Olivia Mae Perez
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil may pupuntahan pa ako at di na ako pumasok pa sa school.
Medyo masama kasi ang pakiramdam ko at feeling ko lalagnatin ako nito.Bakit kasi nagpa ulan ako nung isang araw ehh hays!
Nandito ako ngayon sa garden nakatambay maya-maya lang rin aalis na ako kasi may pupuntahan akong importante.
Dalawang linggo na pala ang nakalipas simula nong umuwi na si maldita sa kanila.Ano kaya ang ginagawa nun ngayon?
Nakakamiss rin ang katarayan ng babaeng yun at ang pagiging childish niya at tsaka yung pagiging brat niya at stubborn my god nakaka wala ng poise huh jusko lang.
Buti nga binaba ko ang pride ko nung nagkasakit siya at nilambing ko.Damn diko nga akalain na nagawa ko yun ehh tsss.
Naaalala ko nanaman ang babaeng yun at di ko maiwasang hindi mapangiti sa isip nang maalala ko nung araw mismo bago siya umalis dalawang linggo na ang nakalipas.
.
.
.
Flashback ;
Pagkatapos ko pinakain at pinainom ng gamot si maldita ay niligpit ko na ang mga ginamit na pinagkainan niya at agad itong ibinaba.
Mamaya ko nalang siguro to huhugasan pag nakatulog na ang isip bata tsss.
Pagpasok ko sa kwarto nakita ko naman agad siyang nakahiga patalikod sa gawi ko.
Dahan-dahan naman akong umopo sa kama sa may likod niya at sinilip ang mukha niya kung natutulog ba.
Hmm tulog?Ang bilis naman..
"Maldita?"Mahinang tawag ko sa kanya."Heey tulog ka na ba?"Sabay yugyog sa kanya ng mahina.Di naman siya sumagot at nanatiling nakapikit.
Siguro tulog nga, humiga nalang muna ako sa tabi niya at tumingin sa kisame.Maaga pa naman alas nuwebe palang tsaka bukas uuwi narin kasi siya since wala na siyang lagnat.
Ang aga kasi niyang nang gising kaya siguro nakatulog to o nag tutulog-tulogan lang?Hmm ilang saglit pa ay narinig ko naman siya na suminghot-singhot na ipinagtaka ko kaya agad naman akong lumapit sa kanya at tinignan ang mukha niya.
"Heeey?Why are you crying?May masakit ba sa'yo?"Alala kung tanong sabay salat sa noo at leeg niya, di naman na siya mainit konti nalang.
"Maldita?Uy?Ano ba't ka umiyak? Tumigil ka nga sa pag-iyak."Tsk di pa naman ako marunong mag comfort tsss.
Humarap naman siya sa akin na hilam ng luha ang mukha kaya ang resulta ang pangit niya tuloy tignan.
Pero joke lang ang ganda niya parin ang unfair lang.
Naghanap naman ako ng tissue o anong pang punas sa mukha niya, teka asa'n na ba yung tissue kanina?Tssk naligpit ko pala hays.
Kaya no choice yung damit ko na loose shirt na lang ang ginamit ko sa may bandang dulo kaya kita bigla yung nakalitaw kung tiyan na may pandesal tsss.
Bakit ba siya umiiyak?Di naman siya pumalag sa ginawa ko at hinayaan lang ako."Sabihin mo sa akin ba't ka umiyak?"Masuyo kung tanong sa kanya matapos ko pahidan ang luha niya."Ehh ikaw kasi sob..sob.."Sabi niya ng pasinghot singhot.
"Teka ano ba ang ginawa ko?"Wala naman akong ginawa na kasalan ahh?Yan ang pagkaka alam ko.Pinanliitan naman niya ako ng mata na ipinagtaka ko ulit! Bipolar?
"Wala tsk umalis ka na matutulog na ako hmp!"What the?Pinaalis ba naman ako sa sarili kung kwarto?
Ibang klase rin to ehh.
"Ano bang problema mo?At ba't ka ba umiiyak?!"Sabi ko sa kanya sa mahinahon na boses."Nakakainis ka kasi ehh!"Sigaw niya."Teka ano bang nagawa ko huh?" Sabi ko at pilit inaala kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya.
"Ehh kasi di mo man lang ako tinanong kung bakit malungkot ako kanina--sob* feeling ko tuloy wala kang pakialam sa akin."Humihikbi niyang sabi at umiwas ng tingin.Naalarma naman ako nang makitang umiiyak nanaman siya.The hell?
"Baby--pleaseee stop crying alright?Tsk paano ba'to lambingin?"Mahina kung bulong sa huling salita.
"Shhh stop-crying plsss!"Sabi ko."Ehhh ikaw kasi ehh nakakainis ka na kanina ka pa."Sabay higa ulit at narinig ko naman siyang napahikbi ulit kaya di na ako nag dalawang isip na lapitan siya.
"Heey--I'm sorry okey?Can you pls stop crying?"Masuyo kung sabi habang pinipilit siyang humarap sa akin.Di naman siya sumagot at lalong napahikbi tsk.
My god feeling ko tuloy nagpapatahan ako ng bata tsss.
"Shhh-hh tahan na baby plssss wag ka na umiyak."Sabay pahid ng luha niya pagharap niya sa akin."Ehh kasi ngayon palang ay sob--*sob nalulungkot na ako kasi baka di na tayo ulit magkikita sob..sob."Nakanguso niyang sabi habang patuloy paring naglandasan ang luha niya.
"Shhhh magkikita pa tayo ano ka ba tsaka isa pa iisa tayo ng school remember?"Malambing kong sabi habang pinupunasan ang luha niya.Hays what a cry baby.
"Talaga nerd?magkikita pa tayo?Pero di ka naman namamansin pag nasa school tayo at tsaka ang lamig-lamig mo pa para kang yelo."Napasimangot naman ako sa sinabi niya.Grabe ang straight forward niya po.
Ehh anong magagawa ko?Ganito na ako ehh pasalamat nga siya at pinagtiisan ko siya ngayon tsss.
"Grabe ka sa lamig maldita feeling ko tuloy yelo ako sa paningin niyo-pero teka di ka ba natatakot sa akin?"Mostly yung ibang mga kaklase ko kasi ay ilag sa akin tss.
Feeling ko nga may virus ako ehh.
"Hindi naman tss at isa pa ano ka multo para katakutan?Hmp pero seryoso nerd mamimiss kita pag uuuwi na ako."Sabi niya at niyakap ako.Naglalambing nanaman hays napangiti nalang ako sa pagiging isip bata niya.
"Mamimiss rin naman kita lalo na't nasanay na ako na nandito ka."Seryoso kong sabi habang hinahaplos ang baby hair niya, ang isa ko namang kamay nasa bewang niya naman in case na mahulog siya.
"Talaga mamimiss mo ako?"Sabay baling ng tingin sa akin at tinignan ang mukha ko."Opo naman wala na kasi akong isip bata na aalagaan kaya mamimiss kita" Tawa-tawa kung sabi.
Pinagkukurot naman niya ako sa sinabi ko dahilan para makahiga ako at siya naman nakadagan sa akin.
Napatitig naman ako sa mukha niya pababa sa maganda niyang mga mata na kay sarap titigan at matangos niyang ilong papunta sa manipis at simpleng mapupula niyang labi.
Nakita ko naman na nakatitig rin siya sa mukha ko at ibinaba ang tingin sa labi ko.Gustong-gusto ko siyang halikan sa totoo lang pero ayaw ko naman magmukhang manyak sa kanya.
Kaya imbes na halikan siya sa labi ay ipinagdikit ko nalang ang ilong naming dalawa at tumingin sa isa't-isa na may kasamang ngiti.
"Let's sleep na baby?."Pinalambing ko naman ang boses ko at hinalikan ang kanyang noo sabay higa sa tabi niya.
Agad naman siyang nagsumiksik sa leeg ko at nakita kung nakangiti siya."Yawn*okay nerd good night and thank you for taking care of me."Nakatitig at nakangiti niyang sabi sa akin at nilaro-laro ang damit ko sa may dibdib.
Tumingin naman ako sa kanya at umiling sabay haplos sa babyhair niya na bahagya niyang ikinapikit."Walang anuman para sa isip bata na katulad mo."Humalakhak kung sabi kaya nakatanggap naman ako ng kagat sa kanya at agad sumimangot na ikinangiti ko nalang.
"Nakakainis ka talaga hmp, good night na nga."Ilang sandali pa ay narinig ko naman ang malalim niyang paghinga kaya dahan-dahan naman akong umalis sa kama at kinumutan siya.
"Good night baby sleep tight."Mahina kung usal bago siya hinalikan sa noo at agad lumabas sa kwarto.
.
.
.
End of flashback;
Pero ang ipinagtaka ko lang this past few days ay parang iniiwasan kasi ako nung babaeng yun-i mean di naman talaga kami close and like we're friends right?
Sa tuwing makakasalubong ko kasi siya ay ang sama ng tingin niya sa akin at kung di naman ay iniirapan ako sa diko malamang dahilan tsss.
Ang hirap niya talagang spellingin sa totoo lang.
Agad ko nalang iwaksi yun sa isip ko at agad pumasok sa loob para makapag bihis na at nang makauwi agad ako since masama ang pakiramdam ko.
Nagsuot naman ako ng simpleng outfit lang na boots white t-shirt na pinarisan ko ng black leather jacket at fitted jeans.
Napangiti naman ako ng tipid ng makita ko ang itsura ko sa salamin.Still the same olivia at parang walang pinagbago.
Umiling nalang ako at agad tinanggal ang suot na salamin habang pinalitan ito ng contact lens.
Tss sagabal masyado pag salamin kasi tuwing magmaneho ako.
Bumaba naman ako agad matapos ma lock ang mga pinto at pumunta sa garahe kung saan ko makikita si SNIPER aka MY DUCATI.
Matapos ko ma lock ang gate ay agad ko naman pinaharurot ang motor ko at agad bumyahe patungo sa destinasyon ko.
Wala pang sampung minuto ay agad naman akong nakarating.Hinubad ko naman ang helmet ko at inilagay ito sa motor pagkatapos agad ng pumasok sa loob.
Di paman ako tuloyang nakapasok ng may sumigaw na sa pangalan ko at ilang taon ko ring di nakita.
"Woahh cold welcome backkkkk!"Sabi sa akin ni Paula kasama ni Steff at Edward nang may ngiti sa labi habang naglalakad papunta sa gawi ko.
Yeah welcome back to me...
~ to be continue......