dalaga ng teacher ay parang wala itong narinig. Hanggang sa natapos na lang ang klase ay ganun pa rin si Isla.
“Hoy! May sakit ka ba? Bakit parang nabaliw ka na yata?” Biro na tanong ni Ana sa kaibigan.
Hindi sumagot si Isla. Deretso lang ang lakad nito hanggang sa makarating sila sa canteen.
“Anong gusto mong kainin?”
Umiling si Isla. “Ikaw nalang kumain, sasamahan nalang kita,”
Napapantastikuhang napataas ang kilay ni Ana. Mas lalo siyang nagtaka lalo na't pagdating sa pagakain ay laging nauuna ang kaibigan niya.
Naguguluhan man, iniwan nalang ni Ana ang kaibigan. Bumili siya ng dalawang rice, isa para sa kanya at isa para kay Isla. Bumili na rin siya ng dalawang ginataang langka na paborito ni Isla, saka niya ito binalikan.
“‘Di na ako virgin,” mahinang bulong ni Isla. Nanlalaki ang mga mata ni Ana at muntik pa itong mabulunan sa kinakain nito.
“Anong sabi mo?!” Histirikal ngunit mahina na tanong ni Ana sa kaibigan. Tama lang na silang dalawa lang ang makakarinig.
“Hindi na ako Virgin,” mahina nitong bulong na mas lalong nagpalaki sa mga mata ni Ana. ‘Kaya ba ito tahimik at wala sa sarili dahil sa pagkawala ng kabirhinan nito? Ngunit paano?’
Lumipat ng upo si Ana at tumabi kay Isla. “Bes, ‘wag kang nagbibiro nang ganyan. Kakalbuhin talaga kitang impakta ka.” Gigil na ani ni Ana.
Bumaling sa kanya ang kaibigan. Inihilig ang ulo nito sa lamisa.
“Ano ba’ng nangyari?”
Sumimangot ito sa kanya. Wala siyang nakikitang mali or pagsisisi sa mga mata ng kaibigan na siyang kanyang ipinagtaka.
Ana has known Isla since elementary school. She knows her as a conservative person, especially with her motto of not having a boyfriend or flirting until she finishes her studies. Kaya naman nagtataka siya kung paano at sino ang nakakuha ng kabirhinan ng kaibigan niya.
“K-kanina..” umpisa nito. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi na parang nahihiyang sabihin ang kung ano mang nangyari. “...nakita nang dalawang mata ko ang isang napakalaking cobra. As in malaki! Hindi ko alam kung totoo ba ‘yun pero sobrang laki niya talaga.”
Kumunot ang noo ni Ana. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan. “Ano ba'ng pinagsasabi mo? Anong cobra?”
Sinimangutan ng dalaga si Ana. “Kahapon kasi, may isang lalaking gwapo na bumisita sa amin at nagpakilalang Ninong ko. Tapos nalaman ko na kaibigan siya nila tatay. Doon siya natulog sa maiilt naming bahay, tapos kaninang umaga nang maliligo na sana ako naabutan ko siya sa banyo tapos nakita ko ang ano niya…”
Kulang nalang sabunutan ni Ana ang kaibigan sa pabitin nitong storya. “Ano?”
“Basta ‘yung ano nakita ko sobrang laki. Mahaba at malaki.”
Naiinis na napakamot sa ulo si Ana. “Isla, isa pa, sasabunutan na talaga kitang gaga ka!” Gigil na sabi niya.
Inirapan siya nito. Luminga pa ito sa paligid. Umayos ng upo, saka nilapit ang bibig sa tainga niya.
Nanlaki ang mga ni Ana sa binulong nang kaibigan. “O.M.G! talaga? Gaano kalaki?”
Agad na tinakpan ni Isla ang bibig ni Ana. Kaya ayaw niyang sabihin dito ang nakita niya dahil OA ito kung maka-react.
●●●●●
ISLA RAE ALONZO
“TUMIGIL ka nga d'yan,” saway ko kay Ana.
“Dali, kwento mo sa ‘kin ang buong pangyayare, dali na!” Excited na sabi nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Wala na. Yun na ‘yun!” Irap ko sa kanya. “Bumalik kana sa upuan mo para matapos natayo,”
Padabog na tumayo siya at bumalik sa kinauupuan niya kanina. “Ang kj mo.”
I just rolled my eyes at her, then grabbed the food in front of me and started eating.
Puro pamimilit ang ginawa ni Ana, habang kumakain kami. Kahit nang bumalik na kami sa classrooms namin ay ang tungkol sa na kwento ko pa rin ang gusto nito na marinig.
“Isla,”
Napaangat ang tingin ko kay Ma'am Marikina nang tawagin niya ako. “Yes, Ma'am?”
"I would like you to be the muse for the upcoming basketball competition.”
Napatanga ako sa sinabi ni Ma'am. “P-po? A-ako?” Nakangiwing turo ko sa sarili ko.
“Yes. Ikaw ang napili ng mga classmates and basketball players na maging muse. Napagbutuhan na rin namin na ikaw ang kunin.”
Napalunok ako. “Ma'am, wala na po bang iba? I mean… uhmm… ano … kasi…”
Hindi naman sa ayaw ko. Pero kasi, marami namang iba na pwedeng maging muse. Like Ana.
Napangiti ako sa naisip. “Ma'am, how about Ana? Siya nalang po kaya ang kunin niyo?”
Napatingin ako sa gawi ko nang sikuhin ako ni Ana. “Gaga ka, dinamay mo pa ako!”
Inirapan ko siya. “Maganda ka, matanggkad, sexy, bagay sayo maging muse, kaya ikaw nalang, please.”
Dagdag grades na rin kapag nag-muse ka, pero hindi talaga para sa akin ang bagay na 'yun. Ayoko na magsuot ng maiikli o mga revealing na damit.
“Ayuko nga! Isa pa, alam ko naman na maganda ako at sexy, pero ayokong maging muse. Ang papangit ng mga manlalaro this coming competition.”
Inirapan ko siya. Ang bitter niya talaga kahit kailan. Kung maka pangit, e ang gwapo-gwapo kaya ng mga players, especially ang kuya niya nung hindi pa ito graduate.
“Isa pa, ikaw ang napili at napagbutuhan kaya go na girl, ilabas mo ang ganda at kasexsyhan mong tinatago,”
“Che!”
Tinawanan lang niya ako. Wala na rin akong nagawa but to agree with my teacher, lalo pa at nagsigawan ang mga kaklase namin na ako ang maging muse.
Tuloy, sumakit ang ulo ko. Provided naman ng school ang isusuot ko but still, ayuko pa rin na rumampa sa harap ng maraming tao. Lalo na at hindi lang students and teachers ang makakapanuod. Narinig ko kasi na may pupunta, like ang ibang mga shareholders ng school na ito. At may mga dayo rin na lalaban.
“Hays, parang gusto ko nalang tuloy tumigil sa pag-aaral,”
“Sakit ‘yun ha.” Napa-aray ako nang batukan ako ni Ana.
“Gaga ka kasi,”
Inirapan ko lang siya. Nandito kami ngayon sa may gate, hinihintay namin na dumating ang kuya niyang susundo sa kanya. Tapos na ang klase, at sa buong araw na ‘to ay lutang ako. Walang pumasok ni isang lesson sa utak ko dahil sa nangyari kaninang umaga at dinagdagan nang pesting pag-mu-muse na ‘yan.
“‘Yung totoo, mata lang talaga ang ‘di na virgin sa'yo? How about your bibingka down there, hindi pa ba na stretch?”
Mabilis ko siyang nabatukan. “Gaga!”
Tinawanan lang ako nito. “Ikaw nagsabi na ‘di ka na virgin, kino-confirm ko lang,” saad nito na binuntunan pa nang isang malakas na tawa.
Kulang nalang magkulay kamatis ang pisngi ko. Hindi kasi talaga mawala sa isip ko ang cobra ni Ninong na paulit-ulit nag rereflect sa isip ko.
“Ano, tara na?” Hindi ko manlang namalayan na nasa harapan na pala namin si Matt, ang kuya ni Ana. “Ihatid ka na namin para ‘di ka na mahirapan,”
Ngumiti ako. Tumingin ako sa relo, 5:30 na nang hapon kaya mas mabuti na sumabay na lang din ako sa kanila.
“Thank you,” I said nang maikabit niya ang seatbelt ko.
Napangiti ako nang ngumiti siya. Gwapo si Matt, he's my ultimate crush. Isa siya sa mga heartthrob sa school. Pero dahil graduate na siya ay ‘di ko sya laging nakikita. Madalang lang din niyang sunduin si Ana, siguro dahil busy siya.
**********
Xoxo ☺️❤️