CHAPTER 1
Congratulations!" nakangiting bati ni Andreiu kay Ava. It was her most awaited day in college, her graduation day.
"Thanks, Kuya Drew! Uhm, nakita mo ba si Eury?" aniya rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid para hanapin ang kaibigan nang may mahagip ang paningin niya. Natigilan siya at saglit itong tinitigan para kilalanin.
"Hey, dude! Congratulations! Magkakaroon ka na rin ng kapatid na C.P.A." Maang na napatitig si Ava sa lalaking lumapit sa kanila.
"Congratulations, Av!" nakangiting bati nito sa kaniya. Ngunit kaagad din iyong nawala nang mapansin ang pagkunot ng noo niya.
"Are you okay?" nagtatakang tanong nito sa kaniya.
"A-Ah, yeah. I'm okay. Thank you," nahihiya niyang sagot. Tumikhim ang kuya niya at inakbayan siya.
"Baka malito ka, Av. Si Liam ang kaharap mo. Hindi si—"
"I know, kuya. Sinisigurado ko lang," mahinang sabi niya. Si Liam ang ikalawang kapatid ni Eury. Mas matanda ng limang taon dito si Killian. Bihira niyang makita ang binata noong madalas pa siya kina Eury. Mas pinili kasi nitong mag-aral sa ibang bansa kaysa rito sa Pilipinas, hindi katulad ni Killian na hindi maiwan-iwan ang negosyo ng pamilya. Sa pagkakaalam niya ay nag-aral ito sa isang sikat na business school sa United States.
"Saan kayo magse-celebrate? Daan naman kayo sa bahay. I'm sure, hihintayin ka rin ni Eury do'n, Av. Look at my li'l sis. Mukhang kinalimutan ka niya agad," biro ni Liam at inginuso ang kapatid na sabik na sabik makipag-selfie sa mga ka-batch nila.
Hindi naman maitatago ang kasikatan ni Eury sa kanilang university dahil kahit ang mga magulang nito ay doon din nagtapos ng pag-aaral. Ang isa sa pinakamalaking building doon ay donated ng ama ng magkakapatid. It was also the same school kung saan nagtapos ng pag-aaral si Killian bilang Magna c*m Laude at batch topnotcher pa nang mag-take ng Licensure Exam.
"Thanks, dude! Pupunta kami." Gulat na napatingin si Ava sa kuya niya. May party rin kasi sa ancestral house at imbitado roon ang mga empleyado nila at ilang malalapit na kaibigan. Karamihan naman kasi sa mga kaibigan ng mga magulang nila ay nasa ibang bansa na kaya hindi na nila maiimbita pa ang mga ito. Mga ninong at ninang pa niya ang mga iyon nang binyagan siya.
"What? Kuya, di ba may party rin naman sa—"
"It can wait, Avryll. Dadaan lang naman tayo kina Liam, then, we'll go there," pinal na sabi ng kuya niya. Napabuntong-hininga na lang siya at napipilitang sumunod dito. Kahit naman kasi ipilit niya ang gusto niya ay ito pa rin ang masusunod.
Nilukob ng kaba ang dibdib ni Ava nang muling makapasok sa bakuran nina Eury nang gabing iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nangyari noong huling beses siyang tumapak doon.
Sinisipa-sipa ni Ava ang dala niyang bola habang naglalakad patungo sa bahay nina Eury. Wala silang klase tuwing sabado kaya inilalaan na lang niya iyon sa paglalaro ng volleyball kasama ang bestfriend niya. Pinapayagan naman siya ng kaniyang kapatid dahil katulad nila ni Eury ay kababata rin nito ang mga lalaking kapatid ng kaibigan niya. Kasundo niya ang magkakapatid na Franco maliban lang sa panganay ng mga ito.
"Tao po!" sigaw niya mula sa labas ng nakasaradong gate. Nang walang sumagot, mas nilakasan pa niya ang boses para marinig siya ng mga tao sa loob. Baka kasi abala lang ang mga katulong doon kaya hindi siya naririnig. Wala na kasi ang guard na nagbabantay roon. Ang sabi ni Eury ay sinesante raw ng kuya nito dahil nahuling natutulog habang oras ng trabaho. Mahirap na raw kasi kung masalisihan sila ng mga magnanakaw sa subdivision. Naghahanap pa raw ang mga ito ng matinong kapalit sa agency na kinausap ng kuya ni Eury.
Mayamaya ay biglang bumukas ang gate. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino'ng nagbukas niyon. Marahas siyang napalunok at biglang bumilis ang tahip ng dibdib niya.
"Will you please stop shouting? Nakaka-distract ang kaingayan mo," masungit na sabi ni Killian, kuya ni Eury. He’s the acting father in the family mula nang pumanaw ang ama ng mga ito. Kilala ito sa pagiging istriktong kapatid at amo sa Villa Franco.
Nang silipin niya ang ginagawa nito sa loob, nakita niya ang makakapal na libro sa table na nasa garden. Nag-aaral siguro ito para sa exam nito. Nabanggit iyon sa kaniya ni Eury kaya binalaan siya na huwag mag-iingay pagpunta roon. Hindi naman niya akalain na naroon pala ito sa garden. Madalas kasi ay sa study room ito nagre-review kaya malaya sila ni Eury na nakakapag-bonding sa malawak na sala ng mga ito o ‘di kaya naman ay sa may gilid ng pool.
"Av!" nakangiwing tawag ni Eury sa kaniya. Yumuko siya at humingi ng paumanhin kay Killian bago nilapitan ang kaibigan. Pakiramdam kasi niya ay matutunaw na siya sa talim ng tingin nito sa kaniya.
"Sorry. Naabala ko ang kuya mo," bulong niya sa kaibigan nang tuluyang makalapit.
"Oo nga, e. Sorry, ah. Nasa loob kasi ako kanina. Sana nag-text ka muna."
Nagpaalam si Eury kay kuya nito na sasaglit muna sila sa court para maglaro nang madaanan pa rin nila ito sa garden na abala sa pagbabasa. Kung hindi pa nagsalita noon si Eury ay hindi pa ito mag-aabalang mag-angat ng tingin.
"Ang sipag talaga ng kuya mo, 'no?" aniya habang naglalakad silang dalawa patungong gymnasium.
"Oo. Graduating na kasi iyang si kuya. Sigurado naman akong makakapasa siya knowing his class standing."
"May girlfriend na ba ang kuya mo?" Maang na napatingin sa kaniya si Eury sa tanong niyang iyon.
"Bakit mo naman tinatanong? Huwag mong sabihin na type mo si Kuya Lian? Gosh, Av, pitong taon ang agwat ninyo ni Kuya!" naniningkit ang mga matang sabi ni Eury. Napalunok siya sa sinabi nito at kaagad na nag-isip ng isasagot.
"H-Ha? H-Hindi, ah! Hanga lang talaga ako sa kasipagan niya sa pag-aaral. Parang... parang gusto ko nga 'yong kurso niya, e," palusot niya at kaagad na umiwas ng tingin kay Eury.
"Gano'n ba? Oo, maganda ang Accountancy. Push natin 'yan kapag nag-college na tayo," nakangiting sabi ni Eury. Nakahinga siya nang maluwag nang mawala na ang pagdududa nito sa kaniya. Kapag nahuli talaga siya nito na may gusto siya sa kuya nito ay hindi na siya nito titigilan sa pang-aasar. Siguradong makakarating din iyon kay Liam na pinakanakakapikon na mang-asar sa lahat.
Inaliw nilang dalawa ang kanilang sarili sa paglalaro ng volleyball. May mga nakikisali rin sa kanila at pinagbigyan naman nila ang mga ito. Nang mapagod ay nag-aya na si Eury na umuwi. Inimbita pa siya nito sa bahay para magmeryenda. At hindi naman siya tumanggi. Minsan kasi ay iniimbitahan din niya itong magmeryenda sa ancestral house nila. Madalas siyang magpaluto o ‘di kaya naman ay magpabili na lang ng lutong pagkain. Hindi kasi siya marunong magluto at hindi rin niya mahanap ang interes niya sa bagay na iyon.
Tinulungan ni Ava si Eury sa pagbabalat ng mangga. Iyon kasi ang napili niyang kainin imbes na pan cake. Nagpaluto na raw kasi ng meryenda si Killian bago pa sila dumating doon.
"May bagoong ba kayo?" tanong niya rito.
"Ah, meron. Nasa kusina. Iutos mo na lang kay yaya," ani Eury.
"ha? Uh, hindi na. Ako na lang ang kukuha." Iniwan muna niya si Eury sa maliit na kubo-kubo sa gilid ng pool para kunin ang bagoong na sawsawan nila ng mangga.
Tahimik ang bahay pagpasok niya roon. Maingat na siyang makagawa ng anumang ingay dahil baka magalit na naman si Killian. Nanubig ang bagang niya nang makita ang hinahanap sa cabinet sa itaas ng sink. Kumuha siya ng maliit na mangkok para isalin doon ang bagoong.
Palabas na sana siya ng kusina nang may asong sumalubong sa kaniya. Napatili siya nang dambahin siya nito, dahilan para matapon ang dala niyang bagoong. Sa pagkataranta niya, hindi na niya napigilan ang aso nang dilaan ang bagoong na kumalat sa sahig.
"What the hell are you doing?" Napapitlag siya sa malakas na sigaw na iyon. Paglingon niya ay naroon si Killian at matalim ang mga mata sa galit.
"Copper, stop it! Bawal 'yan sa 'yo!" saway nito sa alagang aso.
Namutla siya sa narinig at hindi kaagad nakapagsalita. Tila naumid ang dila niya at naestatwang tumitig na lang kay Killian.
"What? Are you just going to stand there? Clean your mess! Stupid." Napalunok siya nang sunod-sunod at nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Parang tinusok ng libo-libong karayom ang dibdib niya sa mga salitang binitiwan ni Killian sa kaniya. No one has ever called her stupid. Not even her parents. The fact na kay Killian pa mismo iyon nanggaling ay mas lalong naging masakit para sa kaniya.
Stupid.
Pinalis niya ang luhang walang tigil sa pagpatak habang naglalakad pauwi. Hindi na siya nakapagpaalam pa kay Eury matapos linisin ang kalat niya dahil sa pinaghalong kaba at sama ng loob kay Killian. Wala pang nakapanakit sa kaniya sa ganoong paraan kaya gano’n na lang ang sama ng loob niya sa nangyari.
"Av, are you okay? Kanina ka pa hindi mapakali dyan, ah," ani Eury nang magkita silang dalawa sa paborito nilang coffee shop na malapit sa kanilang eskwelahan. Ilang beses na siyang inimbita ni Eury sa mansyon pero palagi rin siyang tumatanggi at gumagawa ng excuses. Naikuwento kasi nito na nagkasakit ang alagang aso ni Killian at nanghihina na ngayon.
"Kasalanan ko 'yon, e! Hindi ako nag-iingat. I'm sorry, Eury. I'm really sorry," mangiyak-ngiyak na sabi niya. Sigurado siyang galit na galit pa rin ngayon si Killian dahil sa ginawa niya. Regalo pa kasi iyon ng first girlfriend ng binata noong anniversary ng mga ito. Sa kasamaang palad, maaga itong binawian ng buhay dahil sa brain tumor nito at ang asong iyon na lamang ang naiwang alaala ng babae.
"Don't worry, ako na ang bahalang magpaliwanag kay kuya. Pwede ba, ayusin mo 'yang sarili mo? Masyado kang nate-tense nang dahil lang sa isang aso," sermon ni Eury sa kaniya.
"Please, i-update mo naman ako kung okay na 'yong aso ni Lian..."
Makalipas ang isang linggo, muling tumawag si Eury para i-update siya sa kalagayan ng aso ni Killian. Sabik pa niyang sinagot ang tawag sa pag-aakalang may magandang balita ang bestfriend niya.
"Av, Copper is dead." Bagsak ang balikat na sumandal si Ava sa headboard ng kaniyang kama. Bukod sa takot ay nakokonsensya rin siya sa pagkawala ng asong iyon dahil sa kapabayaan niya.
"Oh, God! What should I do?"
"Hindi naman sinabi ni Kuya Lian kung ano'ng ikinamatay ni Copper but I'm pretty sure na hindi 'yon dahil sa bagoong! Wala kang kasalanan, okay? Nag-research ako tungkol sa sinasabi mo at sigurado ako na hindi iyon ang ikinamatay ni Copper. I'll ask kuya's vet na lang para ma-confirm."
Bagama't nalaman ni Ava na hindi naman talaga niya kasalanan kung bakit namatay aso ni Killian, hindi na rin siya muli pang naglakas-loob na bumisita sa Villa Franco. Wala na rin siyang balita kay Killian mula nang mag-college sila ni Eury.
Napapikit siya nang muli iyong maalala at piping nanalangin na sana ay hindi niya makita roon ang binata o kaya naman, sana ay hindi na siya nito kilala.
"Ava! Oh my God! Buti nakadaan kayo ni Kuya Drew!" sigaw ni Eury nang makita siya roon. Kaagad naman siyang natauhan sa boses ni Eury. Ngunit sa halip na yumakap ay inirapan niya ito.
"Makayakap ka naman, samantalang kanina, ang bilis mo 'kong nakalimutan," nakasimangot niyang sabi rito.
"Sus! Selos naman agad 'to! Nagpa-picture lang naman ako sa mga ka-batch natin. Halika dali! Pasok tayo sa loob."
Halos wala pa ring nagbago sa loob ng bahay nina Eury mula nang huli siyang makapunta roon maliban sa mga bagong gamit na nadagdag.
Hindi pa rin mawala ang kaba ni Ava lalo na nang matanawan niya si Killian mula sa 'di kalayuan.
"Lian! Hey, you brute!" Natigilan si Ava nang marinig iyon mula sa kuya niya. Kahit maingay ang paligid, tila naririnig pa rin niya ang mga yabag nito. Nakagat niya ang labi at biglang hindi mapakali nang maramdaman ang presensya nito sa likuran niya. She wants to back off and just leave but it would be too rude.
"Hey! Congratulations, you're having a future accountant in your family, too," ani Killian nang makalapit. Nang mag-angat siya ng tingin, napalunok siya nang mapansing sa kaniya nakatingin si Killian. Gusto sana niya itong ngitian pero hindi siya makatingin nang diretso dahil sa mariing titig nito.
Hindi pa ba ito nakaka-move on sa nangyari noon at galit pa rin sa kaniya?
"Ava..." tawag sa kaniya ni Andreiu. Kaagad naman siyang lumapit bagamat may pag-aatubili.
"Congratulations," ani Killian sa malamig na boses. Muli siyang napalunok nang maglahad ito ng palad sa kaniya. Nakangiti naman ito pero parang matutunaw na siya sa klase ng tingin nito.
"T-Thanks," aniya at napipilitang inabot ang palad nito kahit na kinabahan pa rin. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang mahawakan ang kaniyang kamay. Saka lang niya napagtanto na nanlalamig pala iyon. Nahihiyang itinago niya ang kamay sa likod at yumuko upang 'di na muling magtama ang paningin nilang dalawa.
Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Bakit parang nagi-guilty pa rin siya?
Nakahinga lang nang maluwag si Ava nang tuluyan na silang makauwi. Ilang oras lang din siyang nakihalubilo sa mga bisita at nagpasya na ring magpahinga dala ng pagod. Ipinagpaliban na rin niya ang pagbubukas ng mga natanggap na regalo mula sa mga bisita kanina at nagpasyang bukas na lang iyon harapin.
"Av, kailangan na natin mag-prepare para sa review. Last battle na 'to, girl! Push na talaga!" excited na sabi ni Eury nang muli silang magkita para pag-usapan ang pag-e-enroll sa review school sa Manila.
"I know right. Kinakabahan pa rin ako pero... kakayanin naman siguro. Saan ka pala mag-i-stay do'n?"
"Of course, doon muna ako sa condo ni Kuya Lian. Bihira naman siya umuwi ro'n dahil nandito na ang work niya. Kung gusto mo, share na lang tayo para—"
"No! Pwede naman akong... uh—mag-rent muna? Nakakahiya kung makiki-share pa ako," putol niya sa sinasabi nito at bahagyang namula. May pera naman siya para sa apartment na uupahan niya habang nagre-review.
"Tss! Kailangan nating mag-save ng pera, girl. Remember, may plano tayong business! I-save mo na lang 'yan. We can share naman sa condo. Dalawa ang kwarto do'n so-"
"What if, umuwi do'n ang kuya mo?" Hindi pa rin siya kumbinsido bagamat may punto si Eury. Mas magiging practical siya kung doon na lamang makikituloy. Bukod sa makakatipid na siya ay mas maraming oras pa sila ni Eury para sa group study. Ang inaalala lang niya ay ang posibleng muli nilang pagkikita ni Killian doon.
"I'll talk to him. Huwag mo nang isipin 'yong tutuluyan mo, okay? Ako na’ng bahala. Just talk to Kuya Drew para pumayag siya," nakangiting sabi ni Eury. Hindi na siya nakapagsalita nang i-dial nito ang numero ng kapatid. Napailing na lang siya at napabuntong-hininga. Hindi naman talaga niya kailangang magtipid dahil may sapat pa silang pera. Maayos pa naman ang takbo ng negosyong iniwan ng magulang nila na hinahawakan ngayon ni Andreiu.
"AVA, hindi tayo nagtitipid. May pera naman tayo para sa review mo. You don't have to share a room with Eury," sagot ni Andreiu nang sabihin niya rito ang plano.
"I know, kuya, but it's fine... really. You don't have to worry about me sharing a room with Eury. I have to save money for our planned business," paliwanag pa niya sa kapatid ngunit parang 'di pa rin ito kumbinsido. Matagal na rin ang plano nila ni Eury sa café na itatayo nilang dalawa mula pa noong nag-aaral pa lang sila. Isa kasi iyon sa mga pangarap nilang dalawa bilang mga suki na rin sa mga kilalang café sa labas ng kanilang unibersidad.
Hindi na rin bago para sa mga Accountancy student na kagaya nila noon ang pagiging masinop sap era. Tipong kung pwede lang i-record lahat ng expenses ay ginawa na nila dahil alam nila kung gaano iyon kahirap kitain kahit pa sabihing hindi naman sila lumaking mahirap.
"Ava, I'm telling you, hindi maganda kung doon ka titira sa condo ni Lian! Paano kung umuwi siya roon, ano na lang ang sasabihin ni Tita Amanda kapag nalaman niya?"
Eury’s mom wasn’t as nice as what she has expected. Madalas kasi ay nakikita lang niya ito sa picture at mukha naman itong mabait doon. Ngunit nang minsan itong makausap ni Eury, rinig na rinig niya kung paano nito maliitin ang mga kaklase nilang nakakasalamuha ng anak nito na hindi naman kasingyaman ng mga Franco. Nakaramdam pa siya ng panliliit noon dahil alam naman niyang malayong-malayo pa rin sa estado ng pamumuhay mayroon ang mga Franco ang katulad niya. But then, she’s friends with Eury.
"What's the problem with that? He's not staying there anymore at kinausap na rin siya ni Eury."
Andreiu heaved a sigh and reached for her hand. "Fine, but take care of youself, baby. I know, you've grown up an
independent woman but please, if there's any problem, just call me, alright?"
Nakangiti siyang tumango at mahigpit na niyakap ang kapatid.
"Thank you, Kuya Drew. I promise, I'll give my very best to pass that Licensure Exam. Wanna bet?" confident niyang sabi rito.
Ngumisi naman si Andreiu at mariing umiling.
"Can't afford to lose in this game of yours, Little Genius," tatawa-tawang sagot nito. Siya naman ay napasimangot sa itinawag nito sa kaniya.
"I've already grown up but you still call me that? Seriously, kuya?" aniya na halos magsalubong na ang kilay.
"Oh... Really? Go find a good man and tell me that again," anito bago tumalikod. Naiwan siya roon na nakasimangot. Paano naman niya hahanapin ang lalaking gusto niya kung matagal na niyang itong kilala?
Naiwang siyang nakatulala roon. Kung hindi pa sumigaw si Andreiu ay hindi pa siya kikilos. Ganoon na ba talaga katanda para paghanapin na ng kuya niya? Parang kailan lang sobrang higpit nito sa kaniya pagdating sa mga manliligaw niya.
"So your brother wants to spoil you now, huh? Buti napapayag mo 'yon?" ani Eury habang nagmamaneho patungong condo ni Killian. Ngayon ang unang araw nila dito sa Manila para simulan ang review. Bukas sila pupunta sa napili nilang review school para magpa-reserve na. Isa kasi iyon sa kilalang CPA review school at guaranteed na maraming nakakapasa. Sa pagkakaalam niya ay doon din nag-review si Killian nang makapasa ito.