ANDROMEDA Naupo ako at tinignan ang mga pagkain sa lamesa. May nilalagay pa ang mga waiter na mga putahe kaya hindi pa kami nagsisimulang kumain. "They prepared all of these just for you, Crealle." bulong ni Neon sa gilid ko habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain na hindi pamilyar sa akin. Hula ko nga, lahat ng pagkaing ito ay putahe ng ibang bansa. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Neon at pinanood ko kung paano lumabas ang wine mula sa bote nito patungo sa wine glass ni Neon na sinasalin ng waiter na nasa gilid ko. "Enjoy the food, sir." Nang matapos na malagyan lahat ng wine glass ng wine, tsaka nagsalita ang babae na nasa dulo. "Shall we eat?" Tumango ang iba pang nasa mesa at naglagay sila ng napkin sa kanilang lap. Ngayon medyo pinagsisisihan ko nang hindi ako na

