~(CHANTAL LANE SY POV) "Ma'am..." Pabulong na anito na halos umalimuyak sa buong mukha ko ang hininga niya. "Say it out loud, wala namang makakarinig sa'yo." Sabi ko at bagot na bagot na umupo sa swivel chair ko. "Food trip tayo." Muling anito na tila isang kawatan. "Alas-otso pa lang ng umaga, Lyn. Kapapasok mo lang." Yumukod ito sa ilalamim ng table ko. Isang katutak na paper bags ang hinakot niya mula sa ilalim at dinala sa ibabaw ng table ko. Galing iyon sa iba't ibang fast food restaurants. "Ano, Ma'am, ayaw niyo talaga? Nasa meeting pa naman si Mr. Enriquez." She wiggled her eyebrows. "Sira ka talaga." Natatawang sabi ko at kinuha ang mga gamit ko sa pagguhit. "Sige na kumain kana, tatapusin ko lang ang isang 'to." Habang kumakain ay nagsasalita ito. "Ma'am, hindi sa pagigin

