Katatapos lang kumain ni Ava ng hapunan nang tumawag si Killian. Lumabas muna siya sa may veranda para magpahangin habang hawak ang cellphone niya. “Tired of work?” aniya nang mapansin ang pagod na boses ng kaniyang nobyo. “Yeah, and sleepy. Can I go there and stay for the night?” he asked her softly. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ngayon lang naging ganoon kalambing ang boses nito. Pakiramdam niya ay tumatagos iyon hanggang buto niya. “Uhm… pwede naman pero pagod ka na sa trabaho mo. Magpahinga ka na lang kaya d’yan? Mapapagod ka lang pagda-drive.” Gustuhin man niyang makasama ito ay iniisip pa rin niya ang kalagayan nito. Maghapon itong nagtatrabaho. Nang tumawag siya rito kanina ay abala pa rin ito sa pagre-review ng kaso. Araw-araw ay may panibago itong kliyente na dumadating s

