ANDROMEDA Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Artery. Nakaisip ako ng paraan kung paano ko mahuhuli ang nagturok sa akin ng Panacea pero matatagalan bago ko siya makita. Kailangan kong kumuha ng listahan ng mga kliyente ng Vaun Deriogne sa Panacea tapos lahat sila ay iimbestigahan ko. Ngunit masyadong malaki ang Vaun Deriogne at sigurado akong hindi lang kakaunti ang mga kliyente nila. Bago ako umuwi ay may ipinagtapat si Artery sa akin kahapon. Una, siya raw ang may kagagawan kung bakit nagbago ang kulay ng buhok ko. Tumama si Abacus sa sagot na dala ng radiation kaya naging brown at may pula sa dulo ang buhok ko. Ani Artery, wala namang masamang epekto 'yon sa baby na nasa sinapupunan ko. At ang pangalawa, kaya ako nagkaroon ng mga sugat sa binti at paa ay da

