ANDROMEDA Biglang hinila ni Tulip ang dulo ng buhok ko. "Aray ko naman. Masakit ah." Hinawakan niya at inobserbahan. "Kailan ka nagpakulay?!" "Ah... dalawang araw pagkatapos mo kong awayin?" Binato niya ang buhok ko. "Gaga ka." "Hindi mo man lang ako sinabihan. Hindi naman ako galit eh. Nagtatampo lang ako." "Drama niyo naman na dalawa. Oh cookies." nilapag ni Tim ang plato na may mga cookies sa ibabaw at tsaka umupo sa tabi ko. Nandito kami sa bahay ni Antimony. Day off nilang dalawa kaya nakipagkita ako sa kanila. Matagal ko na rin kasi silang dalawa hindi nakikita. Baka mamaya magtampo na 'tong dalawang 'to. Naramdaman kong ginalaw ni Tim ang dulo ng buhok ko. "Ano na nga palang balita sayo? Saan ka na nakatira ngayon? Tsaka

