"Guidance"

2288 Words
"Ma'am, do you need anything else?" Masaya ako. Sobrang overwhelming na saya ang nararamdaman ko dahil na-hire ako bilang isa sa Guidance Staff ng isang malaking university. Mabuti nalang at may nag open na slot para sa akin. "Ma'am Olivia?" "Ma'am?" "Ah. Wala naman na. Salamat. You may go ahead na" sagot ko. "Salamat po, mam. Welcome to the school. Good luck po on your first day. If you need anything else pwede niyo po tawagan ang main building sa telepono." Hanggang sa paglabas nang secretary ng school ay naka ngiti pa rin ako. Maliit lamang ang office ko pero okay na rin, ang importante may air-conditioner dahil mainit ang panahon. Bagong linis rin ang sahig ng kwarto, bagong pintura ang dingding na tipong maamoy mo pa. May provided ring laptop para sa aming emplyoyees. May counseling room pa sa loob mismo ng Guidance Office. Lumabas ako para ikutin ang buong school. Sa lahat ng satellite buildings ng school, ito yung pinaka gusto kong building dahil maaliwas dito, pag labas mo palang ng kwarto ay tanaw mo na yung "labas"; mga puno, mga nakapaligid na bahay sa area at liwanag ng araw. Nilibot ko ang buong building na merong limang palapag; na puro classroom mula 1st to 5th floor maliban sa 2nd floor na location ng ilang key offices tulad ng Dean's Office, Library, Clinic, at Guidance Office. Sinubukan kong pumasok sa isang kwarto sa 3rd floor, room 305A. Sa labas palang ay tanaw na ang ilan sa estudyante na nakikinig sa kanilang klase, naisip ko kaagad nako salamat naman, hindi pasaway ang mga estudyanteng ito. Nang mapansin naman ako ng teacher na nag tuturo, agad naman siyang ngumiti at bumati papalapit sa akin "Yes, Ma'am?" sabi niya. "Good morning, sir" sagot ko. "Ako po yung bagong Guidance Staff po ng school. Ms. Olivia po" "Ma'am Olivia, hello. Welcome. Welcome. May I introduce you to the class?" tanong niya. "Yes, sir. No worries." "Students!" sigaw niya, agad naman napunta sa akin sa pintuan ang buong class. "Please, say 'good morning' and 'welcome' to Ma'am Olivia" "GOOOOOOOOD MORNING, and WELCOME Ma'am Olivia!" "Good morning, students!" bati ko sa kanila. "Okay. Ma'am Olivia will be our Guidance Staff sa building. Please. Please lang SHS students. Wag kayong pasaway ha" dagdag na paalala niya. Pag katapos niya ay nilapitan niya ako at nakipag shake hands, "Ako nga pala si Sir Toby." "Okay. Sir Toby. Yes. SHS po ang tinuturuan niyo madalas?" tanong ko. "Ah. Yes, Ma'am. Nako kahit mga sakit sa ulo ang mangilan-ngilan sa kanila ay hindi ko maiwan ang mga batang to. Nasa kanila na ang passion ko sa pagtuturo" nangiting sagot ni Sir Toby. "Ah. Ma'am, if you have the time, maybe I can talk to you in your office? May concern lang kasi ako regarding sa isang student ko dito sa class na to. Para kasing she's been bullied by some of her classmates." "Oh, no problem sir. I'll see you later." Bumaba na ako sa 2nd floor, at habang naglalakad naman ako ay tanaw ko ang dalawang kapwa empleyado ko na nag-uusap. Nakatingin sila sa akin, at pag ka-lampas ko sa kanila ay narinig ko ito: "Uy, siya ba yung bagong na-hire?" "Oo, mars, siya yung bagong Guidance natin." "Nako, sayang naman at maganda siya. Maagang tatanda ang itsura niyan sa kunsumisyon sa mga students natin dito." Hindi ko alam kung dapat ba ako mainsulto or matawa sa pinag-uusapan nila, dahil una nakakainsulto na pinag-uusapan ka nang naririnig mo, dahil pangalawa nakakatawa na ang alam nating mga Pilipino tungkol sa Guidance ay masusungit na taga-pagparusa o pasahan ng sakit ng ulo ng makukulit na bata. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong naupo, at sinimulan ko na mag trabaho. Masyadong mabilis ang kapag bago ka sa trabaho dahil buo pa ang pagka-gusto mo sa trabaho mo. Hangga't maari unang araw palang nagpapakitang gilas ka na. Hindi ka pa stressed, hindi pa toxic, o sa madaling salita; masaya pa. Pagkalipas ng lunch ay biglang may kumakatok sa pintuan ng opisina. Si Sir Toby. Pumasok siya. "Sir Toby, Good afternoon!" bati ko. "Yes, Ma'am. Good afternoon. Yung concern ko po kanina... yung about sa isa kong student" sabi niya. "Ay, oo nga po sir, nasaan ba siya?" Pinagbuksan niya ng pintuan ang estudyante na nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng Guidance Office. Dali-dali ni Sir Toby itong pinaupo sa aking cubicle. "Ikaw na bahala sa kanya ha, Ma'am. May klase pa ako" agad umalis si Sir Toby at iniwan ang estudyante. Pagkasarado niya ng pintuan ay agad ko siyang kinausap. "Hi, dear. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko sa bata. "Ako po si Violet, Ma'am" mahinang sagot niya. Halata ko kaagad sa kanyang body language na parang hindi pa siya ganong kakumportable kumausap ng taong kakakilala palang niya. "Violet..." ulit ko. "Violet, I'm Ms. Olivia. Guidance Staff ninyo. So kumusta ang araw mo, Violet?" "Hmm, okay lang naman po. Kayo po?" "Okay lang naman ako, Violet. Ilang taon ka na?" "18 years old po." Si Violet ay may katamtamang tangkad para sa kanyang edad. Maiksi ang kanyang buhok na lampas lamang sa kanyang tenga. Maputi. Balingkinitan. Maganda. "Violet. Sa bahay niyo naman, kumusta? Kumusta naman ang 'yong mga magulang?" "Okay lang naman po Ma'am." "Pang-ilan ka ba sa magkakapatid, Violet?" "Pang-lima po, bunso" "Pang-lima, so I assumed masaya sa inyong bahay, Violet? Kasi the more the merrier, sabi nga nila." "Sakto lang po. Magulo. Pero sakto lang. Masaya." Walang pag-eye contact sa mga pag sagot ni Violet. Wala rin masyadong tono ang kanyang boses sa bawat pag sagot niya. Medyo flat. "Violet, okay ka lang ba?" tanong ko. "H'wag ka mag-alala. Hindi ka dinala dito ni Sir dahil may nagawa kang kasalanan. Okay?" "Okay po" sagot niya. "Okay sige. Violet, ready ka na ba to open up?" tanong ko. Sabay kumurap ang ilaw ng maraming beses hanggang sa nawala na ito ng tuluyan. And I swear to God, na palingon ako kay Violet na nangisi siya habang nangyayari ang lahat ng ito, dahil bakas sa kumurap na ilaw ang kantang mga mata at ngipin. Pero baka guni-guni ko lang. Baka. Pagkabalik ng ilaw, "Oh, madalas ba nangyayari 'to?" tanging reaksyon ko. Pero parang walang reaksyon si Violet sa mga nangyari, parang walang nangyari para sa kanya. "Okay, sige, Violet. It's okay kung hindi mo pa kaya pag-usapan or hindi ka handa mag-open up. That's pretty normal. You may return to class na. But when you're ready. Nandito lang ako ha. Handa akong making, Violet." Agad siyang tumayo at lumabas, pero bago siya lumabas ay nginitian niya ako, sabay sarado ng pinto. ... One week na ang nakalipas simula ng makausap ko si Violet, ni-hindi ko siya nakita sa loob rin ng isang linggo. Marahil ay umabsent siya? Marahil ay masyadong sensitibo ang pag-uusapan namin kaya nahiya siya na may ibang nakakaalam bukod kay Sir Toby ng nangyayari sa kanya sa loob ng classroom? Nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Bakit kaya wala siya? May kumatok sa pintuan ng opisina. Pumasok ang kapwa empleyado ko, isa siya sa narinig kong pinag-uusapan ako last week. "Mars! Kamusta ang first week mo" bati niya agad-agad pag pasok niya ng kwarto. "Ms. Abel nga pala. Secretary ni Dean." "Ms. Abel. Yes. Ano pong mapag lilingkod ko?" tanong ko. "Ay nako! Wag ka na masyadong pormal, Mars nalang." Agad siyang umupo sa upuan sa may cubicle ng opisina ko. "Oh, kumusta ang first week mo sa school?" Masasabi kong okay lang naman ang first week ko sa school, kasi nakakapagod. May pag-shifting ang schedule ko kasi may SHS hanggang kinagabihan, kaya sa loob ng isang linggo ay dalawang araw na gabi ang aking uwi. "Okay lang naman po" sagot ko. "Ay wag ka sana tumanda agad ha! Ang ganda-ganda mo pa naman. Sayang ang beauty mo sa mga pasaway na estudyante" sabi ni Ms. Abel habang nakangiti. "Ah. Ms. Abel. May tanong po sana ako sa inyo", mukhang matagal nang nag eempleyo dito si Ms. Abel; kaya sa tingin ko ay alam niya ang mga nangyayari sa school at kilala niya ang ilan sa mga estudyante. "Miss, kilala niyo po ba si Violet?" Hindi ko maipinta ang itsura ni Ms. Abel nang binanggit ko ang pangalan ni Violet. Nawala ang masayahing awra niya, biglang tumikom ang nakangiti niyang mga labi. Nabalot ng takot. Siguro. "Hindi ko na po kasi siya nakikita sa loob ng isang linggo. At medyo nag-aalala na ako" dagdag ko. Pero wala pa rin siyang maisagot. "Ah... eh... alam mo naman... ang mga bata ngayon... pala absent" paputol-putol na sagot niya. "Oh, sige na Mars, magtatrabaho pa ako. Congrats sa first week mo at sana makasama ka pa namin ng matagal." "Salamat po" sagot ko sakanya habang agaran siyang tumayo at lumabas ng opisina. Natapos na ako sa lahat ng aking trabaho bandang 7:45pm ng gabi, isa ito sa mga araw na kailangan ko mag-stay hanggang 8:30pm dahil may SHS students pa. Kanina ko pa naririnig ang ingay sa classroom sa itaas lang ng aking opisina. Wala yata silang teacher kaya maingay. Dinig na dinig ko ang bawat tawanan ng ilan sa mga estudyante, may ilang nag-uusap na hindi ko mawari ang bawat salita, at mga tunog ng paa ng upuan na kumikiskis sa sahig. "Ma'am Olivia, nag-iingay po sila." Nagulat ako, at hindi ko na malayan may nakapasok na pala sa loob ng opisina ko. Si Violet. "Ma'am Olivia, nag-iingay po sila" inulit niya. "Violet..." kinabahan ako dahil siya lang pala 'yung nakapasok sa opisina. "Ginugulat mo naman ako e" sabi ko. Nakangiti siya, "Eh, Ma'am, pasensya na po. Nag-iingay lang po kasi sila kaya napababa ako dito agad sa inyo." Ang ingay pala ay nanggagaling sa classroom nila. Sinamahan ko si Violet paakyat sa 305A, pero pag dating namin sa labas ng classroom ay tahimik na ang mga kaklase niya. Nandoon si Sir Toby sa harap ng klase at pa-umpisa nang magturo sa kanyang klase. Napansin rin niya ako kasama si Violet. "Yes? Ma'am?" pagtataka niya, sabay tingin kay Violet. "Oh, Violet, kanina pa kita hinahanap akala ko nag cutting classes ka na naman e," biro niya. "Nandito na pala si Sir, Violet e. Pumasok ka na sa classroom." Pumasok si Violet sa loob ng classroom at umupo siya sa pinakadulo. Tumingin siya sa akin bago ako umalis. Tinapat niya ang kanyang hintuturo sa kanyang mga labi at sinenyasan niya ako na 'wag akong maingay. ... Tatlong linggo na ang makalipas ng lahat ng iyon ay nangyari at ilang beses pa itong naulit; laging bumababa si Violet sa kwarto at nag susumbong na maingay pero wala namang ingay at lagi ring nandoon si Sir Toby na nag tuturo. Hindi na ako mapakali dahil sa nararamdaman kong may misteryong naganap sa school na may koneksyon kay Violet. Sinimulan ko na mag tanong tanong kung kani-kaninong empleyado pero wala silang matinong sagot at ang iba naman ay nililihis ang usapan... hanggang sa maisipan kong kausapin na ang boss ko sa main building. "Ma'am? May partikular na estudyante po akong gustong endorse sa inyo..." sabi ko sa kanya. "Yes? Sino Ms. Olivia?" tanong niya. "Si Violet po. Senior High School student po natin." At gaya ng reaksyon ni Ms. Abel kama-kailan, napuno rin ng takot ang kanyang reaksyon. "Alam mo ba kung bakit ka naming hinire, Ms. Olivia?" seryoso at mababa nag tono ng kanyang pagtatanong. Umiling lang ako at natahimik. "May empleyado kami last year, si Max. May nakilala rin siyang Violet na estudyante. Pero walang tayong estudyanteng Violet ang pangalan ng mga panahon na iyon", at pag kasabi niyang iyon, agad akong kinilabutan; tumayo ang mga buhok ko sa aking braso. "Matagal na naming naririnig ang kwento ni Max na may counselee siya na ang pangalan ay Violet. Pag katapos... isang gabi, tumalon siya sa 5th floor ng building... sa pinaka tuktok. Bumagsak siya una ang ulo, wasak ang mukha, ni-hindi na makilala ng kanyang mga kamag-anak. Ilang buwan ang lumipas pagkatapos namatay si Max bago ka naming hinire." "Bat ngayon niyo lang po lahat ito sinabi?" tanong ko. "Akala namin ay okay na pagkalipas ng ilang buwan nang pag panaw ni Max... sino ba namang gusto mag trabaho sa lugar na pinangyarihan ng trahedya?" sabi niya. Wala pa rin akong masabi. Natatakot. Tuliro. "Si Violet? si Toby? At ang buong klase? Patay na silang lahat. Tatlong taon na ang nakalipas. Biktima sila ng pang hahalay ni Toby..." sabi niya. "Ang kwento pa nga, isang gabi, nilagyan nila ng lason ang bote ng tubig ni Toby... namatay siya sa loob ng classroom. Pagkatapos ay uminom rin ng lason ang bawat isa sa biktima niya... lahat sila namatay sa loob ng classroom bukod kay Violet; tumalon siya sa mula sa 5th floor ng building" Balisa ako sa mga nalaman ko. Nag hahalong takot, kaba at kilabot ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Unti-unti ay nasisira na rin ang kapit ko sa realidad. Bumalik ako sa opisina ko at sinubukang libangin ang aking sarili sa trabaho. Pag sapit ng 7:45pm ay nagsimula na naman ang ingay ng 305A. Naririnig ko na naman ang malalakas na tawa, pag galaw ng mga upuan, at mga usapan na hindi ko mawari, mas malakas pa ito kumpara sa dati. Nilabanan ko ang takot at umakyat ako ng 3rd floor. "Violet!" sigaw ko. "Si Ms. Olivia ito! Please! Mag usap tayo. Baka matulungan kita!" Pag dating ko ng 305A ay walang tao pero bukas ang ilaw. Nakakabinging katahimikan. Wala ang estudyanteng maiingay na naririnig ko; wala si Violet, wala rin si Sir Toby. Kumalma ako panandalian. At baka guni-guni ko lang ang ingay. Baka hindi na ako okay. Baka nasa isip ko lang ang lahat. Baka kailangan ko lang umuwi at mag pahinga. Bumaba ako sa opisina para mag empake na at umuwi. Pero namatay ang ilaw. At pag bukas nito. "Ma'am, handa na po akong mag-open up..." Humarap ako sa upuan, at nakaupo doon si Violet kasama ang buong klase at si Sir Toby. Duguan; bali ang mga buto sa mukha. Nakangisi ang kanyang mga kaklase at si Sir Toby nang todo; puti ang kanilang mga mukha at nangingitim ang mga mata. "Sabi ko naman sa'yo Ma'am Olivia. Hindi ko maiwan ang mga bata. Mahal ko silang lahat..." naka ngising sabi ni sir Toby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD