Chapter 8

1556 Words
Okay Ikay, dahil sinabi mo yun, wala na tong atrasan. Panindigan mo yun,taena ka. Inis kong sabi sa sarili ko Huminga ako nang malalim at muling napatingin sa loob ng classroom nina Nixon. Nakita ko siya na nakayuko lang sa kaniyang upuan habang may diniscuss yung prof nila sa harap. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan. Tsk! Pano pala kung 'di talaga siya pumayag? Paano kung hindi ko siya mapilit? Nakagat ko ang ibabang labi ko sa naisip. Sabi naman ni Reyden may 2% pang tyansa na papayag siya. Sana lang matablan ng kakyutan ko amp. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko kay Nixon na ngayon ay nakatingin na sa harap na animo'y tamad na tamad na nakikinig sa prof nila. May naiintindihan kaya ang lalaking 'to? Parang labag pa sa loob niyang makinig sa prof nila. Psh. Tinignan ko ang oras sa relo ko at may dalawmpung minuto nalang para mag uwian. Hindi na ako pumasok sa huling subject ko para lang gawin ang bagay na ito kaya kailangan talaga mapapayag si Nixon. Napansin ko naman ang iilan niyang mga kaklase na lalake na palingon-lingon sa gawi ko. Agad akong nakaramdam ng ilang dahil ngayon ko lang yata naranasan na pinagtinginan ng mga kalalakihan. Dati kasi puro panlalait at pandidiri mga natatanggap ko, mukha namang mga unggoy ang mga walanghiya. Naiilang nalang akong napangiti sa kanila at kinawayan naman ako nung isa na halos lumbas na sa bintana. Kumaway na rin ako pabalik at tuwang-tuwa naman ang mga baliw. Ganito pala ang pakiramdam pag maganda ano? Naaappreciate ng mga tao ang bawat galaw mo. Muli kong tinignan si Nixon at ganoon nalang ang gulat ko nang tumama ang titig nuya sa akin. Agad akong napalunok at napasiksik sa likod ng pader. Shet! Ano yun? Bakit ako kinabahan? Hindi ko pa siya napipilit na sumali sa banda pero kinakabahan na ako nang matindi. Nakakatakot naman kasi siya kung tumingin. Parang pinapatay ka sa isip niya. "Sino kaya hinihintay niya?" dinig kong sabi nung isang lalaki habang nakadungaw parin sa bintana. Naiilang ko nalang na iniwas ang tingin ko sa kanila. "Ano ka ba pre, ako hinihintay niyan." sabi pa nung isa at nakita ko namang nagkabatukan ang dalawa. "Gago! Lalas mangarap!" Grabe, hindi ako sanay na ganito. Sanay akong pinagtutulakan palayo at hindi pinag-aagawan. Buset, kailangan ko na yatang masanay. Ilang segundo lang ay nariniv kong nagpaalan na ang proof nila at lumabas ng classroom. Eto na Ikay, kaya mo 'yan. Simoleng oa cute lang kay Nixon papayag din yan for sure. Muli akong lumunok at lumabas mula sa pinagtataguan kong pader nang makasalubong ko bigla yung prof nila kanina. "Oh! Franchesca hija? What are you doing here?" Tanong ng guro ng makita ako. Kilala niya ako? "Ahehe, may hinihintay lang po." sabi ko at ngumiti ng pilit sa kaniya. Kilala din kaya ako ng lahat ng teachers dito? Wow astig, naol. Di na kailangan sumipsip haha. Muli kong sinilip si Nixon na ngayon ay inaayos na ang gamit na nagkalat sa mesa. Napangiti ako dahil ang cute lang niyang tignan nang sandaling iyon, school boy na school boy ang peg. "Boyfriend mo ba?" Nakangiting tanong ni Miss sa akin. Nakalimutan kong kausap ko pa pala siya. "Naku hindi pa po!" Tanggi ko agad at ngumiti naman siya. Soon po. Charrot lang. "I see. Sige I have to go." Sabi ni Miss na may ngiti sa labi at nagpaalam sa akin. Kumaway rin ako pabalik habang sinusundan siya ng tingin paalis. Nakangiti akong napailing dahil sa inisip ko kanina. Kailan kaya yung soon na yun? Mwehehe. Muli kong ibinaluk ang tingin ko kay Nixon ngunit--- Nasaan na iyon?! Taranta kong inilinga ang paningin ko sa paligid. Hala! Bat nawala? Lumaoit ako sa classroom nila at dumungaw sa bintana kaso di ko talaga siya makita sa loob. "Oy, Ikay!" biglang sulpot nung isang lalaki sa harap ko kaya napaatras ako. Jusmiyo marimar. Agad naman nagsilapitan sa akin ang iilan dahilan upang mas mailang ako. "Hinahanap mo ko, Ikay?" tanong nung isa na may bigote. Napangiwi ako at inilayo ang sarili sa kanila. "Sino hinahanap mo Ikay?" tanong naman nung isa. "Si Nixon?" patanong na aniya ko. "Ay, si Nixon. Nakababa na yata. Ako nalang hanapin mo." "Ganoon ba? S-Sige alis na ako." sabi ko at patakbong umalis sa lugar na iyon. Jusko! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang naramdaman kanina. Bat para silang m******s? Ang sarap pag umpugin bwiset! Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? My ghad! Naparairap ako sa kawalan at agad na bumaba nung building nila. Nang makababa ay muli kong hinanao si Nixon. Naman eh! Mahahanap ko pa kaya ang lalaking iyon? Nixon.. Nasaan ka ba kasi? Kailangan kita, ngayon at magpakailanman. Charret. Bwisit naman kasi eh! Dapat hindi ko na tinanggal ang titig sa kaniya. Grr! Hayss. Mukhang wala na talagang pag-asa. Bagsak ang mga balikat kong naglakad pabalik ng building. Inilabas ko ang cellphone ko upang matawagan si Aiza at sabihin ang hindi magandang balita. Panigurado malulungkot din siya. Tae, hindi naman pwedeng ipagpabukas kasi Sabado naman. Wala na ring oras dahil kung makakasali man ay start na rin ng practice bukas. Nagriring na ang cellphone ni Aiza kaya naupo muna ako saglit sa may hagdanan habang hinihintay ang sagot niya. Agad akong napalingon sa likod ko nang maramdaman na may naglalakad pababa ng hagdan at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makitang si Nixon ito. Agad akong napatayo habang siya naman ay diretso lang sa paglalakad pababa. Hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Nixon!" tawag ko sa kaniya at patakbo siyang sinundan palabas. Huminto siya sa paglalakad at kunot-noo akong nilingon. Huminto ako sa harap niya at hinihingal siyang nilingon. Hindi niya inaalis ang titig sa akin kaya muli akong nakaramdam ng matinding kaba. Pakiramdam ko ay nanuyo bigla ang lalamunan ko sa klase ng titig niya. "P-Pwede humingi ng favor? Hehe." Naiilang na sabi ko at matagal bago siya nagsalita. "I don't do favors." walang gana niyang sabi at nakapamulsang naglakad palayo. Hindi ko malaman kung ano ang irereact ko sa sinabi niya kaya naiwan akong nakanganga. H-Hanuraw?! Nakanganga kong nilingon si Nixon na ngayon ay naglalakad na papuntang gate. Hindi pwede Ikay. Kailangan mo siyang mapapayag. Muli ay patakbo ko siyang sinundan. "Nixon!" tawag ko muli and this time ay hindi na niya ako nilingon. Tuloy lang siya sa paglalakad habang ako ay tuloy lang din sa pagtakbo pasunod. "Nixon, teka lang!" halos muntik pa akong madapa sa katangahan ko ngunit ang mas nakakagulat pa ay nasubsob ako sa likod niya sa biglaan niyang paghinto. Nanlaki ang mata ko nang tumama ang mukha ko sa pisngi ng pwet niya. Hala jusko! Napapalunok akong umayos ng tayo at nagtama na naman ang paningin namin. Nakita ko ang inis sa mga mata niya ngunit nandoon parin ang pagiging kalmado ng mukha niya. "Nixon sige na please? Pakinggan mo muna ako sa favor ko." Nakanguso kong sabi at pinilit na nagpacute sa harap niya pero hindi yata tumalab dahil hindi man lang nagbago ang itsura amp. Hindi siya nagsalita kaya tinuloy tuloy ko na ang sasabihin ko. "Pwede ka bang sumali sa banda namin? Sasali kasi kami sa BOTB--" "No." sabi niya at nagsimula na namang naglakad paalis. "Waaa! Nixon, teka lang!" pigil ko at hinawakan ang braso niya. Inis niyang tinignan ang kamay ko kaya napapahiya akong bumitaw. "Nixon, sige na naman oh. Kulang kasi kami ng isang nember." pagpupumilit ko pa at ayun na ang pagbago ng mukha niya. Halatang galit na amp. "I'm busy." halatang galit na usal niya. Ngumuso ako ulit at mas pinilit pang magpacute. Bakit ba hindi siya matablan? Aish. Nagsimula ulit siyang maglakad palayo kaya inis nalang akong napakamot sa ulo ko. Ano bang gagawin ko para mapapayag siya? Tinignan ko nang masama si Nixon na ngayon ay palabas na ng gate. Mapapapayag kita. Huninga ako nang malalim at masama ang titig na sumunod sa kaniya palabas. Nang makalabas ng gate ay tinawag ko ulit siya. "Nixon!" sigaw ko pero hindi na niya ako nilingon. "Hoy Nixon!" sigaw ko ulit pero wala parin siyang pake, pinagtitinginan na ako. "Pag hindi ka pumayag magpapasagasa ako!" sigaw pero wala talaga. Wa epek sa kaniya ang mga sinasabi ko. "Ayaw mo maniwala?!" sigaw ko pa at nalakad papalapit sa kalsada. Nilingon ko siya pero wala talaga siyang pake jusko! Ayos lang yata sa kaniya na mamatay ako taena! Humakbang pa akong muli hanggang sa nakatayo na ako sa gilid ng kalsada. Sunod-sunod akong napalunok nang makita kung gaano kalaking mga sasakyan ang napapadaan. Jusko. Gagawin ko ba talaga ito? Waaaa! Bwisit kasi ang Nixonna iyon. Bat ayaw nalang kasing pumayag ang arte bwisit! Muli akong humakbang kasabay ang matinding paglunok. Ah, bahala na. Hindi pa naman siguro mamamatay. Long live raw kasi ang mga masasamng d**o. Maya-maya lang ay narinig ko tunog nang malaking sasakyan na paparating kaya kinakabahan man ay humakbang ako muli. Buhay pa nama siguro ako pagkatapos nito diba? Napapikit nalang ako kasabay ng matinding pagkabog ng dibdib ko nang biglang maramdaman kong may humigit sa kamay ko. Nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Ok, fine. I'll join" sabi niya at walang ano-ano'y kumawala ang nagwawalang ngiti sa labi ko. Success.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD