Chapter 7 ~ Perplexed

2097 Words
Chloe Anne Dela Cuesta "Are you okay nerd?"Napapansin ko kasi na parang nanginginig siya.Tapos narin kasi kaming kumain ng hapunan at yun nga nag presinta ako na maghugas ng plato sabi naman niya siya nalang daw since konti lang yun. Diko tuloy maiwasang di mapasimangot. "Oo naman bakit mo natanong?"Nagtataka niyang tanong at bahagyang lumingon sa akin."Napansin ko kasing parang nanginginig ka."Di naman siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Nandito pa kasi kami ngayon sa kusina at katatapos ko lang rin kasing maglinis ng kalat at heto umoopo nalang ako habang nakatingin kay nerd since hindi niya ako pinayagan maghugas. "Uuwi ka ba ngayon?"Instead na sagutin ang tanong ko ay ako naman ang tinanong niya."Nah, dito ako matutulog kung pwede?Hihi."Sabi ko at nagpa cute sa kanya, baka kasi madala siya sa charm ko haha. Bumuntong hininga naman siya bago sumagot at agad humarap sa akin pagkatapos nagpahid ng kamay gamit ang apron. So i guess tapos na siyang mag hugas. "It's okay, besides di rin naman kita papayagang umuwi sa ganitong oras."Napa kagat labi naman ako sa sinabi niya para pigilan ang ngiti ko-pero ang traydor kung ngiti ay lumabas talaga tsk. "You know what nerd may napapansin ako sa'yo."Sabi ko na ikinakunot ng noo niya at matamang nakatingin sa akin."Ano naman yun?"Hmm sasabihin ko ba?O huwag nalang kaya? "Nevermind, anyways di pa ba tayo matutulog?Inaantok na ako nerd."Humikab naman ako ng wala sa oras at agad nilihis ang topic.Tsk di pa kasi ako ready na itanong yun sa kanya at isa pa naguguluhan pa kasi ako hays. "Okay go to my room first at ilock ko lang ang mga pinto."Sinunod ko naman agad ang sinabi niya at agarang umakyat sa kanyang napaka bangong kwarto hihi. Humiga naman ako agad sa kama since inaantok na talaga ako, ilang sandali pa ay narinig ko naman na bumukas ang pinto at pumasok si nerd na nakakunot noo. "Change you're clothes first maldita bago ka matulog."May sinasabi naman siya pero inaantok na talaga ako kaya hayaan na."Maldita?"Ramdam ko naman na tinapik ako ni nerd ng mahina sa balikat. "Inaantok na ako-huwag na bukash nalangsh afsgahjskl.."Wala na talaga at ilang sandali pa ay tuloyan na akong nilamon ng dilim. NAGISING ako sa sinag ng araw na lumusot sa maliit na bintana ni nerd at may naramdaman naman akong parang mabigat na kamay na nakapatong sa tiyan ko. Iminulat ko naman ang mata ko at lumingon sa katabi kung mahimbing na natutulog kaya diko maiwasang di ngumiti sa magandang mukha na nasilayan ko. Kung ganito ba naman araw-araw kung gigising ako aba-ang saya lang siguro pag nagkataon hihi. I trace my fingers to her face using my thumb at ipinaglandas ang daliri ko simula sa kilay niya mata ilong pisngi at ang huli ay ang kanyang labi na simpleng mapupula. Diko naman maiwasang mapalunok ng mahawakan ko na ang kanyang napaka nipis na labi. Ano kaya ang lasa ng labi nitong si nerd?Wala naman sigurong masama kung titikman ko diba?Tsaka isa pa tulog naman siya. Sa naisip ko ay dahan-dahan naman akong lumapit sa mukha ni nerd. 3-inch-2-inch ayan na malapit na ng biglang-- "Hmm maldita-don't leave."Sabi niya at yumapos sa akin ng mahigpit habang naka siksik sa leeg ko.Diko tuloy maiwasang mapamulahan ng mukha sa ginawa niya. Kaya instead na ituloy ang binabalak ko ay yumakap nalang ako pabalik sa kanya sabay haplos sa mabango niyang buhok. Ilang sandali pa ay unti-unti na pala akong nakapikit ng diko namamalayan. "Maldita?Heey-maldita gising na at tanghali na."Naalimpungatan ako mula sa malalim na pagkakatulog ng may mahinang tumapik-tapik sa pisngi ko.Idinilat ko naman ang mata ko at nabungaran si nerd na titig na titig sa akin habang blangko ang mukha. "You okay?"Kunot noong tanong niya, di naman ako sumagot at dahan-dahang gumapang papunta sa kanya at ilang sandali pa ay namalayan ko nalang ang sarili ko na naka opo sa lap niya habang yung mga kamay niya naman ay automatic na pumunta sa bewang ko. Napangiti naman ako ng lihim at sumiksik sa leeg ni nerd, naramdaman ko naman na parang nanigas siya sa diko malamang dahilan. This is heaven, hmm i really love her warmth. "Inaantok pa ba ang baby ko?Hmm."Napakagat naman ako sa labi ng marinig ko ang sinabi niya at yung word na 'baby'.Damn nerd, binabaliw mo ako sa totoo lang hays. "Medyo nerd ang sarap pa kasing matulog hays."Nakasimangot kung sagot at umalis sa pagkaka opo sa lap niya at agad tinignan ang kabuohan niyang bihis na bihis na parang may lakad."May lakad ka?"Salita ko ulit habang siya naman ay busy sa pagsipat ng sarili sa salamin. "Yup may date ako ehh, kaya lang ang tagal kasing gumising nang kadate ko."Sa narinig ko ay diko naman maiwasang di mainis at biglang naalala ko nanaman yung nakita ko sa mall na kasama niyang lalaki na panay ang hawak sa kanya. "Ahh ganun ba?Okay uuwi nalang siguro ako."Walang gana kung sabi at agad kinuha ang bag ko sa maliit niyang sofa dito sa loob ng kwarto.Di na ako mag-aayos tsaka isa pa nawalan ako ng gana bigla ehh tss. "Ihahatid na kita."Napa roll eyes naman ako sa sinabi niya and at the same time ay diko maiwasang mairita."Hindi okay lang, total malapit lang naman tsaka isa pa may lakad ka diba?Kaya sige una na ako."Sabi ko at lalabas na sana ako ng pinto nang marinig ko siyang biglang tumawa kaya lumingon naman ako sa kanya na may kasamang pagtataka sa mukha. What the hell?!Anong nakakatawa?!! "Anong nakakatawa?!!"Asik ko na ikinatigil niya sa pagtawa.Ibinalik niya naman ang dating poker face niyang mukha bago naglakad papalapit sa akin na may kakaibang ngiti sa labi. Seriously?What's wrong with her?! "Bakit ka aalis?So ibig sabihin ba niyan ay tinanggihan mo ang alok ko na idate ka?Hmm."Napatanga naman ako sa sinabi niya at ano daw??Idedate niya ako?Bakit-bakit parang kinikilig ako?Damn! "Hmm what now baby?Tinatanggihan mo ba ang alok ko?"Napalunok naman ako ng wala sa oras ng ilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong sa akin na may kasamang pang-aakit?O imahinasyon ko lang yun?Weird! I compose myself first bago sinagot ang tanong niya."Bakit mo ako idedate?!"Nagtatakang tanong ko na nagpahinto sa kanyang ginagawa."It's not a real date at tsaka isa pa may ipapakita lang kasi ako sa'yo."Saad niya sabay layo sa akin at may kinalikot sa drawer niya. Medyo nadismaya naman ako sa sinabi niya, tsk ewan ko ba akala ko kasi-argh never mind tss. "Take a bath first at hihintayin nalang kita sa labas."Bago pa ako makasagot ay nakababa na siya ng hagdanan habang ako naman ay bagsak ang balikat na nagtungo sa maliit niyang closet at kumuha ng simpleng damit na t-shirt at fitted jeans na kulay black. Ito nalang siguro ang isusuot ko total di naman kami magdedate hmp-paasa talaga ang nerd na yun nakakainis. Dali-dali naman akong pumasok sa banyo para makaligo at pagkatapos ay nagbihis na nang damit ni nerd na kinuha ko kanina. Di kasi ako nakadala ng damit tsaka isa pa sabi naman niya na okay lang daw na kumuha ako ng ibang damit niya total di naman niya yun ginagamit. Pagkatapos ko makapag-ayos ay sinipat ko naman ang sarili ko sa salamin at agad na sumilay ang ngiti sa aking labi ng makitang kahit sa simpleng ayos ko lang ay maganda parin talaga ako.*Insert over na over confidence here! Lumabas naman ako agad at nakita ko si nerd na prenteng naka opo sa sofa na parang ang lalim ng iniisip. "Nerd?"Untag ko sa kanya ng makarating ako sa kanyang harapan, parang ang lalim yata ng iniisip niya?Diman lang ako napansin na nasa harap na niya ako.Weird! Kumurap-kurap naman siya na parang ngayon lang nag sink-in sa kanya ang pangyayari."Are you ready?"Saad niya at tumayo habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naconscious naman ako sa itsura ko sa paraan ng pagtitig niya."Kanina pa nerd, lutang ka kasi."Nakairap kung sabi na ikinabuntong hininga niya."Okay then, let's go para di tayo maabutan ng traffic."Sumunod naman ako sa kanya palabas. Pansin ko naman na pumunta siya sa garahe at may napansin akong itim na motorsiklo na pinuntahan niya-tekaa don't tell me yan ang sasakyan namin? "Buti nalang at nag pantalon ka, tamang-tama at itong si sniper ang gagamitin ko. Ano tara?"Sniper?Grabe akalain mo nga namang pati motor ay may pangalan?Tss weird din ang babaeng to ehh. I just shrugged my shoulder at my thought at naglakad na papunta sa likod ni nerd, okay lang naman sa akin ang motor tsaka isa pa nakasakay na ako ng ganito nung nasa new york palang ako kasama yung mga co-models ko lalo na't pala party kami. Bago ako makasakay ay sinuotan naman ako ni nerd ng helmet ng matapos ay agad niya namang pinaandar ang motor at pinaharurot palabas sa bahay niya. Kumapit naman ako sa bewang niya dala sa takot at ginaw in the same time.Ang bilis niya magpa takbo grabe. "Nerd dahan-dahan naman!"I shouted at her since malabo na marinig niya ako sa bilis ng pagpapa takbo niya.Damn! Di naman siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagdadrive.Ilang sandali pa ay nakarating naman kami sa di pamilyar na lugar. Inihinto niya naman ang motor sa may madilim na bahagi at pinatay ang makina.Bumaba naman ako agad sabay tanggal ng helmet ko at binigay sa kanya. "Let's go baby para makita muna ang surprise ko sa'yo."Nakangiti niyang sabi at ano-daw?Anong surprise naman?Tsaka kailan pa siya naging palangiti ng ganito?"Wait--anong sabi mo?Anong surprise?"Naguguluhan kung tanong sa kanya at lumingon-lingon sa paligid. Nakita ko naman ang maraming tao na paroon at parito na may mga kasamang pamilya, nobyo, at kung ano-anu pa. Nagulat naman ako ng biglang hinapit ni nerd ang bewang ko at bumulong sa mga katagang nagpabilis ng t***k ng puso ko and at the same time ay nalilito sa mga kinikilos niya--"Welcome to Enchanted Kingdom baby."Nakangiti ng matamis niyang usal habang inilibot ang tingin sa paligid. Lumingon naman ako ulit sa harap ng may nakalagay na 'WELCOME TO ENCHANTED KINGDOM'. Nalilito naman akong tumingin sa kanya at the same time ay diko maiwasang mapaluha sa saya at sa halo-halung nararamdaman ko."Heeey-why are you crying?Shhh hush baby pls-bakit ka umiiyak?Pls tell me."Nagsusumamo niyang sabi habang hawak ang dalawang pisngi ko sabay pahid sa luha kung kanina pa tumutulo. Yumakap naman ako sa kanya ng mahigpit at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya bago sumagot ng sumisinghot-singhot."I'm just happy nerd na dinala mo ako dito sob*first time ko lang kasi dito tsaka matagal ko nang gusto pumunta sa lugar na'to kaya thank you nerd, thank you so much."Madamdamin kung sabi habang nakayakap parin sa kanya. First time ko lang kasi dito at noon paman pangarap ko ng makapunta sa lugar na'to nung buhay pa si mommy. "Chuckles* buti naman at nagustuhan mo tsaka isa pa gusto lang talaga kitang dalhin dito since napapansin ko this past few days na malungkot ka kaya ayan-hehe."Kamot ulo niyang sabi at bahagyang pumula ang mukha sa pagkahiya. Aww she's so cute and i really like that side of her, yang pagka inosente niya.Damn it nerd!Kung alam mo lang na ang saya-saya ko ngayon. Hinawakan ko naman ang kamay niya at marahan itong pinisil dahilan para mapatunghay siya mula sa pagyuko. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya bago siya sinagot."Thank you at isa pa masaya ako na dinala mo ako dito nerd, kaya salamat hmm."Ngumiti lang rin naman siya sa akin at hinalikan ang noo ko kaya diko maiwasang mapapikit at ngumiti sa gestures niya. "For my baby, so tara?Nang matapos tayo ng maaga hmm?"Nag nod lang ako as a response at agad na kaming naglakad papasok sa loob. Sana di na matapos ang araw na'to and salamat sa babaeng nagparamdam sa akin ng saya at lito sa nararamdaman ko ngayon. ~ to be continue......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD