ANDROMEDA "Okay na ba siya?" Tumango si Iron. "Oo, mamaya lang at magigising din siya." "Wala ka bang pinagsabihan ng tungkol dito?" tanong ko. "Sinabi ko sa agency na nakatakas siya at ngayon ay nasa Most Wanted list na siya. Hindi rin naman nila ako pinagdudahan dahil maging ako ay sinaktan niya." Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto ng sasakyan ko. Nasa teritoryo ako ni Iron Haynes, ang nobya ni Artery. Medyo tinanghali ako ng punta dahil tumakas pa ako ng hospital kung saan ako ginamot. Sa ngayon ay binigyan muna nila ako ng painkiller para hindi ko maramdaman ang sakit sa paa, hindi pa kasi alam ng mga doktor kung ano ang nangyari sa paa ko at kung ano ang pwede nilang magawa para maibalik ito sa dati. At tungkol naman sa mga sugat na nata

