Pagmulat ko ng mata ko ay agad na bumungad sa akin ang pagmumukha ni Aiza.
"Ikay? Are you okay?" Tanong niya ng may nag-aalalang tono.
"A-anong nangyari?" Tanong ko at sinubukang tumayo kaso nahilo ako bigla kaya napahiga ako ulit.
Ang sakit ng ulo ko leche!
"Wag ka munang tumayo. Just take a rest." Sabi niya sa akin at tinulungan akong mahiga ng maayos.
"Aiza, anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya habang nililibot ang paningin sa isang maliit na silid.
Wala akong maalala.
"Natamaan ka ng bola." sabi niya at nanlaki naman ang mata ko sa narinig.
"H-ha? Paano?" Gulat kong tanong sa kaniya.
"I don't know. Nakita nalang kitang buhat-buhat ni Nixon papuntang clinic." Nag aalala niyang sabi at napakagat pa sa kuko.
"N-Nixon?" Gulat kong tanong at para akong nabuhayan bigla nang marinig ang pangalan niya.
"Oo" sagot niya. "Tsaka wag ka munang masyadong masalita okay? Magpahinga ka muna." maarte nitong dagdag.
B-Binuhat ako ni Nixon? B-Binuhat niya ako papuntang clinic? Omg! Dapat pala hindi ako nawalan ng malay. Sayang 'yong pagkakataong iyon.
Pero teka? Nasaan yung libro?
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at tiningnan doon ang libro pero wala. Hindi ko makita. Jusko!
Hawak ko lang 'yun eh! Nasaan na 'yun?
Hinalughog ko ang mga gamit ko sa loob at inlabas na ang lahat na pwedeng ilabas pero wala. Hindi ko talaga makita. Nasaan na yun? Hindi iyon pwedeng mawala.
"Anong hinahanap mo Franchesca?" Tanong ni Aiza sa akin kaya nilingon ko siya.
"Yung libro. Nakita mo ba 'yung libro ko?" Tanong ko sa kaniya pero kumunog lang ang noo niya.
Aish! Nasaan na yun?!
Binuksan ko ang lalagyan ko ng pulbo at hinanap doon yung libro kaso wala. Tinignan ko na rin ang lalagyan ko ng tubig pero wala parin. Tinanggalan ko ng battery at sim card yung cellphone ko kaso wala talaga. Tatanggalin ko na rin sana yung SD card kaso na realize kong ang imposible naman kung nandoon ito.
Halos mangiyak-ngiyak na akong inisa-isa ang mga gamit ko sa bag kaso hindi ko talaga makita yung libro.
"Seriously Ikay? Libro ba talaga ang hinahanap mo?" taka niyang tanong pero hindi ko siya pinansin. Abala akong inisa-isa ang bawat pahina ng mga notebook ko. "Ghad! You're crazy." inis nitong sabi at bumalik sa kinauupuan niya kanina.
"Ito ba?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Reyden sa isang sulok. Hindi ko namalayang nandito pala siya o baka kakapasok lang niya, hindi ko lang napansin kanina.
Halos talunin ko na ang kama papunta sa kaniya nang makitang hawak niya yung libro. Agad ko itong hinablot sa kamay niya. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik nang makita ito. Nabura bigla yung pag-aalala at tataranta na naramdaman ko kanina. Halos himatayin ako sa kaba
"Salamat." Bulalas ko habang yakap ang libro.
Bakit ang tindi ng kabang naramdaman ko nang mawala ito?
"Yan ang hinahanap mo? Tch! Ano ba 'yan at parang mas inaalala mo pa yan sa lagay mo huh?" Naiinis na sabi ni Aiza sa akin at inirapan na naman ako.
Ang sarap talagang sabunutan ng bruhang ito, kanina pa mainit ang ulo. Inaano ko ba siya? Amp.
"A-ano.. Importante kasi ito sa akin." Paliwanag ko sa kaniya at hindi naman siya sumagot.
Muli kong tinignan ang libro sa kamay ko at nagpakawala ng mabugat na buntong-hininga. Naglakad ako pabalik sa kama at dali-daling binuksan yung libro.
Excited na akong malaman ang susunod na mangyayari. Malakas ang kutob kong si Nixon talaga ang nakatadhana sa akin. Omg! Iniisip ko palang kinikilig na ako.
"Ikay, we have to go. May klase pa kami. Huwag ka munang pumasok. You need a rest." Sabi niya at tumango lang ako bilang tugon dahil tutok sa libro ang atensyon ko.
Narinig ko nalang na sumara ang pinto, senyales na nakaalis na sila.
Ay hala! Nabura na yung scene kanina! Ang daya naman. Napanguso ako nang makitang blanko na yung pahina kanina. Hindi ko man lanv nalaman kung sino ang nakatama ng bola sa akin. Excited lang? Kailangan talaga pag nabasa ko na mabubura bigla? Ay, baka bawal siguro magbackread.
Napangiwi nalang ako sa kaartehan nitong libro na hawak ko.
Pero kahit naman hindi ko alam kung sino ang nakatama ng bola sa akin, malakas naman ang kutob kong si Nixon iyon. Syempre ganoon ang mga nangyayari sa mga palabas diba? From enemies to friends, so expected na magagalit-galitan ako kunyari pag nag-sorry siya sa nagawa niya, dapat hindi ko tanggapin. Dapat pa hard to get muna ako. Tama! Tama!
Habang iniisip ko ang mga sasabihin ko pag nag-sorry si Nixon ay narinig ko bigla ang pagkalam ng sikmura ko.
Agad kong nilingon ang side table ko at ganoon nalang ang panlulumo ko nang makitang wala man lang pagkain na nakapatong rito.
Seriously Aiza? Alalang-alala ka kanina sa kalagayan ko pero hindi man lang nag-abalang mag-iwan ng pagkain sa akin rito?! Nasaan ang pagiging patas doon?
Inis akong napahalukipkip at masama ang titig sa mesang nasa gilid ko. Ugh! Mamaya ka talaga sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid, umaasang may lumitaw man lang na tinapay sa tabi-tabi pero wala talaga. Napanguso ako at napalingong muli sa side table.
Kumunot ang noo ko nang makitang kurtina lang pala ang nakatakip sa silid na tinutukoy ko. Umusog ako sa kama at agad na hinawi ang kurtina sa gilid ko. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makitang may estudyantemg nakahiga sa kabilang kama. Nakatalukbong ito ng kumot na animo'y nilalamig na.
Letche akala ko solong-solo ko ang silid may iba palang nakaukupa sa gilid. Aalis na sana ako mula sa pagkakasilip sa kabila nang mapansin ko bigla ang side table niya.
Nakita kong may mga prutas na nakapatong rito at hindi ko na naman maiwasang kumalam ang sikmura ko. Agad akong natakam nang makita ang ubas na paborito ko.
Muli kong tinitigan yung estudyanteng nakatalukbong at ibinalik sa mesa niyang punong-puno ng prutas ang paningin ko. Napalunok ako.
Hindi naman siguro masamang kumuha ng isa diba? Isang ubas lang naman eh. Hindi namna siguro niya mahahalat iyon tsaka isa pa ang dami-dami kaya niyang pagkain. Mahal na mahal sigiro siya ng mga kaibigan niya. Hindi katulad ko na wala mab labg nagmalasakit. Nakakagigil talaga.
Agad kong inilibot ang paningin ko sa buong silid at nang mapagtantong walang tao ay agad akong umusog sa pinakadulo ng kama ko. Iniunat ko ang kamay ko sa table ng kabilang pasyente. Umusog muli ako dahil hindi ko parin ito maabot.
Konti nalang Ikay. Kaya mo yan! Cheer ko sa sarili ko.
Umusog pa ako ng konti at mas iniunat pa ang kamay dahil kaunti nalang at maabot ko na ito---
"What are you doing?"
Agad akong napasubsob sa sahig nang may magsalita sa likod ko. Agad akong napahawak sa balakang ko dahil sa sakit ng pagkakahulog ko sa kama.
Bwisit!
Inis akong tumayo para tignan ang walang hiyang iyon na sumira sa plano ko ngunit agad akong natigilan nang makita kung sino ito.
Bumilis ang t***k ng puso ko at ayun na naman ang nagkakabuhol-buhol na bituka ko. Titig na titig siya sa akin dahilan upang hindi ako makagalaw agad. Pakiramdam ko ay nakatahi sa lupa ang mga paa ko nang sandaling iyon.
Ngunit mas lumamang bigla ang hiyang naramdaman ko nang maalala ko ang naabutan niyang ginagawa ko. Shete.
"What the hell are you doing?" kunot-noo niyang tanong at napayuko nalang ako. Ramdam na ramdam ko ang kahihiyan sa loob loob ko. Baka maturn off siya sa akin. Baka isipin niyang magnanakaw ako ng pagkain.
"H-Hindi naman siguro masama kung manghingi ako sa kabila diba?" tanong sa kaniya at naiilang naman akong napatitig.
"Nanghingi ka ba talaga?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko
"O-Oo naman! A-Anong tingin mo sa akin? M-Magnanakaw?" sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Nakahinga ako nang maluwag nang tanggalin na nya ang masasamang titig sa akin. Naglakad siya papalapit sa side table ko saka inilapag roon ang isang paper bag.
Dali-dali ko namang sinilip kung ano ang laman nito at ganoon nalang ang tuwa ko nang makitang mga pagkain ito.
"Salamat!" tuwang usal ko sa isa-isang inilabas ang laman ng paper bag. Ang daming prutas waaa!
"About what happend.." seryosong sabi niya at hindi ko siya nilingon kasi busy ako sa pag kain ng saging.
"Okay lang pinapatawad na kita." Sabi ko at ngumisi ng pagkalaki-laki sa kaniya. Teka? Akala ko ba ay magpapakipot muna ako? Next time na nga lang. Baka pag nagpakipot ako bawiin niya bigla itong pagkain.
"It's not my fault." Medyo inis niyang sabi kaya taka ko siyang nilingon.
"Ay sus, wag ka nang magdeny. Di naman ako galit eh. Basta pinapatawad na kita." sabi ko.
"I told you it's not my fault." Seryosong sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Kung hindi ikaw? Eh sino?" Grabe to si Nixon, dinedeny pa talaga. Pinapatawad na nga eh. Ayaw niya nun? Ay baka gusto niya magalit ako.
"Si Captain." sabi niya bigla kaya muli akong natigilan. Halos bumulalas ako ng tawa sa narinig.
"Jusko Nixon. Ang dami mong pwedeng pagbintangan na mas kahina-hinala, talagang kapitan pa. Ano yan? Kapitan ng barko? Eroplano? O kapitan ng baranggay?" tanong ko at tumawa na naman ng malakas.
Grabeh, LT itong si Nixon. Di ako na inform na joker pala siya. Akala ko seryosong tao talaga. May tinatago rin palang topak sa katawan.
"I'm not kidding." animoy nauubusan ng pasensyang aniya.
"Nagbibiro ka!" Sabi ko sabay kagat nung saging at nginuya ito ng maigi habang nakatingin sa kaniya. Ninanamnam ang bawat lunok. Charrot! "Alam mo, medyo waley talaga yung joke mo. Pero dahil supportive ako tinawanan ko na. Alam ko kasi yung feeling na walang tumatawa sa joke. Ayokong ma feel mo iyon." sabi ko at tinapik pa ang braso niya.
"You're crazy." iiling-iling niyang sabi at agad na lumabas ng clinic. Ang highblood naman ng taong iyon. Dapat pala sinabayan ko nalang yung joke niya. Aba malay ko ba kasing joke siya. Tch. Hindi ko nalang iyon pinansin pa at itinutok nalang ang atesyon sa pagkain.
Halos hindi na ako makagalaw pa dahil sa sobrang kabusugan. Sinubukan kong tumayo at umalis ng kama. Hawak-hawak ko ang tiyan kong sinilip ang pinto pero wala akong nakitang nurse sa labas ng silid.
Bakit walang nakabatay rito sa clinic? Tch.
Kinuha ko ang bag ko sa table at nagtungo na palabas ng clinic. Ngunut kakalabas ko palang nang may makasalubong akong matanda. Nakasuot ito puting polo at itim na khaki pants.
Teka?!
"Lolo?!" gulat na sigaw ko at halos lumuwa ang mata ko sa gulat.
A-Anong ginagawa ni Lolo rito sa school? Bakit ganyan ang suot niya?
"Are you now okay apo?" Tanong niya at napaatras naman ako sa gulat.
Hala! Ba't nag eenglish?
"Lolo ikaw ba talaga yan?"
"Hahaha oo ako ito apo. Bumata ba?" tanong niya at humalakhak nang hindi ako sumagot. "Ayos ka na ba?" tanong niya pa at wala sa sariling akong tumango.
"Good afternoon po Dean." bati ng isang estudyante kay Lolo at nginitian naman ito ni Lolo. Sinundan ko ng tingin yung babae paalis at muling nilingon si Lolo.
"Kailan pa po naging Dean ang pangalan nyo lolo? Diba Fernando po name nyo?" taka kong tanong. Hindi kaya pinalitan ni Lolo ang name niya? "Tsaka bakit ka nila binabati lolo? Nag-apply kang janitor dito?" tanong ko sabay titig sa kabuuan ni lolo.
Ganito pala ang uniporme dito sa fictional world pag janitor? Taray ah. Magkano kaya sweldo?
"Naalog yata ang utak mo doon sa bola apo." tumatawang aniya kaya mas lalo akong naguluhan.
"Good afternoon po, Dean!" bati ng grupo ng mga babae na napadaan.
Bakit ba puro sila Dean?
Omg! Hindi kaya---
"Ikaw ang Dean dito sa school, Lolo?!" pasigaw kong tanong.
"Palabiro ka parin talaga. Oh, siya. Okay ka na naman. Aalis na ako. May meeting pa kami mamaya sa conference room. Pag may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa opisina." sabi niya at tinapik ang balikat ko bago nakapamulsang umalis.
Naiwan akong nakanganga at sinusundan siya ng tingin.
Apo ako ng Dean? For real?!
Pagkaalis ni Lolo ay dumerecho agad ako ng canteen. Nauuhaw ako bigla eh! Sa dami ba naman ng kinain ko. Walangyang gwapong Nixon na yun! Hindi man lang ako dinalhan ng maiinom. Buti nalang at malapit lang sa clinic ang canteen.
Ang totoo hindi naman na ako papasok sa mga next subjects ko. Hindi ko nga alam kung saan ang next subject ko eh! Aba malay ko ba eh bagong salta lang ako sa mundong ito. Ang dami ko ngang nalaman na hindi kapani-paniwala. Grabeh, sobra-sobrang biyaya na talaga ito.
Habang nakaupo at iniinom yung juice na libre raw sabi ni Ateng na nagtitinda--
Oo libre. Sabi ko pa naman babayaran ko kaso pagagalitan daw sila. Hala! Mas pagagalitan kaya sila pag hindi ko babayaran. Tsk! Parang timang lang noh?
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang libre. Minsan nalang kasi ang libre sa mundo kaya hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon.
So ayun nga , habang umiinom ng juice. Binasa ko ulit 'yung libro. Nagtataka talaga ako eh! Imposible namang hindi si Nixon 'yun. Baka sasabihin sa mga susunod na chapters.
Habang nagbabasa ay biglang may lumitaw sa tabi ko. Halos mahulog pa ako sa kinauupuan mabuti nalang at nakabalanse ako
"White lady?!" pasigaw na usal ko at napalingon naman sa akin ang iilan. Napapahiya akong nag peace sign sa kanila pero nginitian lang nila ako na para bang araw-araw na nila akong naririnig na ganoon. "White lady! Buti nagpakita ka na! Ang dami kong kailangang itanong sayo eh!" parang bata kong sabi at napalingon na naman sila sa akin. Siguro katulad ko ay ngayon lang din sila nakakita ng matabang whitelady.
"Tsk! Tsk! Mukhang feel na feel mo na ang mga nangyayari Ikay ah?" Sabi ni white lady with matching pailing-iling pa sabay sipsip pa sa juice ko.
"Mas feeling ka!" sabi ko sabay kuha nung juice ko at pinunasan iyong baso gamit ang kamay ko. Kadiri naman ang white lady na to.
"So, kumusta ka naman dito sa mundong pangarap mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Oo nga white lady gusto ko sanang---"
"Shhhh!!!" Sita niya sa akin dahilan para matigil ako sa pagsasalita. Tumahimik naman ako.
"Pero wag kang kampante Ikay. Binabalaan kita." Sabi niya sa akin sa nananakot na tono.
"Eh white lady, magtatanong lang sana ako kung---"
"Shhhh!" Sita na naman niya sa akin kaya natigil na naman ako sa pagsasalita.
"Unang-una. Hindi ako white lady." Sabi niya at inilingan ako.
"Eh? Ano ka? Black lady na nakaputi? Ganern?" Sarcastic kong sabi. Psh! Lolokohin pa ako. May black lady bang naka white huh?
"Hindi! Hindi ako white lady, black lady, girl scout at kung anu-ano pa.. Ako si Diwata Ching." sabi niya.
Eh? Diwata Ching? Taba taba Ching-ching?
"--at nandito ka sa mundo ko. Ang Fictional World. Ang mundong pangarap ng lahat. Ang mundong pinapangarap mo." Sabi niya at napanganga nalang ako.
"Eh ang libro. Bakit--"
"Lahat ng bagay na nandito..." sabi nya at tinuro ang mga estudyante. "--eto.." at tinuro ang mga puno sa labas ng canteen. "At ikaw... ay kontrolado ng libro."