Chapter 7

2336 Words
Narinig ko ang malakas at sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng pintuan. "Maam? Gis--" "Gising na ako. Kanina pa." Nakangisi kong sabi pagkabukas ng pinto. Kitang-kita ko sa mukha niya ang gulat. "Ma'am! Isa itong malaking himala!" usal niya habang nakaturo pa ang hintuturo sa itaas na mala Nora Aunor. "Anong meron Ma'am? Inspired? May bagong huli?" tanong niya habang sinusundan ako pababa ng hagdanan. "Anong bagong huli?" kunot-noong tanong ko at huminto pa para lingunin siya. "New fetch!" sabi niya at mas lalo namang kumunot ang noo ko. Ayos lang ba ang katulong na ito? Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy nalang pababa ng hagdanan. Naabutan ko si Kuya sa may sofa na inaayos ang tali ng sapatos niya. Agad siyang napalingon sa akin nang maramdaman ang prisensya ko. "Aalis ka na kuyang panget?" Tanong ko sa kaniya at tumayo naman agad siya para lumapit sa akin. "Yeah, Mauna na ako. Kumain ka ng breakfast bago umalis, understood?"sabi niya at hindi pa man ako nakakatango ay nagmadali na siya palabas ng bahay. Required ba talaga na mauna siya lagi? Hindi man lang ako hinintay. Saan naman ang punta nung panget na yun eh ang aga-aga pa. "Maid?" Tawag pansin ko dun sa maid nang makapasok ako sa kusina. "Bakit po maam?" Tanong niya at agarang lumaoit sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kusina bago siya tinignan. "Sina Nanang at Tatang? Hindi pa ba umuuwi?" Tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko ang tagal ko na silang hindi nakikita. "Ay umuwi po sila kagabi." Sabi ni Maid. "Umuwi? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabi? Nasaan sila ngayon?" sunod-sunod na tanong ko. Umuwi naman pala kagabi pero bakit hindi ko man lang alam? "Sabi po kasi ni Maam Nancy, wag na raw kayong gisingin, umalis rin po sila ng maaga kaninang madaling araw. " sabi ni Maid sa akin kaya mas lalo akong naguluhan. "Saan na naman daw ang punta?" Inis na tanong ko. Nakakagigil na ha! Puro sila travel-travel, di man lang marunong magpasama. "Wala pong nabanggit ma'am eh!" Kibit-balikat nya saka tumalikod at tinuloy ang ginagawang pag mo-mop sa sahig. Dahil sa inis ar pagtatampong naramdaman kina Nanang at Tatang ay nilantakan ko lahat ng pagkain sa mesa. Nakakainis talaga! Ang daya-daya nila. Nagkaroon lang ng passport kung saan-saan na napupunta. Paano naman ako ha? Nakakainggit kaya! Ang dami ko pa namang lugar na oangarap puntahan, Paris, Korea, Japan, Thailan, gusto rin sa Spain. Dati gusto ko rin sa China kaso nakakatakot na ngayon. Baka pagkamalan akong paniki. Nakabusangot akong hinatid ni Manong Richard sa school. Wala akong imik sa buong byahe. Iniisio ko kung ano na ang ginagawa nina Nanang at Tatang ngayon. Siguro enjoy n enjoy sila, siguro kung anu-anong pagkain na ang nakikita nila. Hayss.. Pagkababang pagkababa ko ng kotse ay agad akong sinalubong ng ngiti at bulungan ng mga estudyante. Hindi ko talaga sila maintingan kung bakit nila ako pinagbubulungan, I mean, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Char. "Good morning, Ikay!" bati nung isang babae pero hindi ko siya pinansin dahil wala talaga ako sa mood. Naiinis parin ako kina Nanang at Tatang. Parang gusto kong sundan sila bigla kung nasaan man sila ngayon. Papasok na ako sa building ko nang mapansin ko ang iilang kumpulan ng mga estudyante sa hallway. Nakita kong may pinagkakaguluhan silang bulletin board sa harap. At dahil pinanganak akong chesmosa ay nakisingit narin ako sa kumpulan nila. Sumiksik ako sa pinakagitna at dahil maliit lang akong tao ay naitulak ko ang sarili ko papunta sa harap. Halos magkagulo-gulo na ang itsura ko nang makarating sa harap. Inayos ko saglit ang buhok ko bago pinagtuunan ng oansin ang nakasulat sa bulletin board. BATTLE OF THE BANDS 2020? Nanlaki ang mata ko at hindi nakapagsalita sa nakita. Omg! Omg! Waaaa! Totoo ba ito?! Napatalon ako bigla sa saya at tuwang naramdaman. Pansin ko ulit ang iilang mga titig sa akin. Ang kaninang maingay na kumpulan ngayon ay tahimik na dahil nasa akin na yata ang atensyon ng karamihan. Hindi kk sila pinansin at nakangiting umalis sa lugar na iyon. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko at tatalon-talon pa akong naglakad paountang canteen. Agad kong hinanap si aiza sa loob ng canteen at nang makita ko siya ay patakbo akong lumapit. "Aiza!" sigaw ko at nabulabog ang buong canteen sa boses ko. Inis akong nilingon ni Aiza na ngayon ay masama ang titig sa akun habang nakaupo. "Omg Aiza!" sigaw ko parin at parang bata na patalon-talon sa gilid niya. "Ano na namang nahithit mo?" bungad niya kaya sinimangutan ko siya. "Guess what." pigil ang ngiting sabi ko. "Anong guess what?" tanong niya. "Hulaan mo!" inis kong sabi. Ang slow naman ng babaeng ito. "Anong huhulaan ko?" "Hulaan mong mag battle of the bands next week!" sigaw ko at kumunot naman ang noo niya. "Ay bobo ka talaga, bakit mo sinabing-- A-Anong sabi mo ulit?" natitigilan niyang tanong at napatili ulit ako. "May battle of the bands ngayong linggo!" "T-Too ba 'yan?" gulat niya paring tanong at sunod-sunod naman akong napatango. "Aiza eto na yun! Ang pangarap natin na makasali sa banda! Waaa!" tuwang usal ko kita ko rin ang tuwa sa mukha niya. "Omg, Ikay. I can't believe it. Paano mo nalaman?" tanong niya at nginuso ko naman ang labas ng canteen. "Naka-post sa bulletin kanina." sabi ko at siya naman ngayon ang napatayo at napatalon sa tuwa. Nagyakapan kami na parang bata. Maya-maya lang ay narinig namin ang malakas na bulalas ng tawa. Nagbitaw kami sa yakap at doon ko lang napansin na nandito pala si Reyden. "Eh ano naman kung merong BOTB?" natatawang tanong niya. "Sasali kami!" Sabay naming sabi ni Aiza at nag apir pa kaming dalawa. Nagkakaintindihan talaga kaming dalawa pagdating sa mga pangarap namin. "Ano? Hahahaha! Sasali kayo r'yan?" Natatawa uling tanong ni Reyden sa amin at agad naman siyang sinamaan ng titig ni Aiza. Natigil siya sa pagtawa at naiilang na napakamot sa batok. "Bakit may problema ka?" Banta ni Aiza sa boyfriend. "Hehe, wala naman babe." animo'y napapahiyang ani Reyden. "Paano kayo sasali kung dadalawa lang kayo?" Pambabawi niya pa. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga no? Ang tagal na naming pangarap ito ni Aiza pero bakit hindi ko naisip na dalawa lang pala kami? Pero wala namang problema yun diba? Pwede naman dual function eh. "Pwede naman sigurong dalawa lang." sabi ni Aiza at agad naman akong sumang-ayon. Yun ng aang naisip ko. "Oo nga! Pwede naman siguro. Ang aarte nila ah! Si Aiza sa bass at drums, ako naman sa guitar at vocalist." Proud kong sabi at tinaas-baba pa ang kilay. Ang talino ko. Omg! "Oo nga!" Sang-ayon din ni Aiza sa akin. Natawa muli si Reyden. "Ang banda kasi ay kinakailangang binubuo ng lima o higit pang myembro. Hindi maaaring dalawa lang. Ang banda ay isang grupo. " paliwanag niya. "Grupo parin naman ang dalawa ah." di nagpapatalong aniya ko. "Oo pero kasi mahihirapan kayo pag dalawa lang." paliwanag niya pa. "Hindi yan--" "Tama si Reyden, Ikay." Putol ni Aiza sa sinasabi ko. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "We need nore members pa para mabuo ang banda." "Edi mag rerecruit tayo." sabi ko nalang. Kailangan talaga makasali ako huhuhu. Sayang naman kasi kung hindi, once in a lifetime lang ito. Sa school kasi namin di uso ang mga battle of the bands, maliban kasi sa mga kaunti lang ang nay hilig, walang sapat na gamit ang paaralan. Masyadong gipit sa pera ang school namin, Sapat lang lagi ang tulong ng gobyerno sa amin pampaayos sa mga facilities ng school. "Mukhang mahihirapan tayong makahanap Ikay. For sure kasi marami ang sasali." sabi ni Aiza at nakaramdam naman ako bigla ng matinding lungkot. Hindi ba talaga ako makakasali? Kahit ngayon lang sana oh. Pag nakabalik na ako sa realudad hindi ko na mararanasan ulit ang bagay na ito. Gusto ko lang namang pag nakabalik ako sa totoong mundo ay may dala-dala akong alaala rito. Alaala na natupad ko ang mga pangarap ko. "Don't worry. I'll help you look for members." bigla ay sabi ni reyden kaya sabay kaming napalingon sa kaniya ni Aiza. "Ops, wag umasa. Susubukan ko lang haha." sabi niya at hindi ko naman maiwasang mangiti. "Thank you Reyden!" usal ko. "Me too, I' try my blockmates. Baka meron pang may gusto." sabi ni Aiza at mas lumawak ang ngiti ko. "Ako rin, susubukan ko sa mga kaklase ko sa ibang subjects." sabi ko at ayun naman ang magkahalong tuwa at saya sa loob-loob ko. Gagawin ko lahat makasali ako sa patimpalak na ito. Hindi man manalo, gusto ko lang masubukan magkaroon ng isang banda. Sana makabuo pa. Pagkatapos nung eksena na 'yun ay sabay na kaming nagtungo sa classroom namin ni Aiza. Hindi na siya hinatid ni Reyden dahil may pupuntahan pa raw siya. Sa first subject lang pala kami magkaklase ni Aiza. Tas 'yung iba ay magkahiwalay na. Pareho kami ng course, Hotel and Restaurant Management. Mahilig kasi kaming magbake at magluto ng kung anu-ano. Hehe. Buong umaga ay todo tanong kami sa mga kaklase namin kung gusto ba nilang sumali sa grupo namin. 'Yung iba ag gusto sana kaso busy raw at baka di maka attend ng mga practices kaya pass muna raw. Yung iba naman nakabuo na ng kani-kanilang grupo. Hindi ko akalain na marami pala talaga ang sasali sa contest. Malaki rin daw kasi ang prize na matatanggap rito kaya marami ang nagbabalak na sumali. "Excuse me? Gusto mong sumali sa banda namin?" Tanong ko sa kaklase kong lalaki sa last period ko sa morning session. "Ay! Busy ako sa basketball eh! Gusto ko nga sanang sumali kaso hindi talaga kaya ng schedule ko. Pasensya na Franchesca ah? Next time babawi nalang ako saiyo. Pasensya na talaga. " sabi ng kaklase kong lalaki with matching kamot pa sa ulo na animo'y nahihiyang tumanggi. "Ganoon ba? Sige salamat nalang." sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya bago umalis. Ni isa wala akong napala. huhuhu! Mukhang hindi na matutuloy ang pangarap ko na makatutog at makakanta sa entablo. Nakasimangot kong kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom. Bigat na bigat ang loob ko at parang nawalan ako bigla ng gana sa lahat. Papunta akong canteen nang mag text si Aiza. Nabuhayan ako ng kaunting pag-asa nang makitang may smiley sa huling mensahe niya. Siguro may good news siya. Siguro may nakuha sila ni Reyden. Dali-dali akong pumasok ng canteen at agad siyang hinanap sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa pinakaharap sa table malapit sa bintana. Halos patakbo kong pinuntahan ang table na inuukuoahan niya dahil sa mahkahalong kaba at excitement na nararamdaman ko. "Ano? May pumayag ba? May bagong members na ba tayo?" Tanong ko agad at nagulat naman si Aiza sa pagsulpot ko. "Ano ba Ikay, wag ka ngang manggulat." Inis niua kunyaring sabi pero kita ko ang lungkot sa maga niya. Hindi ko maiwasang hindi rin makaramdam ng lungkot. "Mukhang hindi na tayo makakasali Ikay, N-Next time nalang siguro." pigil ang luha niyang sabi sabay iwas ng tingin. Nag iwas rin ako ng tingin at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. Ramdam ko ulit yung bigat sa loob ko. Mukhang hi di na nga kami makakasali. "Sa susunod nalang tapaga siguro Aiza." sabi ko at hindi naman niya ako nilingon. Halatang umiiyak ang bruha. Tae, pati ako nadadamay sa kaartehan niya. "Sa susunod nalang kung nandito pa ako sa mundong ito." bulong ko. "Ikay! Babe!" Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses ni Reyden. Agad naman siyang natigilan nang makita si Aiza na patuloy paring nag-iiwas ng tingin. "Anong nangyari?" tanong ni Reyden. "Hindi na sigurk kami sasali hehe." sabi ko sa kaniya. Naramdam ko bigla ang pamumuo ng luha ko. "Shh.. It's okay." sabi ni Reyden at sinandal sa dibdib niya si Aiza. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Respeto naman sana sa single sa tabi-tabi oh. Imbes lungkot ang maramdaman ko ay napairap nalang ako sa inis. Mga walang hiyang ito. Sa harap ko pa maglambingan. Pag ako nakahanap ng jowa! "Ikay. Tawag ni Reyden at nilingon ko naman siya. Inabutan niya ako ng panyo at ayaw ko sanang tanggapin kaso hinagis niya papunta sa mukha ko. Bwisit yun ah! "Punasan mo muna mukha mo, para kang multo hahaha." sabi niya at inirapan ko nalang siya. Makalait ah? Gwapong-gwapo?! Psh! "Sasali ako." sabi ni Reyden kaya agad akong lumingon sa kaniya sa narinig, pati si Aiza ay napatitig sa kaniya. A-Anong sabi niya? Hindi ako nagsalita hinihintay na bawiin niya yung sinabi niya pero mukhang seryoso nga ang walang hiya. Matutuwa na sana ako kaso--- "Kulang parin tayo." Sabi ko nang may maalala at napanguso nalang. Wala talagang oag-asa Ikay kaya wag ka nang umasa. Psh. "May kaibigan akong isa, try kong tanungin siya mamaya. Di ko nakasalubong kanina eh." Sabi niya sabay kabit sa batok. "Si Nixon?!" Hindi ko napigilan ang bibig ko. Agad na kumunot ang noo ni Reyden sa tanong ko saka natawa. "Nope, si Kyle ang ibig kong sabihin." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng ilang sa titig niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Akala ko naman si Nixon eh. Pero pwede kaya siya? "Si Nixon? Hmm.. 98% sure na hindi iyon papayag. But may 2% pa naman, malay natin pumayag." Sabi ni Reyden at tumawa ng malakas. 2%? Anak ng tokneneng! Sobrang liit naman yata ng tyansa na pumayag ang taong iyon? Bakit naman 2% lang? "Ako bahala!" Sabi ko bigla at sabay naman na napalingon ang dalawa sa akin. "Ikay, hindi agad paoayag yun."sabi ni Reyden na halatang naguguluhan kung matatawa ba o babalaan ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinukbit ang bag sa balikat. "Papayag yun." malakas ang loob na usal ko. "Papapayagin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD