"A-anong sabi mo? Pakiulit nga?" Bakit parang nakakabingi 'yung sinabi niya. Mukhang mali lang ata ang pagkarinig ko. Napaka-imposible naman kasi. "Ang sabi ko, nung araw ng kasal mo, umalis ka. Iniwan mo siya. Iniwan mo siyang naghihintay. Runaway Bride kumbaga," pag-uulit niya. Nagtaka na lang siya bigla nang bigla akong napatawa. "Miss, nagpapatawa ka ba? Sorry, pero iba ang istorya mo sa istorya ng mga kaibigan k--" "Hindi nila sinabi sa'yo? Hindi nila kwinento lahat?" Para bang kinumpirma niya ang teoryang namumuo sa isip niya habang pinagmamasdan ako. Bigla siyang tumango ng maraming beses. "Gets ko na. Hindi nga nila sinabi sa'yo," bulong niya. Aalis na sana ako kaso pinaupo niya ako pabalik. "Look. I meant no harm, Janine. Pero gusto mo bang marinig ang buong kwento?" tanong

