Unang araw pa lang ay tambak na kaagad ang mga papel sa table ni Ava. She’s now working in the Finance and Accounting Department. Ipinakilala siya roon ni Mrs. Bernardo at mainit naman siyang tinanggap ng mga empleyado roon. “I’m impressed. You passed Mrs. Bernardo’s interview. I’m telling you, iilan lang ang nakakalusot sa kaniya. ‘Yung mga maiikli ang pasensya, gooobye…” kwento ni Aria, kasamahan niya sa kabilang cubicle. Sinadya pa nito sa cubicle niya habang ‘di pa tapos ang break nila. Tipid siyang ngumiti rito. Gustuhin man niyang makipagkuwentuhan dito pero masyadong okupado ang isip niya ngayon sa mga problema niya. Isa pa, hindi naman niya pwedeng banggitin na mayroon mula sa maintenance ang nagsabi sa kaniya tungkol sa strategy ni Mrs. Bernardo. Baka masesante pa ito nang dahil

