ANDROMEDA Huminto ang Acura NSX na sinasakyan ko sa harap ng bodega. Matagal kong tinitigan ang lugar bago ako nagdesisyon na tama nga ang pinuntahan ko. Inihanda ko ang shotgun na naghahalo sa kulay na tsokolate at itim. Pinindot ko ang button ng kotse kaya nanatiling buhay ang makina nito. For the final touch, sinuot ko ang itim na telang maskara na nasa front seat. Nang ayos na ang lahat, tsaka ako lumabas sa bintana ng kotse hawak hawak ang mahabang shotgun at nagsimulang paputukan ang bodega. *bang* "Helix, magtago ka!" napangisi ako sa narinig. *bang* *bang* "Mag-iingat ka, Iron!" boses ng isang lalaki na hindi ko pa nakikita. *bang* *bang* Lumabas si Iron Haynes sa doorway ng bodega. Malayo pa lamang ay malinaw ko na siy

