Killian bought the house from the old couple. Hindi siya makapaniwala na ito na nga ang may-ari ng kanilang ancestral house. Bakit naman nito iyon bibilhin kung pwede naman itong bumili ng mas bago? Killian showed her the title of the house bu there are still papers on his table. Sinadya muna nitong hindi iyon ipakita sa kaniya kaya mas lalo siyang na-curious kung ano’ng laman ng mga ‘yon. Tumayo siya nang maayos nang tuluyang makabawi sa nalaman ngunit naging mailap pa rin ang kaniyang mga mata. Samantalang hindi naman maialis ng binata ang tingin sa kaniya. Sa nakikita niya ngayon, marami na ang nagbago sa binata. Mas lalong naging seryoso at malamig ang aura nito na lalong bumagay sa pagiging abogado nito. Ngunit mas lalo naging fit ang katawan nito kaysa noong huli silang nagkita. B

