Maagang nag-asikaso si Ava para sa meeting niya. Hindi na niya naabutan si Killian dahil mas maaga pa itong umalis kaysa sa kaniya. Pagpasok niya sa entrance ng EHB, magalang siyang binati ng guard doon. "Good morning, Ma'am Avery!" Tipid lang siyang ngumiti rito bilang tugon. Isa kasi iyon sa mga itinuro ng kaniyang ina. Ang hindi ipakita ang soft gestures niya lalong lalo na sa mga empleyado dahil pwede siyang abusuhin ng mga ito. Her mother wouldn't be very successful kung hindi totoo ang mga sinasabi nito sa kaniya. Paglabas pa lang niya ng lift ay sinalubong na kaagad siya ng kaniyang secretary na si Ashley. "Good morning, ma'am. Dito po tayo." Iginiya siya nito sa nakasaradong pinto ng conference room. Sabi nito'y naroon na raw ang iba sa mga ka-meeting niya. "Kayo na lang po n

