ANDROMEDA Pinilit kong makatulog pagkatapos ng ginawa niya at nang isara niya ang pinto. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makatulog kahit na paggising ko kanina ay parang antok na antok pa ako. Tumayo ako at nilock nang mabuti ang pinto. Bumalik ako sa kama pero hindi ako humiga, bumangon lang ako at naupo. Sobrang daming mga bagay ang gumugulo sa isipan ko, yung mga nangyari kanina sa agreement, si Artery, yung ginawa ni Neon, pati si mama. Gustong-gusto ko ngang lumabas ng Hexagon at pumunta sa kung saan, lumayo para makapag-isip-isip kaso dahil sa kalagayan ko at sa lagay ng paligid ay magiging imposible 'yon. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari kay Neon. Ano bang sumapi sa kanya para dikitan ako? Bakit ganun yung mga sinasabi niya? Something

