ANDROMEDA Nandito na naman ako sa arena. Ito ang last day of practice ko, well ito ang huling araw ng practice ko na may kasama ako, na may magtuturo sakin. Bukas, ako na lang mag-isa sa arena tapos sa susunod na araw na nila ako panonoorin. Buong araw kong aaralin ang darts, nakapag-umpisa na ko noon pero hindi pa nahihimay ang bawat turo. "That is the board, and you only have these three darts to use." hinagis ni Strontium ang tatlong darts sakin. "Ito lang? Bakit ang konti?" Oo, si Neon nga ang kasama ko ngayon. Siya lang talaga, nag-iisa. Alas sais pa lang ng umaga ay ginising niya na ko. Kahit gaano ko siya pinilit na mamaya pa ko gigising ay hindi niya ko pinagbigyan. Napakahigpit, tss. "Nagrereklamo ka?" "Nakita ko kasi na hindi lang naman tatlo ang meron kay

