ANDROMEDA Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba ako o pinarurusahan na nila. Ang kailangan ko ngayon ay yung maayos na magtuturo sa akin ng mga dapat kong gawin, yung magpapalakas ng loob ko, hindi yung magdi-discourage sakin! Hays. "Have you drink your vitamins?" tanong ni Iowa, nakakrus ang kanyang mga braso at malamig na nakatingin sa akin. Tumango ako bilang sagot. "Was that the proper way to answer me? Nod?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Tapos na akong inumin ang mga gamot ko." "Kneel." matigas na wika niya na ikinaangat ko ng tingin. "Iowa, I think you should proceed to her practice. The time is running and she still have lots of things to learn." pagtutol ni Neon. Tama, silang dalawa lang naman ang kasama ko ngayong araw.

