“Ako na ang magpapakain sa kanila,” presinta ni Killian. Kumilos naman siya para makipagpalit dito ng upuan. Pumuwesto ito sa upuan sa gitna ng dalawang bata. Siya naman ay lumipat sa tabi ni Avery. “Are you hungry, big boy?” he asked their son cooly. “Yes, daddy!” masiglang sagot ni Kian. Hindi rin naman nagpatalo si Avery na kumuha ng wings para ilagay sa plato ng ama. “This is for you, daddy. And this is mine. Don’t get mine, ha?” ani Avery. Sabay pa silang natawa ni Killian sa inasta ng anak. Nagkatinginan silang dalawa ngunit nag-iwas din kaagad siya ng tingin dito. Sinubuan ni Killian sina Kian at Avery at siya naman ay nakabantay para punasan ang bibig ng dalawa. “Daddy, bakit kami lang ang sinusubuan mo? Dapat si mommy din,” ani Avery. Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang du

