Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Agad akong napadaing at napahawak sa ulo ko nang bigla itong sumakit. Pagdilat ko, kumurap pa ako ng ilang beses dahil sa nakakasilaw na liwanag sa harapan ko. Unti-unting lumilinaw ang paningin ko at nagkakaroon ng ingay sa paligid ko. “Janine? Janine! Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko. Namamaga ang mata niya na para bang kaiiyak lang nito. Hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at mas lalo niya pa itong hinigpitan nang nakita akong gumalaw. “Oh my god, I thought you’d never wake up again. I’m so glad you did!” May lumitaw na naman na isang babae katabi ng babaeng hawak ang kamay ko. May kumalabit sa akin at napatingin ako sa kanan ko kung saan may isa pang babae na nanlilisik ang mata at pinagmamasdan ako. “Janine.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


