Napatulala ako sa sinabi niya. Ano daw? Nabibingi na ba ako? Parang bumalik lang ako sa katinuan nang narinig ko ang malakas niyang halakhak. "Teka nga Cash! 'Wag mong sabihing sineryoso mo 'yun?" natatawang sabi niya. Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya. Naku, patay kapag totoo ngang may gusto siya sa'kin. Paano na si Yssa? Nagulat na lang ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya. "Fine. Cashew.. mahal kita," diretsuhang sabi niya. Muntikan na akong mahulog sa upuan ko dahil napaatras ako. Nanlalaki ang mata ko habang pinapanood lang niya ang reaction ko. Mas malala pa yata ang sinabi niya ngayon kaysa kanina! Oh my god, ano ba talaga, Remy? "A-ano? Bawiin mo nga ang sinabi mo!" Nahanap ko na rin ang boses ko at sinigawan ko siya. Napangiti naman siya sa akin. "Bakit ko b

