AXEL “Ano wala pa rin nangyayaring keep up sa inyo?” tanong ni Enzo sa akin. Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Wala pa man din akong sagot nakita ko na ang pagtawa niya dahil sa sinabi ko. “Alam mo napakahina mo naman, ano isang taon wala pa rin kayong keep up sa inyo,” sambit niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtawa niya na para bang sinasabihan niya na mahina ako. Binigyan ko siya nang masamang tingin dahil sa kaniyang ginawa. “Wow akala mo talaga napakalakas din niyang hayop siya oh. Bakit kumusta na ba kayo ng babae mo?” tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. “Huwag mo idamay dito yung love life ko, ikaw yung may problema dito hind ako,” seryoso niyang sabi sa akin. Napailing-iling na lang ako at napainom ng alak. “Pero ano w

