ANDROMEDA "May gusto ka pa?" ani Sulphur habang may hawak hawak na cellphone. "Tss." si Neon. Tinignan ko ang lahat ng nasa ibabaw ng mesa bago ako ngumiti kay Sulphur at Aluminum. "Feeling ko okay na 'tong mga 'to. Salamat!" Kumuha ako ng kutsara at tinidor at nagsimulang kumain. "Kayo, wala ba kayong bibilhin?" "Hindi na, kami na lang ang uubos ng mga 'yan. For sure naman hindi mo 'yan lahat kakainin---" wika ni Sulphur na pinahinto ni Neon. "Wow, buti naman at naisip mo pa kami?" Tinitigan ko siya ng masama. "Lumayas ka nga dito! Nawawalan ako ng gana dahil sa mukha mo!" "Ows? Edi mas maganda para naman makakain na rin kami." inikutan ko siya ng mata at nagpatuloy na kumain. Sari-saring pagkain ang pinabili ko sa kanila, partida breakfast pa lang iton

