~(CHANTAL LANE SY POV) Pumunta na rin ako sa office ni Ram after lunch time. Poker faced ito. "You're always late, always inattentive sa lahat ng meetings, ni wala kang matinong design ng swimwear. What's wrong with you?" "I'm working on it. I'm sorry—" "Stop saying sorry if you don't mean it, Chantal." Para akong tinutusok sa talim ng tingin nito. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi ikaw ang may-ari ng kompanyang 'to para pumasok ka sa oras na gusto mo. Isa pa, don't make your sickness as an excuse para hindi mo gawin nang maayos ang trabaho mo." Noong una, our 'friendship' as an excuse. Now, it was all about my sickness naman. Hindi ko alam kung bakit somehow nasaktan ako. Alam kong hindi ako ang may-ari ng building na ito at lalong alam ko na hindi ko ginagamit as an excuse a

