AXEL LUMIPAS ang ilang buwan at malapit na din kaming magtaon. Sa isang taon na pagsasama namin wala namang nagbago sa amin ni Kiel, hindi ko pa din nabibigay sa kaniya yung singsing na binili ko dahil hindi ko naman alam kung paano ko ibibigay. Kakatapos lang nang aming concert at patungo na kami sa hotel namin. It’s our anniversary, pero hindi siya nakasama sa amin dahil nagkasakit siya. Ayaw ko naman siyang ma-over work kaya kahit gusto kong isama siya dito dahil isa din sa mga lugar na gusto niyang puntahan ang Canada pero hindi ko na din magawa. “Ano, kumusta naman ang hubby life mo, sayang wala ang asawa ah, ano ilang araw na nagpipigil?” pang-aasar sa akin ni Vicente. Agad ko namang kinuha ang unan na nakuha ko sa tabi ko sabay hinagis sa kaniya. “T—ngina mo ka, kapag merong

