AXEL “Pick all you want, ako na ang bahala sa gastos,” sambit ko sa kaniya. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon dahil nagtataka siya sa mga nakikita niya sa paligid. “Uhm ako lang ba o sadyang walang katao-tao yung mall?” tanong niya sa akin. “I pay it, so kunin mo na yung mga damit na kailangan mo. Tapos papayadan ko na lang and ipapahatid sa atin, meron pa tayong pupuntahan eh,” wika ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “What, pay it? Like as in?” nagtataka niyang tanong. “Yeah, pinasara ko yung mall then binayadan ko lahat ng mga expenses na masasagasaan dito. Itong store lang naman ang sarado, dahil for sure pagkakaguluhan ako ng tao, so take your time and choose what you want.” Naglakad naman ako papalayo sa kaniya at tumu

