Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kaya napasimangot nalang ako. Arte! "Ibuka mo na yang bibig mo, Kung ayaw mong isaksak ko 'to sa baga mo." Banta ko at tinapunan na naman niya ulit ako ng masamang tingin bago kinagat ang fried egg na hawak ko. Psh! Kakain din pala pa choosy pa eh. Pero yiee~ kinikilig ako! Hahaha! Ang shweet kashi nemen eh.. Pere kemeng couple in the street. Eating while driving. Enebe. Nakita ko na sumama ang mukha niya habang nginunguya yung fried egg at bigla nalang pumreno. Halos maob-ob na ako sa harap ng kotse dahil sa lakas ng pagpreno niya. Nataranta naman ako bigla at mabilis na napatingin sa harap ng daan. Omg! May nabangga ba siya? Dali-dalu akong sumilip pero wala nama akong nakita. Taka ko ulit na tinignan si Nixon na pulang-pula na ang mukha. Hala!

