Naiwang nakanganga si Chiara na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Ganoon din si Amelia na hindi maialis ang tingin kay Ava habang tinutulungan ang kaniyang ina sa paglabas ng shop. “Mom, will you be fine here? May babalikan lang ako sa shop,” aniya nang makaupo nang maayos si Savanna. “Avery, I know what you’re going to do. Please don’t waste your time with those kind of people,” malumanay nitong sabi. “No worries, mom. Hindi ko naman sila aawayin. May lilinawin lang po ako dahil gusto kong malinis ang pangalan ko,” paliwanag niya rito. Hindi na siya nito pinigilan at hinayaan na lang siyang bumalik sa loob to finish her ‘unfinished business’ with Chiara and Amelia. Palabas na ng shop ang dalawa nang maabutan niya ang mga ito. “Can we talk?” kalmado niyang tanong habang ang mga

