ANDROMEDA Hinawakan ko ang tiyan kong medyo halata na. Ngayon ko lang naalalang lumalaki na pala ang baby sa loob ko. Hindi na siya mapipigilan at sa ilang buwan na lang ay mailuluwal ko na ang sanggol na 'to. "Pumasok na tayo, Andromeda." ani Aluminum. Nagbukas ang ilaw sa pasilidad. Pumasok kami sa pinakamataas na palapag ng ikaapat na gusali. "Nasaan tayo?" "Ito ang arena ng Hexagon." nagsara ang pintuan at tanging kulay puti lang na ilaw ang maaaninag mo sa buong lugar. Maliwag ito at may kahawig itong lugar sa Holmberg. "Kapareho 'to ng Holmberg's battleground." wika ko. "Oo." Wala kang ibang makikita sa kwartong ito kundi ilaw lang. Buong paligid ay gawa sa glass na napapaligiran ng ilaw. "Kaya ba pinagsuot ninyo ako ng full bla

