"Pasok kayo" sabi ni Ace at nakatitig lang siya sa akin the whole time. Binuksan niya ang pintuan para makapasok kami. Ngumisi lang si Ace nang makitang tumingin ako sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Stop flirting with her, Ace!" Narinig kong bulong ni Paris sa kanya. Hindi ko na lang pinansin. "Why? You jealous? Stop being jealous, Paris. Alam mo namang sa'yo lang ako diba?" Napatingin ulit ako sa kanila at nakitang nilalambing ni Ace si Paris. Hindi ko man lang alam na boyfriend pala itong si Paris! Hindi lang yun, pogi yung boyfriend niya! Hindi lang pogi, isang flirt din! How could she cope up with that? Pero hahayaan ko na lang, that's her life anyways. And they look happy together. Tinignan ko ang buong bahay. It really feels like home and very familiar. Bawat sulok na

