✨️KALEA SARAFINA POV✨️
PANGATLONG araw ko na ngayun dito sa school na na 'to. At ganun pa din ang mga ibang students. Ganun pa din, kung makatingin kulang nalang ay kainin nila ako. May iba naman na lumalapit at nakikipag usap, yun nga lang pag tumalikod na ay mag tatawan.
Buhay nga naman, may mga tao talagang fake. Katulad nalang ni Cassandra na nakipag kaibigan sa akin. Akala niya siguro hindi ko mahahalata na fake lang ang ipinapakita niya.
Buti nalang hindi ako 'yung tipo ng tao na madaling maniwala. Lalo na kung bagong kakilala ko pa lang. Well trained, din kasi ako sa mga fake na tao, dahil minsan na din nangyari sakin yun nung nasa highschool palang ako dun sa dati kung pinapasukan. Kaya naman keribells ko na ang mga ganoong uri ng sitwasyon.
Anyways, tapos na pala ako sa klase ko for today's bidyow. At finally makakauwi na din ako ng maaga at makakapag pahinga.
Ang hirap kasing maging interior designer, pero ito talaga ang gusto ko dahil balang araw kapag nakapag tapos na ako gusto ko na ako ang mag design ng sarili kung bahay, 'yong naaayon sa gusto ko.
"Hey baboo," Napalingon ako ng may magsalita. Nakita ko na naman si ethan, na nasa likuran ko na pala.
"Sino si baboo?" I asked, dahil wala naman akong nakikita na iba, kundi kaming dalawa lang.
"You,"
"Ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Yeah, you."
"Baliw ka ba?" Parang tanga kasi, kalea pangalan ko tapos pinalitan ng baboo? Ano yun, baliw lang?
"That's my endearment for you,"
"Ah, okay, so kung ganun boboo nalang din ang itatawag ko sayo, para maiba naman." Saad ko. Tumawa lang ito at sumabay sakin sa paglalakad.
Habang naglalakad kami ni Ethan, may napansin akong parang nakatingin sa'min, kaya naman lumingon ako pakaliwa. Nakita ko si ace sa may di kalayuan na naka tayo habang madilim ang mga matang naka tingin sa'min.
"You know him?" Napabaling ako kay Ethan ng magsalita siya.
"Who?"
"The guy there," Saad niya at ituro ang direksyon ni ace.
"Yeah, his an engineering,"
"Engineering?"
"Paulit-ulit?" Iritadong sagot ko. Para naman kasi s'yang bingi eh.
"Ang init ng ulo mo always."
"Malamang, sino bang hindi iinit ang ulo kung ikaw ang kausap?" Saad ko at tinarayan s'ya. Ngumiti lang ang halimaw, na parang natutuwa pa.
"Paano ka pala uuwi ngayon?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Ethan. "Seriously?"
"C'mon, baboo, tell me para maihatid kita."
"Ihahatid mo ako?"
"Oo,"
"Talaga?"
"Oo nga,"
"Sure ka talaga?" He rolled his eyes at me, na ikinatawa ko.
"Okay, pero alam mo ba kung ano ang sasakayan ko?" Ngumiti ako sa kanya ng nakakaluko. "Jeep, dalawang rides bago makarating sa bahay namin." Kita ko ang pag ngiwi niya.
Mayaman kasi si Ethan, isa rin s'ya sa mga heartthrob dito sa school na tinitiliian ng mga babae. Tulad din s'ya ni Ace, na dumaan lang sa harapan ng mga babae ay parang mga tangang hihimatayin.
I admit, gwapo sila pareho pero ako, titili? Wag na uy, sayang lang ang boses ko, at baka magka-sore throat pa ako.
"So, ano? Mauna na ako sayo?"
"Ihahatid na kita."
"Wag na, kaya ko naman na." Saad ko. "Bye!" I said sabay kaway.
Wala ng nagawa si ethan ng umalis ako sa harapan niya.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may gate kung saan may mga tricycles na dumadaan at nag hihintay.
"Sakay kayo ma'am?" Tanong sakin ng isang tricycle driver.
"Opo, kuya, sa may kanto lang po sa sakayan ng jeep."
Sumakay ako, kinuha ko ang phone ko dahil alam kung mag aantay pa ng isang pasahero bago umalis ang tricycle.
Mama: Anak, wag ka munang umuwi ha, baka kasi walang tao sa bahay. Nasa labas pa ako.
Yun ang text ni mama. Medyo napa kunot pa ang noo ko dahil ito ang unang beses na nag text s'ya sakin ng ganito.
Me: Okay lang naman po ma, pwede naman po akong umuwi kahit wala kayo para na rin po gawin ang gawaing bahay. Para pagdating niyo po malinis na.
I replied. Nag hintay ako ng ilang minuto, ng hindi mag reply si mama ay agad ko na din pinasok ang phone sa bag ko.
"Tara na ho, Manong!" Napalingon at nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa taong kakasakay lang. Walang iba kundi ang nag iisang ACEL FARIS MORRISON.
"Anong ginagawa mo?!"
"Uuwi na, bakit may problema ka?"
Hayop talaga! Napaka pilosopo.
"Uuwi ka? Bakit dito ka sumasakay?"
"Bakit bawal ba? Ikaw na ba ang may-ari ng tricycle na'to? "
Sunod-sunod na tanong niya.
"Ang sinasabi ko, bakit ka dito sasakay eh may sasakyan ka naman?" Pagtataray ko pa.
"Eh sa gusto kung mag commute, eh."
Hindi na ako sumagot pa, dahil baka maabutan kami hanggang next year sa argumento na'to pag nagkataon.
"Ah..kuya, saglit lang ho, bababa nalang po ako." Saad ko ng akmang paandarin na ni kuyang driver ang tricycle.
"Excuse me," Saad ko sa katabi kung asungot, ngunit hindi manlang ito gumalaw.
"Kuya saglit lang ho, ha," sabi ko ulit.
"Pambihira naman kayo mam, kung kailan paalis na tsaka pa kayo bababa." Nag-kakamot sa ulo na saad nito.
"Sige ho, kuya, umalis na po tayo." Sabi ko nalang dahil wala yatang balak na padaanin ako ng asungot na katabi ko.
Nag uusap si kuyang driver at ang katabi ko. Ako naman nakikinig lang sa kanila. Feeling close pa ang asungot, akala mo kilalang kilala na ang driver.
"Opo sir, maganda si mam bagay po kayo," Saad nito sabay tawa na nagpa-irita sa'kin.
"Narinig mo yun? Bagay daw tayo." Parang tangan kinikilig 'tong katabi ko.
"Paano tayo naging bagay? Eh pareho tayong tao." Sagot ko, sabay paikot ng mga mata ko.
"Ay sus, basta ang sabi ni kuyang driver, bagay daw tayo."
Hindi ko nalang pinansin ang katabi ko. At para maiwasan na hindi makipag usap sa kanya ay kinuha ko nalang ang phone at ang headset ko. Bahala s'ya sa buhay niya d'yan.
Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa may Kanto.
"Salamat ho," sabi ko sabay abot ng bayad pero hindi iyon tinanggap ni kuya.
"Nilibre na kayo ni sir, mam," Sabi nito.
Hindi nalang ulit ako sumagot at naglakad na papunta sa may mga jeep.
"Wala man lang bang, 'thank you' d'yan?"
Naririnig ko s'ya pero hindi ko s'ya pinansin. Actually wala naman talagang music ang headset, wala akong pinapakinggan. Kunwari lang 'to para isipin niya na hindi ko s'ya naririnig.
Sumakay ako sa jeep, naramdaman ko rin na sumakay din s'ya. Alam kung hindi ito ang daan papunta sa kanila. At iwan ko kung ano ba ang trip nitong isa.
Sa pagkakaalam ko kasi ACEL FARIS MORRISON kilala bilang isa sa mga heartthrob sa bagong school na pinapasukan ko. Mayaman din s'ya, mas mayaman pa nga yata kisa kay Ethan eh. Usap-usapan din na isa ang family Morrison sa mga shareholder ng skwelahang to.
Tumingin ako sa kanya sabay sabi ng, "What?" dahil tinanggal niya ang headset ko.
"Kanina pa kita kina-kausap pero wala ka manlang sagot ni isa." Saad n'ya sabay nguso.
"Tumigil ka nga, hindi bagay sayo!"
Nasa byahe na kami at alam kung ilang minuto nalang makakarating na ako sa destinasyon ko.
"Thank you,"
Napabaling ulit ako sa kanya ng dahil sa sinabi niya.
"Anong thank you?"
"Thank you for saying pogi towards me."
"Hindi ka rin assuming, noh?" Saad ko pero tinawanan lang ako nito.
"Alam mo ba?"
"Hindi." Sagot ko.
"Patapusin mo muna ako,"
"Sabi nila kapag masyado daw naiirita or palaging galit ang isang babae towards a guy, ibig sabihin daw nun may gusto yun sayo..." Saad nito na tinaasan ko lang ng kilay.
"Naniwala ka naman?"
"Oo, kasi ibig sabihin may gusto ka din sakin dahil palagi kang masungit pag ako ang kaharap mo."
"Niknik mo!" Tumawa lang ang asungot na ikina irap ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
Nakababa na kami ngayon at naglalakad ng sabay. Ako pauwi na at s'ya naman sunod ng sunod sakin.
"Sasabay sayo,"
"Baliw ka ba?"
Humarap ako sa kanya, at pinagsalikop ang dalawang braso sa tapat ng dibdib ko.
"Ito naman, makikiinum lang ako sa inyo. Nauuhaw na kasi ako." Saad niya at kuwari pang hinaplos ang bandang dibdib niya.
"Gusto mong uminom?"
"Oo,"
"Kung ganon, halika at ipapainum ko sayo ang kanal ng kapit bahay namin!"
Nakaka-irita na kasi, kanina pa s'ya sunod ng sunod sakin. Wala ba s'yang ibang magawa at ako ang binubweset niya?
"Ang sama mo,"
"Talaga! Dahil kung hindi ka pa uuwi ilalag-lag na kita sa kanal ng kapit bahay namin hanggang sa malunod ka!"
"Kaya mo?"
"Gusto mong subukan?"
"Sabi ko nga, uuwi na ako." Saad niya sabay pihit patalikod.
"Bye! See you tom'!" Sigaw nito habang nag lalakad ng nakataligod. Napabuntong hininga nalang ako.
This is really the worst day ever. Dahil hindi ako tinantanan ng asungot na yun.
#########