Nanlalamig ang buong katawan ni Ava habang nasa byahe patungong review school kung saan sila magte-take ng preboard. Doon na kasi magkakasukatan kung gaano siya kahanda para sa nalalapit nilang licensure exam. That will be a do or die for her. “Hey, you okay?” untag sa kaniya ni Killian nang patuloy pa rin siya sa pagkagat sa fingernails niya. “No, I’m not. Ba’t ganito? Preboard pa lang pero para na ‘kong kakainin ng lupa,” nakangiwi niyang sagot dito. She can’t even smile at him. Inabot ni Killian ang kaliwang kamay niya habang hawak ang manibela. Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa kamay niya. “You can do it. Passed or Failed, I will still be there to support you and to make you feel how proud I am to you. Nang huminto sa tapat ng review school ang kotse ni Killian, mara

