Tatlong araw na kaming hindi nagpapansinan ni Aiza. Kahit tatlong araw lang iyon, parang hindi ko na kaya. Nagui-guilty na talaga ako. Feeling ko, kasalan ko talaga eh. Kasalanan ko ba talaga? Kung hindi ko kaya inilihim. Hindi siguro ganito ang magyayari? Hayy.. Gusto kong mag sorry sa kanya kaso, hindi naman ako makalapit. Nahihiya ako. Natatakot ako. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.Ilang araw na din akong walang kasama. Namimiss ko na talaga si Aiza. Sunod-sunod ang naging pag buntong hininga ko. "Good morning students." Bati ni Leslie na SC President nang makaakyat ito sa stage. "Today, I have a very special announcement to all of you." Sabi niya nang may ngiti sa labi. Nandito kami ngayon sa gym, nagpatawag daw ng pagtitipon si lolo dahil may importante raw na activity

