“Wala ka talagang balak na sabihin sa ‘kin?” pangungulit pa ni Liam nang hindi na siya muli pang nagsalita. “Wala,” aniya at inismiran ito. “Paano kung alam ko?” Pinaningkitan niya ng mga mata si Liam. “Kung alam mo na, ‘wag mo na lang banggitin, William.” “Ouch! How dare you call me that?” “Ewan ko sa ‘yo. Babalik na ‘ko sa loob!” aniya at iniwan ito roon. She rubbed her palm on the silk of her jacket when the cold breeze blew again. Malalaki ang hakbang na nilisan niya ang rooftop. She stepped inside the lift and pressed for the ground floor. Savanna offered her a position at EHB but she refused it. Wala pa kasi siyang gana na magsimula sa pagtatrabaho ngayon. Parang may hinahanap siya na hindi naman niya maisip kung ano. She wants to do something else. Kaya naman habang may libre

