ANDROMEDA Nagulat ako sa sinabi niya. What the hell. Totoo ba ang narinig ko? Dahil napaisip ako, sinamantala niya ang oras at kinuha niya ang test tube na nasa kamay ko at pinalo 'yon sa braso ko. "Awww!" Tinulak niya ako kaya napaupo ako at hindi nakagalaw dahil sa dumudugong braso ko. Kahit naman may suot akong damit, hindi pa rin no'n napigilan ang bubog na nakapagpadugo sakin. Pumunta siya sa may mic at nagsalita. Pinilit kong makatayo para mapigilan siya sa sasabihin niya. "Kailangan ko ng tulong dito sa kwarto ni Iron Haynes. Nakawala si Andromeda Crealle---" bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin ay nagbasag ako ng isang laboratory apparatus sa likod niya at siya naman ang nanghina. "Bwisit!" at nang mapaluhod siya, nagdasal muna ako sa marami

