AXEL Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mag-react dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba yung naririnig ko sa kaniya o ano. “So nagseselos ka nga?” tanong ko sa kaniya. “Okay fine, sasabihin ko na, oo. Masaya ka na? Masaya ka na na nanalo ka, doon ka na nga bago pa ako hindi makapagtimpi sa ‘yo,” sambit niya sa akin. Balak niyang uminom muli ng alak pero agad ko na iyong kinuha. “No hindi ka na iinom, uuwi na tayo,” sambit ko sa kaniya. Hinawakan ko naman ang kamay niya para ilayo siya doon. Alam ko na magko-cause lang siya nang gulo dahil hindi na niya nako-control ang sarili niya at baka mamaya kung ano-ano na ang masasabi niya. “Ano ba bitawan mo nga ako, hindi porket gwapo ka, ang tangkad mo, moreno na type ko, magaling din sa kama, eh papahatak na ako sa ‘yo,

