Jackie’s Point of View “SORRY talaga! Sorry!” paulit-ulit pang paghihingi ng paumanhin ni Gian sa akin habang nakadaop ang dalawang kamay niya sa harapan ko. “Eh, ano’ng magagawa ko sa sorry mo!? Natapunan mo ako ng ice cream ko. Namantsahan pa ’yong damit ko! Hindi mo ba alam kung gaano ito kamahal!? Mas mahal pa ito sa buhay mo!” nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Sa tuwing tinitingnan ko ang damit kong namantsahan ng ice cream na binili ko, mas lalo pa akong nagfu-fustrate sa nangyayari. “Sorry talaga. Teka, pupunasan ko!” Napansin kong mabilis na dumukot ng panyo ang mokong na ito sa bulsa niya. Pupunasan na sana niya ang mantsa ng damit ko na nasa pagitan ng dibdib ko nang mabilis na hinawakan ko ang kamay niyang may hawak-hawak na panyo. “Huh? Araaay!” Malakas na humiyaw siya da

