AXEL “Seryoso ka ba?” tanong sa akin ni Vicente. Napahinga ako nang malalim sabay napasandal sa kaniyang couch. “T—ngina hindi na ako nakapag-isip ng maayos.” “Hindi nakapag-isip ng maayos o sadyang iyon lang talaga ang gusto mo sa kaniya nung nakita mo siya? Dude yung pagpapakasal sagrado iyan, alam mo bang tinatali mo na yung sarili mo sa kaniya the moment na gusto mong magpakasal sa kaniya?” sambit niya sa akin. “Alam ko, but f—k.” “F—k talaga, sira ulo ka ba naman magpapakasal ka kaagad ng ganon-ganon. Ano akala ko ba galit ka sa tao? Ano’ng nangyari, ano kinain mo na din ba yung mga sinabi mo noon?” tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napahawak sa aking noo. “Hindi naman ako galit sa kaniya, kailangan niya ng pera so ibibigay ko naman,” sambit ko sa kani

