"Kontrolado?" Taka kong tanong kay Diwata Ching at hindi ko naman maipaliwanag ang kabang idinulot nun sa akin. A-Ano ang ibig niyang sabihin?
"Oo kontrolado." at tumawa siya bigla na parang isang mangkukulam. Kitang-kita ko pa ang ngala-ngala niya mula rito sa kinauupuan ko. Kontrolado? Paanong kontrolado? "Lahat ng nakikita mo rito pati ang sarili mo ay kontrolado ng librong ito." sabi niya at biglang lumitaw sa kamay niya 'yung libro na hawak ko?
Hala! Paano napunta sa kamay niya 'yun?
Dali-dali kong tinignan ang libro sa kamay ko at nawala nga ito bigla. Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagkawala nito.
Kanina hawak ko lang iyon. Pero ngayon hawak na niya. Wow magic...
"So ngayon, ano na ang tanong mo?" Tanong niya sa akin at sumandal pa sa upuan habang nakapandekwatro.
Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. "Psh! Ano pang itatanong ko Diwata Ching! Kung sinabi mo na lahat!" Inis kong sabi sa kanya. Sarap sabunutan, kung kailan naubos na ang tanong ko.
"Pabayaan mo na ako. Minsan na nga ang ako umepal sa kwento mo eh!" Sabi niya pa. Nasa libro rin kaya itong pag-epal ng diwatang ito? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napangiwi nalang.
"Seriously?! Hindi ka ba naiinitan? Itali mo nga yang buhok mo para naman makita ko yang pagmu-mukha mo. Para kung malaman kong scam itong nangyayari sa buhay ko I papa-blotter kita agad." Sabi ko pa at hahawakan sana ang buhok niya para hawiin ito at makita ang mukha niya pero nagulat ako nang tampalin niya ng malakas ang kamay ko dahilan para mailayo ko ito agad.
Palihim akong napapikit sa sakit dahil sa bigat ng kamay niya.
Walang hiyang diwata to ah?! Tinignan ko ang kamay ko at namumula na ito sa sakit at hapdi. Putek.
"'Wag na h'wag mong hahawakan ang buhok ko. Pag nakita mo ang mukha ko, masisira ang mundong kinatatayuan mo." Sabi niya na sa malalim na tono.
"Taray, rhyme ah?" puri ko sa kaniya at mayabang naman siyang napailing. Pero gusto ko talaga makita ang mukha niya. Mamaya prank lang pala ito lahat.
"Of course." sabi niya saka hinagod ang mahaba at maitim niyang buhok. Ang ganda ng buhok niya. Halatang rebonded. "Tsaka Ikay, binabalaan kita. Kailangan nasayo parati yang libro, bantayan mong maigi dahil pag dumating ang araw na nawala 'yan sayo---"
"Ikay!" Mabilis akong napalingon kay Aiza na tumatakbo papalapit sa akin. Problema ng babaeng ito?
Nilingon ko muli si Diwata Ching--
"Eh White lady si Aiza, totoo ba---" Hala! Nasaan na si Diwata Ching? Bakit biglang nawala?
Agad kong sinilip ang ilalim ng mesa pero wala siya doon. Nilingon ko ang piligid pero hindi ko na siya makita pa. Omo! Nasaan na iyon?!
"Gosh Ikay! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap ha? Buti at nakasalubong ko si Dean at sinabing lumabas ka na daw ng clinic. Tsk! Halos mahalughog ko na ang buong campus sa paghahanap sa'yo." Sabi n'ya na hingal na hingal pa.Tagaktak ang pawis at halos humiga na sa pagkakaupo.
Asan na kaya ang white lady na yun? Tsaka ano 'yung sabi niya? Ingatan ko daw ang libro at wag pabayaang mawala? Bakit raw? Anong mangyayari? Waaaa! Pabitin naman masyado eh.
Tsk! Si Aiza naman kasi, masyadong epal!
"Franchesca Yhanna Isabella Mandadaro! Are you listening?" Nagulat ako sa sigaw ni Aiza. Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo. My Gosh! Binanggit niya ang full name ko!
Kaunti nalang talaga at mapapatay ko na ang babaeng ito.
"Inaano ba kita?!" inis na tanong ko sa kaniya.
"Psh! Hindi ka kasi nakikinig sa akin." Sabi niya pa at sinamaan ako ng tingin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Nakikinig ako." walang gana kong sabi sabay irap sa kawalan.
"Kung nakikinig ka, anong sinabi ko aber?" muling kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Sinusubukan niya ba ako?
"Sabi mo, kanina mo pa ako hinahanap."
"Then? Gusto ko kompleto Ikay, I'm serious!" Sabi niya habang masama parin ang titig na ipinupukol sa akin.
Bumuntong hininga ako at ginantihan siya ng masasamang titig.
"Gosh Ikay! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap ha? Buti at nakasalubong ko si Dean at sinabing lumabas ka na daw ng clinic. Tsk! Halos mahalughog ko na ang buong campus sa paghahanap sa'yo." panggagaya ko sa boses niya kanina. "Oh? Okay na? Baka gusto mo with action pa?" Sabi ko at tatayo na sana upang gayahin yung ginawa niya kanina ngunit pinigilan niya ako.
"Tch! Forget about it." Napairap siya kaya hindi ko nalang siya pinansin at muling inilibot ang paningin, umaasang makikita sa Diwata Ching sa mga sulok-sulok. Pero wala talaga. Ang bilis naman makaalis. "---I saw you talking here kanina. Mag-isa at walang kasama. Yung totoo Ikay, drug addict ka ba?"
Dahil sa inis ay agad kong hinila ang buhok niya dahilan upang halos masubsob ang mukha niya sa mesa.
"Hey! Sobra ka na ah!" Sigaw niya sa akin at maarteng inayos ang buhok.
"Kanina pa ako gigil na gigil sa'yo Aiza. Mukha ba akong adik ha?!" inis kong sigaw. Syempre kailangan kog ipagtanggol ang karangalan at dignidad ko bilang simpleng mamamayang Pilipino, charrot.
"A lil bit." sabi niya kaya inis ko siyang pinanlakihan ng mata. Maya-maya ay bumulalas siya ng tawa. "Nagbibiro lang. Pero seryoso, bakit ka nagsasalita mag-isa?"
"M-May kausap kaya ako.." nakanguso kong sabi at muli na naman siyang natawa.
"Wala akong makitang kausap mo Ikay. Can't you see kanina? Pinagtitinginan ka na nung mga estudyante." sabi niya pa kaya taka akong napaisip.
"A-Anong wala. M-May kausap nga ako, si Diwata Ching. Yung matabang white lady na nagpasok sa akin sa mundong ito." paliwanag ko pero tinawanan lang ako ng walanghiya.
"Ikay, dalhin na ba kita sa bilibid o gusto mong magpa drug test muna?"
"Ano?!" sigaw ko. A-Ano bang pinagsasabi niya. H-Hindi ba nila nakikita si Diwata Ching? Omg! Hindi kaya ako langang nakakakita sa white lady na iyon?
Napalunok ako ng sunod-sunod dahil ayun na naman ang matinding kaba na bumalot sa buong sistema ko. Pakiramdam ko nakakatakot itong mundong pinasok ko. Idagdag nyo pa yung sinabi ni Diwata Ching na kontrolado daw ng libro ang lahat p-pati sarili ko.
A-Anong mangyayari?
"Oo nga pala, pinuntahan ka ba ni Hans kanina dun sa clinic?" napalingon ako kay Aiza nang magsalita siya. Nakita kong sinisipsip na niya yung juice na binili ko na kanina lang ay ininuman ni Diwata Ching. "Hoy!" nabalik ako sa ulirat at napatingin sa kaniya.
"A-Anong sabi mo?" tanong ko at napailing naman siya.
"Pinuntahan ka ba kako ni Hans kanina sa clinic?" tanong niya muli sa akin.
"Hans? Sino yan?" taka kong tanong at mas nagtaka naman siha sa akin.
"Ikay, kanina nagbibiro lang ako sa pagtatanong kung nagd-drugs ka ba pero ngayon seryoso na talaga, ano bang hinithit mo? Ang weird mo sobra! Lagi ka pang tulala at nagsasalita mag-isa." nagdududa niyang sabi at tinitigan pa ako ng maigi.
Hindi naman ako nakasagot at aalinlangang magsalita. Sabihin ko kaya sa kaniya na napasok lang ako sa mundong ito? Sabihin ko kaya sa kaniya na peke lang ang mundong ito?
Eh, ang tanong maniniwala kaya siya? Baka mas lalo lang niya akong pagbintangang drug addict sa sasabihin ko eh. Jusko! Anong gagawin ko.
Magsasalita pa lang sana ako nang biglang magkaingay sa canteen. Nasa pinto ang lahat ng atensyon at kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko makota kung sino ang pinagkakaguluhan nila.
May artista ba?
Maya-maya lang ay humawi ang kumpulan at nakikita ko na ngayon ang pinagkakaguluhan nila. Tatlong lalaking naka topless, nakasabit pa sa mga balikat nito ang pang-itaas na jersey.
Teka? Si Reyden at Nixon yun ah?!
Nanlaki ang mata ko nang bumaba ang tingin ko sa mga tyan nila. Sunod-sunod akong napalunom at pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko sa aking nakikita. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang maglakad ang tatlo papalapit sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at napatakip sa mata.
Omg! Ang birhen kong mga mata! Wala naaaa!
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Bakit ganito? Dati ay hindi naman ako nagpapantasya sa mga abs at magagandang katawan. Okay nga lang sakin kahit malaki ang tyan eh at may tatlong layer ng bibil pero ngayon waaa! Bakit nakakaakit sila. B-Bakit m-mas lalong gumwapo sa paningin ko si Nixon?
Tangkang sisilip na naman sana ulit ako sa direksyon nila nang biglang may humawak sa kamay kong nakatakip sa mukha ko.
"Hi Franchesca!" halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang agad na bumungad sa akin ang pawisan at napakagandang katawan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nanlaki ang mata nang makita ang isang lalaking medyo pamilyar sa akin. P-Parang nakita ko na siga sa real world.
"Franchesca?" Nabalik lang ulit ako sa ulirat nang marinig ko ang pangalan kong binanggit ng lalaking kaharap ko ngayon. Napakurap pa ako ng ilang beses at napapalunok na nag-iwas ng tingin.
Jusko! Ano bang nangyayari?!
"I just wanna say sorry for what happened earlier. I didn't mean it. Sorry talaga." Sabi niya at natigilan naman ako bigla.
S-Siya ang nakatama ng bola sa akin? K-Kung ganoon? Hindi nga talaga si Nixon yun?
Nilingon ko siya at nagtama naman ang titig namin. Sinserong ang itsura niya at mababakas sa mata niya na hindi bukal sa loob niya ang hinihinging tawad. napatitig naman ako sa mukha niya.
Buong buhay ko, ngayon lang ako nakatitig ng ganito kalapait sa isang gwapong nilalang. Grabe-grabeng biyaya na talaga ito. Ngayon lang din may humingi ng tawad sa akin na ganito ka taos puso. Dati kasi sa akin lahat ng sisi porket pangit, lagi nalang mali. Well, that's life. Pag pangit ka.. Puro mali nakikita nila. Mukha na kasi ang basehan ngayon pag mabait ka.
Napatitig akong muli sa lalaking nasa harap ko. Hinihintay niya ang sasabihin ko. "Appology not accepted. I'm sorry." sabi ko at narinig ko naman ang pagsinghap ng iilan sa paligid. Pati ang pagsinghap ni Aiza ay rinig na rinig ko, sa laki ba naman ng bibig ng babaeng ito.
Syempre, kailangan kong magpakipot. Walang magkakapigil sa desisyon ko. Gusto ko lang din naman maramdaman ng iba na pahirapan muna bago mapatawad. Ganyan kasi ang pinagdaanan ko. Hindi naman sa naghihiganti, gusto ko lang maging patas. Kung si Nixon sana yung may kasalanan, pinatawad ko na sana, charrot lang hahah.
Maarte akong inayos ang mga gamit ko at ipinakota talagang wala ako sa mood. Busangot ang mukha at salubong ang kilay. Balakayodyan. Napairap pa akong muli at aalis na sana mula sa pagkakaupo nang biglang matalisod ako sa kinauupuan ko.
Halos masubsob ako sa lupa pero gayon nalang ang gulat ko nang may sumalo sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita kong sino ito.
Nixon..
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Mas nakadagdag pa sa kaba ko nang lumapat ang balat ng tyan siya sa braso ko. Ramdam na ramdam ko doon ang matitigas niyang pandesal. Parang gusto kong magkape bigla.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito sa matinding kabang naramdaman.