John’s Point of View “JOHN, please. ’Wag mong sasaktan si Kent. Mahal ko siya! Nasabi ko na rin sa kanya ang lahat. Please, ’wag mo siyang sasaktan para sa akin. Mahal din niya ako.” Iyon ang pagmamakaawa na sinabi ni Monica sa akin nang hawakan ko ang kuwelyo ng jacket ni Kent. Hindi ko kasi napigilan ang inis ko nang makita ko silang dalawa na magkasama ngayon. Kanina ko pa hinahanap si Monica magmula nang magkaroon ng gulo kanina sa booth. Hindi ko kasi nasaksihan ang lahat dahil nasa likod ako ng booth kanina. Nang makabalik ako ay doon ko na nga hindi nakita si Monica. Ang kuwento pa sa akin ni Chepai, na hindi rin nasaksihan ang pangyayari, ay may nang-bully raw kay Monica na grupo ng mga babae. Binuhusan daw ng mga ito si Monica ng kape, iyon ang kuwento ni Chepai sa akin. Pag

