Olivia Mae Perez
COLD? Hmm i miss that term namiss ko rin naman ang tinatawag ng ganun pero usually kasi iba ang tawag nila sa akin.
Ohh before i forgot guys, meet Paula, Steff and Edward. Sila ang mga kasama ko sa mga misyong tinatrabaho ko.
Nagkakilala kami ng mga ito sa SECRET AGENCY na tinatawag.Paula is 22 years old and Steff is 21 habang si Edward naman ay 19 pa at ako ang pinaka bata sa kanila since i'm 17 years old pa.
COLD it means my personality, yeah you heard it right ganyan kasi ang totoong pagkatao ko malayo dun sa personality na ipinakita ko kay maldita.
Usually tinatawag nila akong cold na di ko naman ikina offend which partly true rin naman, kaya simula nun yan na ang ginamit kong pangalan lalo na pag may mission kami.Bawal rin kasi gamitin ang totoong pangalan.
"Guys ang piring."Di pa ako nakapagsalita ng takpan nila ang mata ko at agad akong iginaya sa diko malaman kung saan."Heey ano to?!"Damn ang dilim bwesit."Shh-huwag ka ng pumalag cold at malapit na tayo."Di nalang ako nagsalita at sumabay nalang sa trip nila.
Ilang sandali pa ay nakarinig naman akong bumukas ang pinto.
"SURPRISE!!!" Pagkabukas palang ng pinto at pagtanggal ng piring sa mata ko ay agad na tumambad sa akin ang mga pagkain na may kasamang pa tarpaulin at balloon with cake.
Tsss mga kalokohan ng mga to, di ko tuloy maiwasang mapangiti sa kanila.
"Ano nagustuhan mo ba?"Tsss pasalamat talaga sila at effort nila to kung hindi nako.
"Ang oa niyo pero masaya ako na nakabalik na ako dito at nag handa pa talaga kayo huh?" Sabay baling ko sa mga balloons cake at pagkain sa may bandang mesa.
Alam naman siguro nilang di ako mahilig sa surprise pero ginawa parin nila.But despite of that still thankful parin ako sa effort nila.
"Talaga at alam naming ayaw mo sa mga ganito pero nag effort parin kami noh kaya nga surprise diba?" Aniya ni Paula, oo na litse panalo na sila. "Oo na oo na pero thank you sa effort guys and i really appreciate it." Madamdamin kung sabi sa kanila.
"Wala yun ano ka ba maliit na bagay."Sabay biro ni Steff, psh natawa nalang ako sa kanya."Ohh ano?Tutunganga nalang ba kayo diyan?Kainan na!" Sabi ni Edward na di ko alam kung pano nakarating dun.
Napailing nalang ako sa katakawan niya.
"Ang takaw mo talaga ehh noh?ilang taon ka bang di kumain?" Nakapamewang na sabi ni Steff sa kanya kaya di namin mapigilang mapatawa.
Aso't pusa parin talaga silang dalawa.
"Ito naman grabe ka sa matakaw ahh, ehh ikaw nga diyan ang taba-taba mo para ka nang baboy."Asar na sabi naman ng isa kaya sumama ang aura ng isa at biglang hinabol si edward dahilan para mag-ingay dito sa loob.
Napailing nalang ako sa kanila."How are you naman?Kamusta ka na?"Saad ni Paula na nandito pa pala sa tabi ko."Okay lang naman medyo naka recover na rin"Sabay tipid na ngiti.
"Good now that you're back mukhang mapapasabak ka nanaman."Sabay tapik sa balikat ko at may tipid na ngiti sa labi."Oo nga ehh, teka si sir john pala asan?"Tanong ko sa boss namin na palaging nagbibigay ng mission.
"Nandon sa office niya busy sa trabaho."Sagot niya habang kumakain ng barbeque."Buti pinayagan kayong gawin to?"Tanong ko sa kanya tukoy sa mga hinanda nila para sa akin.
Himala yata napapayag nila si sir?Medyo strict kasi yun.
"Himala nga ehh you know medyo strict kasi yun, pero siguro okay lang rin sa kanya na ikaw naman yan malakas ka dun ehh!"Sabay bunggo sa braso ko at ngiting mapang-asar.Napailing nalang ako sa kanya.
Ang sir na tinutukoy ko ay si Sir John na taga bigay sa amin ng mission sa tuwing may kailangan kaming paslangin o di kaya ay huluhin.
"Ikaw talaga kung ano-ano ang pinagsasabi mo, ohh sige puntahan ko lang ahh."Sabay tapik sa balikat niya at tango nalang ang naisagot niya kasi may laman rin ang bunganga.Tsss isa pa yung matakaw.
Agad naman akong naglakad patungo sa may dulong pinto kong saan ang kwarto ni boss. Kumatok naman ako ng tatlong beses bago napasyahang pumasok.
"Sir." Sabi ko ng naka poker face at pinaseryoso ang boses dahilan para mapatunghay siya at mapatingin sa akin.
"Take a sit."Sabay musyon ng kamay paharap sa may harap ng table niya na agad ko namang sinunod."I'm glad that you're back, so how are you?"Sabay sandal sa swivel chair niya at tinignan ako ng seryoso.
"I'm good unti-unti na ring naka recover sa pagka wala nila."Tukoy ko sa magulang ko."Good to hear that, well alam mo naman siguro kung ba't kita pinatawag?" Tanong niya na tanging tango lang ang isinagot ko.
"You have a new mission."Sabay lapag ng brown folder sa ibabaw ng lamesa niya at agad inabot sa akin.Agad ko namang tinanggap at tinignan ang laman nun.
Medyo napaawang ang labi ko at nanigas ang katawan ko pagkakita ng laman non.
"May nakapag sabi sa akin kung asa'n ang lungga ng grupong pumatay sa mga magulang mo."Sabi niya, alam rin kasi nila ang nangyari sa mga magulang ko dahil sinabi ko sa kanila noon pa man.
Naalala ko pa nga kong pano nila pinaslang sina mama at papa sa harap ko nun, at ako naman na sa murang edad ay walang magawa kundi ang umiyak habang nakatingin sa kanila kung pano nila pinatay ang magulang ko.
Ngayon maghihiganti ako sa kanila at sisiguraduhin kong maski isa sa kanila walang matira.
"Sa'n ang lokasyon nila?"Tanong ko sa kanya at pilit pinapakalma ang sarili."Sa ngayon di pa ako sigurado kung asa'n ang eksaktong lugar, palipat-lipat kasi kung saan-saan ang grupong yan at di maligtaan sa iisang lugar."Di naman ako agad sumagot dahilan para magpatuloy siya sa pagsasalita.
"Ako ng bahala humanap ng paraan diyan ipinakita ko lang naman yan sayo para maging handa ka sa parating na laban."Sabi niya uli ng hindi ako kumibo.Inilagay ko naman uli ang folder na hawak ko sa may lamesa at ibinigay sa kanya.
Napasandal naman ako sa kinauupoan ko at pilit pinapakalma ang sarili.
"At isa pa may mission kang importanteng gampanan sa ngayon habang hinihintay mo pa ang lead ng pumaslang sa magulang mo."Aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Teka-bago to ahh?Usually kasi isa lang.
"Ano naman yun?"Curious kung tanong sa kanya at may inilapag nanaman siyang bagong brown envelope at agad ko naman kinuha at tinignan ang laman non.
Napaawang naman ang labi ko at napakurap-kurap sa babaeng nasa larawan.What the hell.
"Siya ang anak ni Mr.Erick Dela Cuesta, may nagbabanta sa unica hija niya at kinakailangan ng bantay or secret body guard, medyo brat kasi ang batang yan at ang isa sa ayaw niya ay yung may bumubuntot-buntot sa kanya kaya ikaw ang naisip kong ikuha dahil alam kong maaasahan kita dito."Mahabang niyang litanya.
"Teka bakit ako?Pwede naman si edward?" Takang tanong ko.
Maasahan?Ehh first time ko yata mag bantay or mag secret body guard tss.
"Di sya pwede may mission rin siya at yung dalawa naman kakatapos lang at nagpapahinga pa sa long mission nila since ikaw yung available kaya ikaw agad ang kinuha ko."Ano pa nga ba ang magagawa ko?Tsss.
"Okay fine since she's my classmate rin naman."Saad ko na ikinalaki ng mata niya.Ehh?Anong reaksyon yan?
"Really?Well that's good para di ka narin mahihirapan bantayan siya."Ewan ko ba pero may kakaiba sa sinabi niya ehh diko nalang pinagtuunan ng pansin tss.
Agad naman akong nagpaalam sa kanya habang dala-dala ko ang brown envelope na naglalaman ng detalye tungkol kay maldita.
So simula bukas susundan ko na kung sa'n pupunta si maldita?Damn sa iniisip ko palang para na akong napapagod tss.
"Ohh--anong mukhang yan?Parang luging-lugi ahh?"Asar na tanong ni steff na nakaupo sa couch kasama si edward at paula na kumakain parin hanggang ngayon.
"New mission."Tipid kong sagot sabay opo at kuha ng cake."Mabuti yan para naman may gagawin kana at di ka ma bored."Saad ni paula.
"Ano pa nga ba?"Pairap kung sagot."Sigurado rin naman kaming namiss mo na ang gawaing ganyan kaya wag ka na mag lungkot-lungkotan diyan cold." Sabi ni edward na ang baboy kumain.
Grabe ang taong to parang di lalaki tsss.
Di nalang ako sumagot at kumain nalang.Agad rin naman akong nagpaalam pagkatapos kumain at nagpasalamat ulit sa hinanda nila para sa akin.
Habang nagmaneho pauwi sa bahay ay parang mas lumala na talaga ako dahil nga di talaga maganda ang pakiramdam ko simula pa kanina.
Matapos ang mahaba-habang biyahe ay agad naman akong dumating sa bahay at agad pinark ang motor sa garahe.
Agad rin akong pumasok sa loob matapos mag park at pumunta na sa kwarto.Nagbihis lang naman ako ng pajama at tshirt pagkatapos bumaba ulit para magluto ng hapunan ko.
Kahit medyo nanlalamig na ako ay kaya pa naman magluluto lang muna siguro ako ng sopas total wala naman akong panlasa.
Nag timpla narin ako ng gatas para naman medyo umayos ang pakiramdam ko.
Matapos maluto ay agad ko namang hinain ang mga pagkain sa lamesa at kumuha ng plato pagkatapos umopo na para sana kumain ng biglang-
"DING-DONG!"Huh?Wala naman akong inaasahang bisita ahh?Napatingin naman ako sa orasan sa may ding-ding at nakita kung mag-aalas siyete na pala.
Grabe ang bilis ng oras ahh?Tss dali-dali naman akong pumunta sa gate at sinilip kung sino ang nasa labas.
Nanlaki naman ang mata ko at biglang tumibok ang puso ko sa nakita kong sino ang nasa labas ng gate.
What the hell is she doing here?
Binuksan ko naman agad ang gate at nagulat nalang ako ng sumalubong agad sa akin ang babaeng ilang araw na akong di pinapansin.
"Nerdddd-i miss you!"Patakbo niyang usal at agad yumakap sa akin ng mahigpit.Damn it!Muntik pa akong ma out of balance sa babaeng to tss.
Kumalas naman ako sa higpit ng yakap niya at pokerface siyang tinignan."What are you doing here?"Pokerface kung usal ng bigla niyang ikinalungkot.
Tsss dadramahan nanaman ako ng babaeng to panigurado.
"Namiss kita nerd kaya ako narito, ikaw do you miss me too?"Nakanguso niyang saad na ikinairap ko ng lihim.
"Bakit naman kita mamiss?Tsaka isa pa dika nga namamansin ehh tsss."Seryoso ko kunwaring saad ng nakapamewang.Tignan lang natin ngayon pfft.
Nabigla naman ako ng tumalikod siya agad at hindi na ako sinagot pa.Napansin ko namang nagpahid siya ng luha na ikinabigla ko.
Teka-umiiyak ba siya?!
"Saan ka pupunta?"Sabi ko matapos ko siyang mahabol at agad hinawakan ang braso niya ng maabutan ko siya."Home.."Tipid niyang sabi ng nakayuko at bahagyang humikbi.
Lumipat naman ako sa harap niya at agad lumapit sa kanya sabay angat sa kanyang baba sabay buhos ng luha na ikinasinghap ko.
"Why are you crying?Tell me.."Nagsusumamo kung saad at pinunasan ang luha niya.Ngumuso naman siya sa tanong ko at pinahid ang luha niya gamit ang kanang kamay.
"Ehh--ikaw ehh-sob*-di mo man lang ako namiss..sob*"Nakahikbi niyang saad na lalong nagpa konsensya sa akin.
"Sinong nagsabi na di ko namiss ang baby ko?hmm.."Malambing kung sabi na ikinaangat niya ng tingin sa akin at bahagyang nakaawang ang labi.
"Namis--s mo ako?"Utal niyang sabi na ikinatango ko nalang at di maiwasang mapangiti sa inasta niya, kasabay nun ang biglang pagyakap niya sabay baon sa leeg ko at umiyak nanaman ulit habang paulit-ulit na nagsasabing-
"I miss you--nerd sob* i miss you so much."Aww my baby is so adorable.Damn it.Kumalas naman ako ng yakap sa kanya at pinahidan ang luha niyang kanina pa di maubos-ubos.
Namiss ko rin naman siya kahit palagi niya akong iniirapan tuwing magkakasalubong kami pfft.
"Shh--namiss din kita okay?Tahan na baby plss..."Malambing kung sabi at hinagkan ang noo niya sabay yakap ulit ng mahigpit.
"Let's go inside now baby, nagugutom na ako."Saad ko matapos namin magyakapan."Okay nerd, i'm hungry na kanina pa."Seryoso?Kaya pala napansin ko kanina na tumunog ang tiyan niya pfft.
"Okay let's go."Sabay lakad papasok at hawak kamay na naglakad matapos ko masirado ang gate.
~ to be continue......