bc

Cold Prince, Broken Heart

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
second chance
friends to lovers
kickass heroine
powerful
mafia
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

He's a serious type of person. A numb and cold. Mapanakit at walang pakiramdam. Ngunit, hindi iyon hadlang para hindi ibigin ng isang dalaga—dahil sa likod ng kanyang katahimikan, may pusong unti-unting natutong magmahal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Disgusting
Honey POV: “Marisa, bilisan mo naman kumilos diyan! Ang bagal-bagal mo!” sigaw ko sa matinis na boses. “Opo, Señorita Honey, heto na po,” natatarantang sagot niya. “Bakit ang init-init dito? Wala bang aircon? Bakit hindi pa nakabukas bago ako dumating, ha?” Agad namang binuksan ni Marisa ang aircon sa salas. “Pasensiya na po, Señorita. Nakalimutan lang po naming buksan. Hindi rin po namin alam na maaga kayong uuwi. Sanay po kasi kami na hapon na kayo umuuwi,” nakayuko niyang paliwanag. “Ah, basta! Sa susunod, gusto ko nakabukas na agad. Naiintindihan mo ba?” Nakasimangot kong sabi. “O-opo…” mahina niyang sagot. “Lumayas ka nga sa harap ko! Naiinis ako sa pagmumukha mo,” iritableng sabi ko, hindi nawala ang inis sa mukha. “Hey! Anong problema? Rinig ko sa labas ang boses mo, Honey,” singit ni Marvin, ang ama ko. “Hello, Daddy,” bati ko, sabay halik sa ama na kagagaling lang sa opisina. “Grabe kasi ang init, Dad! Ang tagal pang buksan ng aircon,” nakasimangot kong reklamo. Huminga nang malalim si Marvin bago magsalita. “Okay, pero hindi tama ang paraan mo ng pag-uutos. Honey, hindi kailangang sigawan ang mga kasambahay. Hindi kita pinalaking bastos.” “I’m sorry, Dad,” nakanguso kong sagot. Mabait si Marvin at hindi matapobre. “Mga tao rin sila. May pakiramdam at nasasaktan,” mariing dagdag ni Marvin. Napailing na lamang ako. Wala akong pakialam. Para sa akin, mga tagasilbi lang ang mga iyon—binabayaran upang sumusunod sa ano mang nais ko. “Sorry…” mahina kong sabi, kahit halatang hindi bukal sa aking loob. Alam kong mabait ang aking ama, ngunit magkasalungat ang ugali namin dalawa. Pinalaki niya akong ibinibigay ang lahat ng gusto ko—isang kisapmata lang, nasa kamay ko na agad. Dahil sa yaman ng kanilang pamilya, sinasamba at hinahangaan ako ng mga nakakilala sa akin, Sa eskuwelahan man o kahit saan ako magpunta, palagi akong napapansin at kinaiinggitan—lalo na tuwing dumarating, sakay ng luxury car ko. “Dad? I’m tired… alam kong kayo rin. Pahinga na muna kayo sa room n’yo,” malamig kong sabi, halos itinataboy ang ama. Gusto ko lamang putulin agad ang usapan kaysa pagtalunan pa namin. Humugot ng malalim na hininga si Marvin bago nagsalita. “Okay. Bukas may business trip ako sa Europe. Gusto mo bang sumama?” Agad akong umiling. Alam kong maiinip lang ako roon—gaya ng dati. Palagi akong nakakulong sa loob ng silid habang abalang-abala sa negosyo si Daddy. Akala ko noon ay makakapamasyal silang mag-ama, pero hindi iyon nangyari. Kailanman, hindi sila nagkaroon ng oras para sa isa’t isa. Sa tuwing gusto kong lumabas, tanging ang dalawampung bodyguard ng ama ang kasama ko. Business tycoon ang aking ama—isa sa pinakamayaman sa buong Asya—kaya labis itong nag-aalala para sa aking kaligtasan. Lalo pa at ako ang tagapagmana niya. Alam niyang maraming masasamang loob ang nag-aabang, naghihintay lamang ng tamang pagkakataon para manamantala. “No, Dad. May school activity kami bukas. Kayo na lang. Besides, maiinip lang ako roon habang nagtatrabaho kayo,” Agad kong tanggi. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim na tila nag-aalala sa akin. “Okay. Pero mag-iingat ka rito habang wala ako. Naiintindihan mo ba, Honey?” “Yes, Dad. Don’t worry,” sagot ko, sabay ngiti. Para ipakita dito na walang dapat ipag-alala sa akin. “Kapag may problema, tawagan mo agad ako. Kung hindi man ako ay si Cyr---?” "No?!" Agad bumakat sa noo ni Marvin ang agarang pagtanggi ni Honey ng marinig ang pangalan ng binata. “Bakit?" Mahinahong tanong ni Marvin sa dalaga. "I mean... hindi sa ayaw ko..." hindi ko alam paano ko sasabihin kay Daddy ayaw ko sa taong iyon dahil alam ko gaano sila ka close. “Dad, why Cyrus? Nandiyan naman si Uncle Tony…” Napabuntong-hininga si Marvin. “May tiwala rin ako kay Tony, pero mas panatag ang loob ko kapag nariyan si Cyrus.” “Hindi ba malaking abala lang sa kanya? Alam kong busy rin siya—katulad ninyo…” “Yes... Pero maniwala ka, anak. Kayang pagsabayin ni Cyrus ang trabaho niya at ang pagbabantay sa’yo, kung sakaling may mangyaring masama sayo.” Malaki ang tiwala ni Marvin sa Cyrus na iyon. Kahit gusto kong sirain ito sa paningin niya. “Daddy, Anong silbi ng dalawampung bodyguards na laging bumuntot sa akin? Bakit kailangan pa ang presensya ni Cyrus?” May pagtutuol na sabi ko, kitang-kita sa mukha ko na ayaw ko talaga sa lalaking iyon. “Iba pa rin kapag nandiyan si Cyrus sa paligid,” sagot ni Marvin. “Dad… Pansin ko, bakit ba sobrang tiwala mo sa taong iyon?” tanong ko. “At pansin ko rin, Honey, ang disguto mo kay Cyrus. Bakit? May nagawa ba siyang mali sayo... tell me?” tuwid na tanong ni Marvin sa akin. Hindi agad ako makaisip ng valid reason. Bakit ba kasi dumating sa buhay namin ang Cyrus na iyon. Walang ginawa ang pakialaman ang buhay ko at buhay namin mag-ama. "Bakit hindi ka makasagot, ha? Dahil wala akong nakikitang dahilan para masira ang tiwala ko kay Cyrus dahil isa siyang mabuting tao. Subukan mo pagkatiwalaan siya anak.... para sa akin please?" Nakikiusap na sabi sa akin ni Marvin. Wala akong nagawa ang tumango na lang. Pero hindi pa rin ibig sabihin na pumapayag na ako. Never... “I tried… Pero kaya lang ayaw ko sa kanya. Dahil hindi ako comfortable kapag nariyan. Besides, nagkakagulo lang siya sa school ko.” Sabi ko, sabay simangot sa aking mukha. “Like ano?” Kunot-noong napatingin sa akin ng deretso si Marvin. “Like… dah? Center of attraction ng lahat!" “Akala ko kung anong problema. Sige, sasabihin ko na lang kay Cyrus na wag na siyang pumunta sa school mo. Sa susunod, darating na lang siya kapag kailangan mo o may problema.” As if naman... tatawagan ko siya asa ka pa! “Fine."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook