bc

Her Biggest Regret

book_age16+
713
FOLLOW
3.9K
READ
family
student
drama
mxb
lighthearted
campus
school
passionate
like
intro-logo
Blurb

(SEASON ONE - FREE TO READ)

Monica and John, who were childhood best friends, were settled to study in college after a year of respite. Their bond had grown so strong that John found himself falling secretly in love with his cherished childhood companion. However, their world turned upside down when Kent entered their lives. As Kent became a part of their circle, the dynamics of their friendship underwent a dramatic shift. Little did Monica realize that this unexpected turn of events would leave her grappling with immense regret, forever altering the course of her life.

DISCLAIMER: This story is written in Filipino-English.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Monica’s Point of View BUONG BUHAY ko ay marami na akong pagsubok na pinagdaanan. Marami na akong mga problemang hinanapan ng solusyon, at marami na rin akong na-engkuwentrong mapanakit sa dibdib dahil sa estado ng kahirapang tinatamasan. Subalit lahat ng iyon ay nakaya kong lagpasan. Hindi ko siguro magagawa iyon kung wala siya. Hindi ko siguro malalagpasan ang lahat kung hindi ko siya nakilala. Sino nga ba ang tinutukoy ko? “Ate Monica, nandiyan na ang boyprend mo!” Narinig kong sigaw ni Nicole, ang siyam na taong gulang na bunsong kapatid kong babae na lagi akong tinutukso sa tuwing darating siya. Sira! Nasabi ko na ko lang sa sarili ko dahil sa pang-aasar niya. Kasalukuyang nakaharap ako sa lumang salamin mula sa antique na cabinet. Nakapustura ako ng maayos dahil may lakad nga pala ako—hindi lang ako—kundi kasama ko rin siya. Sino nga ba ang tinutukoy kong siya? Oo na, ipapakilala ko na siya sa inyo. Siya pala si John—ang childhood best friend ko na tinutukoy ng kapatid kong nasa baba. Siya ang dahilan kung bakit lahat ng mga problema sa buhay ko na naranasan ko noon—magpahanggang ngayon—ay nalampasan ko ng maayos. Siya kasi ang kaisa-isang lalaking nandiyan para sa tabi ko, siya ang kaisa-isang lalaking walang sawang sumusuporta sa akin. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil naging kaibigan ko siya for more than fifteen years. “Sabihin mo pababa na!” pasigaw na balik ko kay Nicole habang naglalagay ako ng kaunting lipgloss sa manipis kong labi upang hindi ako magmukhang walang dugo. At kung inaakala niyo na boyfriend ko nga ba si John? Puwes, nagkakamali kayo. Hindi ko siya nobyo at lalong hindi mangyayari iyon dahil simula pa noong una ay kaibigan na ang tingin ko sa kanya. Sa totoo lang, parang nakatatandang kapatid na rin ang turing ko kay John dahil mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Saka wala rin akong pagtingin sa kababata ko. Wala ding issue para sa akin ang biro ng kapatid ko. Sa katunayan nga ay nasanay na ako sa mga biro niya, lalo na ang pamilya ko. Na kesyo lagi kaming magkasama ni John ay iniisip na nila na boyfriend ko na siya. Ano pa nga ba ang ini-expect kong maririnig sa kanila? Iniisip ko nga rin kung pamilya ko nga ba talaga sila o hindi. Nakaririndi na rin ang mga biro nila na paulit-ulit ko na lang naririnig. Matapos kong maglagay ng lipgloss sa labi ko, kaagad na akong umalis sa kuwarto at bumaba papunta sa baba. Maliit lang ang bahay namin na gawa sa tagpi-tagpi ng kahoy at lumang yero. Pero, in fairness, de-second floor pa iyan. Kahit iisa lang ang kuwarto ng bahay namin, nagkakasya naman kaming lahat sa loob. At oo, obvious naman na mahirap lang kaming mamamayan. Laki akong probinsya, dito sa Sitio Magcatang, San Francisco, probinsya ng Quezon, malayo sa sibilisasyon ng mga tao at Maynila. Laki ako sa isang lugar na napapalibutan ng mga puno at masarap na simoy ng hangin. Nagtatrabaho bilang magsasaka ang itay ko na si Efren. Habang ang inay ko naman na si Rosalinda ay may maliit na puwesto sa bayan, malayo sa kinatitirikan ng bahay namin. Apat kaming magkakapatid at pangatlo ako sa mga iyan. Ang dalawang nakatatandang kapatid ko na sina Kuya Henry, ang panganay, at ang Kuya Marjun ko, na ikalawa sa panganay, ay may kanya-kanya ng pamilya. Bumuwag na ang mga iyon sa bahay nina nanay at tatay kaya kami na lang apat ang natitira sa tagpi-tagping bahay na tinitirhan namin ngayon. Ang bunsong kapatid ko naman na si Nicole, nag-aaral pa iyan ng elementarya. Grade six na sa susunod na pasukan at kasalukuyang nagbabakasyon ngayon. Pero kahit mahirap lang ang buhay na nakasanayan namin, masaya naman kami. Hindi namin kailangan magpatalo sa mga pagsubok na dumarating sa aming buhay. Dahil kung susuko kami, talo kami sa laban. Wala sa bukabularyo namin ang kahirapan. Masisipag kaming lahat kaya laging may blessings na dumarating sa aming pamilya. Minsan naman ay kapos, ngunit hindi pa rin namin nakalilimutan na magpasalamat kahit ganoon ang sitwasyon. “’Nay, alis na po ako!” paalam ko sa inay ko nang makababa ako sa hagdanan na gawa sa kahoy. Hinalikan ko pa siya sa pisngi habang nakatalikod siya’t nagluluto ng almusal. Bitbit ko ang luma at maliit kong bag sa aking balikat. Yakap-yakap ko naman ang plastic envelope na naglalaman ng mga importanteng papeles para sa pupuntahan namin ni John. “Oh, kumain ka muna. Maaga pa naman,” sabi ni nanay. Hininto pa niya ang paghihiwa ng sibuyas upang harapin ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod at puyat dahil nanlalalim ito’t nangingitim. Gabi na kasi ito nakauwi galing sa bayan. Hindi ko man lang siya natulungan kahapon dahil naging mailap ang oras ko sa pag-aasikaso ng mga papeles na dala-dala ko ngayon. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang malakas na busina ng motor ni John sa labas. “Ah, hindi na, ’Nay. Nagmamadali rin po kasi kaming dalawa ni John.” “Ay! Heto, pinagbalot kita ng pagkain. Dinamihan ko na para sa inyong dalawa ni John.” Inabot ni nanay sa akin ang nakabalot na Tupperware. Mainit-init pa iyon nang mahawakan ko, at mukhang bagong luto pa. Masaya naman ako kasi kahit puyat si nanay kagabi, nagawa pa rin niyang maghanda ng pagkain para sa akin, at para na rin kay John. Ngunit minsan, hindi ko maiwasan na maawa sa pamilya ko. Gusto ko silang tulungan pagdating sa pinansyal kaya ko ginagawa ito. “Paghatian niyo na lang ’yang dalawa. Alam kong walang baon ’yong kababata mo dahil sa pamilya niya.” “Sige, ’Nay. Ako na po ang bahala sa kumag na iyon kapag tinutulan pa niya ang inalok niyo pong pagkain para sa kanya,” masaya kong wika sa inay ko. “Mag-ingat kayo, ah. At good luck sa exam mo. Sana makapasa ka at makapag-aral na sa kolehiyo. Iyon lang ang natatangi kong pangarap para sa iyo, Monica.” “Ako rin po, ’Nay. Gusto ko pong magpatuloy sa pag-aaral para kapag nakatapos po ako, iaangat ko po kayo sa kahirapan ni Tatay. Pangako ko po iyan sa inyo.” Natawa naman ang inay ko. Nakalalambot lang ng puso nang makita siyang nakangiti. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya at ramdam na ramdam ko na proud siya sa gagawin ko ngayong araw. Kukuha nga pala ako ngayon ng exam for scholarship. May nag-abot kasi ng tulong sa city hall ng bayan na magkakaroon daw ng scholarship ang mapapalad na makapasa sa exam na gagawin nila. Para raw ito sa mga gustong mag-aral ng libre sa kolehiyo sa Maynila. Sponsored daw ito ng isang hindi ipinakikilalang mayaman na businessman, na sabi naman ng iba ay dito raw lumaki sa probinsyang kinalakihan ko. Na-excite ako nang marinig ko ang balitang ito noong nakaraang linggo. Hindi na rin ako nagdalawang-isip pa na sumubok kasi sa tanang buhay ko ay gusto ko talaga na makapag-aral sa kolehiyo. Hindi na nangyari pa iyon matapos kong makapagtapos ng high school anim na taon na ang nakararaan. Bente uno anyos na ako at kailangan kong magsipag para sa mga pangarap ko. Kaya nga ginawa ko ang lahat para lang makumpleto ang requirements na kinakailangan sa exam. Nakumpleto ko naman iyon kahapon. Kasama ko nga rin pala si John na kumuha ng exam for scholarship. Nahirapan pa akong imbitahan siya na sumama sa akin. Mabuti na lang ay pumayag ang kumag. Nag-aalangan kasi ito noon, kesyo raw na baka hindi siya makapasa sa exam at sayang lang ang gagastusin papunta sa bayan para makamit ang inaasam kong scholarship. Hindi ako sumuko sa kanya kasi alam ko—simula pa lang—na gusto niya ring makapag-aral sa kolehiyo. At para na rin mahanap na din niya ang totoo niyang magulang. Ano nga ba ang buhay na meron si John? Sa totoo lang, hindi naging ganoon kadali ang buhay na meron siya. Sa kasamaang palad, ampon si John sa kinikilala niyang pamilya. At kung ano man ang nangyari noong 2nd year high school pa siya ay hindi ko kayang harap-harapan na ikuwento sa inyo ang lahat. Hindi yata ako ang may karapatan na magkuwento niyan sa inyo ngayon. Nang makalabas ako ng bahay, nadatnan ko ang kababata ko na nakasakay ito sa motor dala niya. Naka-helmet na rin ito at may face mask na itim pa itong suot. Nakapustura ito ng itim na T-shirt, pantalon na kupas dahil na rin sa sobrang kalumaan, at itim na sapatos na nagkabitak-bitak na ang balat dahil sa sobrang tagal ng ginagamit nito. “Ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay sa iyo rito,” pagrereklamo ni John nang makalabas ako ng bahay. Pabirong sinimangutan ko siya dahil iyan lagi ang bukang-bibig ng kumag sa tuwing nale-late ako kapag may lakad kaming dalawa. “Napaka-demanding mo, ah. Nag-aayos pa ako,” pagdadahilan ko sa kanya. Narinig ko na mahinang natawa siya sa sinabi ko. “Kumain ka na ng almusal?” Ini-expect ko na iiling siya bilang kasagutan sa tanong ko. At iyon nga ang naging kasunod. Napangiwi ako at itinaas ko pa ang plastic na hawak ko na naglalaman ng Tupperware na ang laman ay ang pagkain na inihanda ng aking inay. “Kain na lang tayo pagdating sa bayan.” Hindi siya sumagot. Tinanggal lamang niya ang suot niyang helmet at walang-imik sa sinasakyang motor. Alam ko na ang pananahimik niyang iyan. Ang ibig sabihin lang niyan ay wala itong pera pangbili ng pagkain pang-almusal. Kahit itago pa niya ang bagay na iyan sa akin, hinding-hindi makakatakas ang galaw niya sa paningin ko. Labing-limang taon na kaming magkaibigan ni John. Lahat ng katangian, galaw, at kagustuhan nito ay alam na alam ko na. Kaya wala siyang takas pagdating sa akin. “Wala ka na namang pera?” Humarap naman siya sa akin pagkatapos. “Wala akong trabaho sa construction kahapon. Lalo na sa palengke. Pagpasensyahan mo na ako,” pagdadahilan na lamang ni John sa akin. Nagko-construction worker kasi ito paminsan-minsan kung wala itong trabaho bilang kargador sa palengke. “’Wag kang mag-alala. Pagkain lang ba ang problema mo? Ako na ang bahala. Libre ko na sa iyo dahil pumayag ka na sumama sa akin na mag-exam para sa scholarship,” may pagkapositibo ang ngiti kong tugon sa kanya. Napansin ko na wala man lang siyang karea-reaksyon sa sinabi ko. Iniabot lang niya sa akin ang isa pang helmet na kulay pink bago siya nagsalita. “Helmet mo.” Minsan kasi ay ayaw ni John na pag-usapan ang estado ng buhay niya, na ipamumukha sa kanya na walang-wala siya. Ayaw na ayaw kasi niya na maging maliit ang tingin ng tao sa kanya. Hindi naman ganoon ang tingin ko sa kababata ko. Sa katunayan nga ay pareho lang kaming dalawa na walang-wala sa buhay. Kaya ko nga siya tinutulungan kasi parang pamilya na ang turing ko sa lalaking ’to. “Tara na. Baka ma-late pa tayo,” saad pa niya sa akin na animo’y parang nawawalan siya ng gana. Sungit! Bulong ko sa sarili ko. Sinuot ko na lang ang helmet na ibinigay niya sa akin at sumakay na sa motor niya. Mayamaya pa ay nadatnan ko na lang ang sarili ko, kasama ang kababata ko, na nilalakbay ang tuwid na kalsada papunta sa bayan. Hindi ko maiwasan na kabahan. Patuloy pa rin akong nagdadasal sa isip ko na sana maitawid ko ng maayos ang exam na mangyayari ngayong araw. Sana makapasa ako at makakuha ng scholarship. Lalo na ang kababata kong si John, na laging nariyan upang suportahan ako sa mga pangarap ko sa buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook