3RD PERSON POV Patuloy lang sa pagtulo ang luha ni Andromeda. Nakatulala siya at tikom ang bibig. Nakasandal na ang kanyang katawan sa pader ng cubicle, walang pakialam kung nababasa na ang kanyang suot na damit dahil sa luha. "Crealle! Crealle! Lumabas ka na dyan! Crealle!" sigaw ni Neon mula sa labas ng CR. Wala siyang magawa. Hindi siya makapasok dahil lugar 'yon ng mga babae. Hindi humahagulgol si Ada kaya hindi marinig ni Neon kung umiiyak na siya. At ang ikinaiinis ng huli, wala siyang marinig na ingay---kahit anong ingay na magagawa ni Ada sa loob. "What the hell, Crealle! Lumabas ka na dyan! If you don't get out in a minute, papasok ako dyan!" banta ni Neon. Ano bang meron sa babaeng 'yon?! "Crealle! Crealle! Crealle, ano ba?!" may tatlong

