bc

Short Stories at Night

book_age16+
19
FOLLOW
1K
READ
revenge
others
dark
suicide
forced
tragedy
mystery
scary
illness
witchcraft
like
intro-logo
Blurb

NOT YOUR ORDINARY HORROR STORIES.

Thriller. Mystery. Science Fiction. Psychological. Unexplained Phenomena.

Turn off the lights. Lay down comfortably. I'll help you sleep at night. These are the collection of stories conceived at night.

(c) All Rights Reserved

chap-preview
Free preview
"Halimaw"
Ang pangalan ko ay Miggy. Ako ay 25 years old at isa akong doctor sa batang edad. Isa ako sa mga pinoy na pinalad sa katalinuhan simula pagkabata. Pinalad rin akong makapag-aral sa ibang bansa dahil sa taglay kong talino. At ngayon, kailangan kong umuwi ng Pilipinas para mag bakasyon. Kailangan ko ring mag pahinga dahil may nararamdaman ako sa katawan kong kakaiba na kahit ako mismo ay hindi ko maipaliwanag. Ayokong bumalik sa Pilipinas kahit alam kong may babalikan ako. "Miggy!" sigaw ni Liezel, ang girlfriend ko simula high school. Sinundo niya ako sa airport. "I missed you so much" sabay yakap niya sa akin. "I missed you too" sagot ko, sabay naramdaman ko ang napahinga ako sa mga yakap niya. Sumakay kami sa sasakyan. "Pumayat ka, ano bang pinagkakaabalahan mo don?" tanong niya habang tinitignan niya ang katawan ko. "Busy lang sa trabaho. Stress. Hectic schedules" sagot ko. Ayokong ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko, ayaw ko rin mag-alala siya dahil sa sitwasyon naming long distance relationship. Iba't iba ang nangyayari sa akin simula ng may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. May mga araw na nakakapanaginip ako na isa akong hayop sa gubat na nag hahanap ng maiinom dahil sa sobrang uhaw. Unti-unti ring bumababa ang timbang ko kahit madalas akong kumain, nararamdaman ko ring nawawalan ako ng panlasa. Bumabakat na rin ang mga buto sa dibdib ko, bumabakat na rin ang eye-socket at jawlines ko. At kagaya ng mga panaginip ko, pagkagising ko tila nakakaramdam ako ng matinding uhaw. "Anong naiisip mo?" pagtataka ni Liezel. "Pagod. Gusto kong magpahinga ng matagal. Malayo sa trabaho" sagot ko. "Dadalaw pa tayo sa probinsya niyo" sabi niya. Matagal ko na ring palang hind nakikita ang impo ko. Laki ako sa kanya. Naalala ko pa nung bata pa ako kung anu-ano pa ang kinukwento niya sa akin para lang hindi ako magpagabi ng tulog; at minsan para hindi magpagabi sa labas. Tipong kakainin raw ako ng mga halimaw at kung anu-ano pang nakakatakot na karakter hango sa mitolohikong kwento ng mga sinaunang Pilipino. "Oh, sige. Doon na tayo dumiretso" sagot ko sakanya. Nag stop-over muna kami sa bahay nila Liezel para sunduin ang kapatid niyang si Sarah, para makapag bakasyon na rin siya since wala pang klase. Mahaba-haba ang biyahe kaya nakatulog ako. At pag gising ko, nakarating na kami. Walang katao-tao sa labas ng bahay namin dito. Tahimik ang buong paligid. Lumabas si Liezel para kumatok sa maliit na gate ng bahay. "Tao po!" sigaw niya. Sabay lumabas si impo Maria. Agad niyang sinalubong si Liezel. At na surpresa siya dahil hindi niya alam na uuwi ako ngayon. "Migoy! Apo" nakangiting salubong niya sa akin, sabay yakap. "Lola, kamusta ka?" tanong ko sa kanya. "Ito, sa awa ng Dios, malakas pa" sagot niya. "Ay nangangayayat ka yata, halika ipaghahanda ko kayo ng pagkain" Mabilis dumilim sa probinsya at sa oras na alas-singko halos wala kang maririnig kundi mga ingay ng kuliglig, kasabay nito ang malamig na simoy ng hangin. Sabay-sabay kaming umupo sa kainan habang pinapanood kami ni impo Maria. At may napansin akong kakaiba, "Impo, sobrang malasa yata ang luto mo" sabi ko sa kanya dahil bigla biglang nagkaroon ako ng panlasa. "Ay ganyan talaga, iho, ang may sakit at may nararamdamang kakaiba, ang kailangan mo lang ay luto ng iyong impo" nakangiting sagot niya. Hindi ko na sabi ang mga nararamdaman ko kay impo Maria kaya nakakapagtaka na alam niya ang nararamdaman ko.. "Si Lola Maria nalang ang mag isa dito sa bahay," sabi ni Liezel. "Matanda na siya para mag isa, bakit hindi mo siya dalhin sa ibang bansa?" dagdag niya. "Mag isa?" pagtataka ko. "Oo, Miggy. Hindi ko na binalita sayo 'to kasi ayaw rin ni Lola na mag-alala ka. Pero wala na ang lolo mo, 6 months ago" sabi ni Liezel. "Lola naman. Bakit hindi mo naman binalita wala na pala si Lolo" sabi ko sa kanya. "Hay, hayaan mo na 'yon iho. Ayaw kitang mag-alala kaya hindi na kita inabala. Matatanda na rin kami" sagot niya. Dito na ako sa lugar na 'to na ako lumaki pero tila wala pa ring pagbabago. "Hindi ba masarap ang luto ko, Migoy?" tanong ni impo Maria. Napansin kong balisang nakatingin si Sarah kay impo Maria. Tumapat ako sa tenga ni Sarah at bumulong, "Sarah, ano yon? Para kang nakakita ng multo." Pabulong siyang sumagot, "Hindi mo ba napapansin, Kuya? Parang nag iiba ang itsura ni Lola" Tinignan kong mabuti si impo Maria, at napansin ko nga ang napansin ni Sarah. Biglang sumagi sa isip ko na parang hindi ito isang bagong bagay dahil minsan nakita ko na ito nung bata pa ako habang pinapanood ko si impo Maria noon na nag dadasal sa harap ng itim na rebulto; nag-iiba ang kanyang itsura, ang kanyang anyo. "Ano ho ba itong niluto niyo?" tanong ni Liezel kay impo Maria "Ang lolo ni Migoy" sagot ni impo Maria. Nakangiti siya. Abot tengang ngiti. Hibang. Natahimik kaming tatlo. Natakot. Kinabahan. "Liezel, kuhanin mo si Sarah!" sigaw ko. Kumaripas kami ng takbo papunta sa kwarto. Tanging rinig ko lang ay ang kaba, hingal ng dalawa, at ang napag-iyak ni Sarah sa takot "Harangan mo ng upuan yang pintuan Liezel" sabi ko sa kanya. "Ano ang nangyayari?" naiiyak na tanong sa akin ni Liezel. Hindi ko mapaliwanag. Mahirap sabihin. Isang matagal ko nang sikreto na binaon ko na sa lupa kasabay ng pag alis ko ng Pilipinas. "Hindi ba't nasarapan ka sa niluto ko, apo kong Migoy?! Ayan ang lasa ng tao. Malasang malasa", sigaw niya na naririnig namin sa kwarto. Namatay ang ilaw ng bahay, at pag bukas nito, nasa kwarto na si impo Maria. Hawak si Sarah. Nag-iba na ang anyo ni impo Maria. Humaba ang mga puti niyang buhok, humaba ang mga kuko sa kamay... Naiiyak sa takot si Sarah "Wag!" sigaw ni Liezel. "Hindi ka sa akin nakinig, Migoy" nakatawa niyang sinabi. "Kahit ilang beses ka mang lumayo, mapasaan man sa mundo, lalabas at lalabas ang sumpa natin" at tumawa siyang malakas "Hindi! Hindi ako katulad niyo! Mga halimaw kayo!" sigaw ko sa kanya. "Halimaw? Sinong halimaw?!" sagot niya Tinapat ni impo Maria ang bibig niya kay Sarah, lumabas ang mahaba niyang dila, at kinagat niya sa leeg ang batang si Sarah, umagos ang dugo nito sa ilong at mga mata habang pawala na ang kanyang buhay. Tumawa ang impo Maria, nanlisik ang mga mata niya sa aming dalawa ni Liezel Nakaramdam ako ng matinding uhaw habang ginagawa ni impo ang pag sipsip kay Sarah. Marahil ito na nga ang nararamdaman ko, isang sumpa, isang halimaw kagaya ni Lola. "Alam kong nararamdaman mo ang pagkauhaw, Migoy! Inumin mo na nang buhay si Liezel!" sabi niya. At doon sa salamin sa kwarto, napanood ko ang sarili kong mag ibang anyo, nakakatakot, kakila-kilabot. Umitim ang kulay ng mga mata ko, tumanda ang balat, humaba ang mga kuko, at tinubuan ng pangil. "Iyan! Iyan ang apo ko!" maligayang sigaw ng impo Maria. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinunggaban ko kaagad si Liezel. "Miggy, h'wag!" ang kanyang mga huling salita. Binaon ko ang mga pangil ko sa leeg niya at naramdaman ko ang init ng dugo niya sa aking lalamunan, nawala ang kabog ng kanyang puso at pag hinga, sabay tumahimik ang buong paligid. Matapos ang lahat ng ito ay kumalma ako. Bumalik sa normal na anyo. Nawala ang uhaw. Nawala ang kakaibang nararamdaman sa katawan. Si impo rin ay bumalik sa dating itsura niya. "May surpresa ako sa'yo, Migoy" sabi niya. Balisa sa mga pangyayari; sa pag patay sa kaisa-isang babaeng minahal ko, dinala ako ni impo sa isang kwarto sa baba ng bahay. Tumambad sa akin ang isang babaeng halos kasing edad ko. Nakatali ang mga kamay, may busal sa bibig at walang damit. Halatang wala siyang ideya sa mga nangyayari at mangyayari pa. Umiiyak siya sa takot. "Iho, oras na para magparami ka ng ating lahi." __________________________________________________________ Thank you for reading! Watch out for more short stories

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
492.9K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
209.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
196.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
401.0K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
792.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook