Chapter 5- Manika Di Susi

1218 Words
Makalipas ang Dalawang linggo. At tapos naman na ang exam. Namasyal silang dalawa ni Zach. Nagpapalitan ng matatamis na mga salita. bagay na nagpakilig ng puso ko. Sa maghapong magkasama kaming dalawa na masaya at walang ibang iniisip magpabago sa aming kasayahan. Pero nalaman ni Daddy ang pakipagrelasyon ko, kay Zach at gusto niyang hiwalayan ko si Zach. Dahil wala daw itong maidudulot na maganda sa akin. Sisirain lang daw ni Zach ang buhay ko. Semprey, hindi ko sinunod si Daddy sa gusto niyang mangyari, ipaglalaban ko si Zach. Kahit anong mangyari. "Honey? Maraming lalaking diyan ang nararapat sayo. Hindi ang Zach na iyan." "Si Zach lang gusto ko, Daddy. Please? Huwag mo naman siyang husgahan agad. Kilalanin niyo muna siya Daddy? Maniwala kayo mabuti siyang tao." "Oo, mahirap lang pamilya niya pero Daddy? Hindi ka naman ganon hindi ba? Alam ko hindi ka tumitingin sa estado ng buhay nila. Ang mahalaga magmamahalan kayo. At ganon kami ni Zach... mahal niya ko." Naikuyom ni Marvin ang kaniyang mga kamao. "Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking iyon. Hiwalayan mo siya. That's final, Honey?" Pinuntahan ko si Zach para sabihin sa nobyo na alam ng ama ko ang pakipagrelasyon ko sa kaniya. At gusto ng Daddy ang hiwalayan ko siya. Bakit nalaman ni Daddy may boyfriend na ako. Hindi kaya sinumbong ako ni Cyrus. Nagpupuyos ang aking kalooban binilisan ko, ang pagpatakbo ng sasakyan. Gusto ko na makarating kaagad kay Zach. Subalit sa sobrang bilis ko magpatakbo. Hindi ko agad napansin ang matandang tumawid sa kalsada, huli ng makitang nabunggo ko na siya. Saglit lang akong na shock at mabilis naman lumabas sa sasakyan ko, para makita ang matanda. Nakita ko siyang walang malay at duguan. Kaagad ako nagpanic at nanginig ang aking mga kamay sa takot. Nilinga ko ang paligin para makahingi ng tulong hindi ko alam ang gagawin. Natatakot na baka napatay ko ang matanda ayaw kong makulong at lalong magalit ang aking ama. Kapag nakapatay ako, kung sakali. Jusko! Anong gagawin ko! "Hala! Nakapatay ka Miss! Hindi na gumagalaw iyong nabangga mo." Narinig kong salita ng isang babaeng hindi familiar at nasipaglapit na rin iyong iba upang mag-usisa. "Hindi ko po sinasadya... Tulongan niyo ako dalhin siya sa hospital please?" Pakiusap ko sa mga ito. Kaagad naman silang kumilos. Binuhat kaagad at pinasok sa loob ng sasakyan ko. Madaming dugo ang nagkalat sa cemento. Lalo lang akong nanginig pero pinilit ko pa rin magmaneho papuntang hospital kailangan kong mailigtas ang matanda. Ayaw ko makulong... Deretso agad sa emergency room ang matanda at dahil may bahid ng dugo ang aking mga kamay, agad akong naghugas ng mga kamay. Malaking problema ang pinsok ko. Una nagdrive akong walang lisensiya. At sigurado akong pag namatay iyong matanda kulongan ang bagsak ko. Anong gagawin ko... Sinubukan tawagan si Daddy, para ipag-alam dito ang kasalanan nagawa ko. Pero pinatay ko din agad ng ma- realize kong baka pag nalaman ni Daddy. Magagalit siya ng sobra at atakihin sa puso, kapag nangyari maaring ako pa ang dahilan ng pagkamatay niya. Ayaw ko mangyari iyon. Hindi! Lumero ni Zach ang naisipan kong tawagan pero wala sumasagot. Nakailang missed called na siya wala pa rin. Isa lang naisip kong tawagan pero napakagat ako sa aking labi. No choice ako... bahala na! Cyrus POV: "Aahh! Ahh!! Ohh! Ohh! Sarap! More..." "Ahh! s**t! Ooohhh!" "Malapit na ako ahh---?" "Darling kanina pa tumunog ang phone mo. Sagotin mo kaya." "f**k! Mamaya na iyan! Patapusin muna ako! Malapit na ako." "Baka importante iyan." "Walang ng importante sa masarap na hinain mo, hmm--" "Talaga!" "Yes...." At tinuloy ang ginagawa. Hanggang sa matapos ang pag niniig. Hindi pa rin tumigil ang pag- ring ng kaniyang cellphone. Inis man ay sinagot ko ito. Matapos makita ang 13 missed called sa screen ng aking phone. Kumunot ang aking noo na may pagtataka. Sino naman kaya to! "13 missed called agad! Galing kay Honey. Ano naman kayang problema ng babaeng ito." Pabulong na sabi ko "Yes? Hello? What do you need? Hindi mo ba alam busy ako!" Seryosong sabi ko. Dalawang linggo na rin hindi ko nakita ang dalaga. Dahil sa business trip ko. "Cyrus? Please? I need you here!" Sa paos na boses. Lalo lang kumunot ang aking noo sa boses ng babae. Kararating ko lang kahapon dito sa condu ko, ito na agad ang salubong sa akin ng babaeng ito. "Anong problema? Bakit ako tinatawagan mo? Bakit hindi sa Daddy mo?" Sabi ko. "Hindi pwide si Daddy. Baka atakihin siya sa puso kapag nalaman niya. Alam mo naman may sakit siya. Ayaw ko mawala si Daddy. Dahil sa akin..." "Hmp, boyfriend mo?" "Hindi ko siya makuntak! Please? Help me! Wala na akong ibang maisip na hingan ng tulong. Alam ko marami akong kasalanan sayo. Pero magbabago na ako... hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. Promise basta tulongan mo lang ako." "Where are you?" Kausap ko ang Doctor. Habang siya ay kinakabahan sa result. Sana buhay ang matanda. Dahil kapag namatay ito katapusan niya na. Hindi mapigilan ang pag-alala at takot sa mukha niya. Pagkatapos ko makausap ang Doctor. Nilapitan ko agad si Honey. Kanina pa tahimik sa upuan na parang batang may malaking kasalanan. Malaki naman talaga... "Anong sabi ng Doktor?" "Unconscious pa rin ang pasyente at walang katiyakan kung ito ay magising pa dahil sa malaking pinsala sa utak nito. Madami din dugo ang nawala." "Diyos ko... Hindi ko sinasadya... Maniwala ka sa akin. Hindi ko talaga sinasadya..." Hesterical na sabi niya. "Kapag namatay siya. Semprey, mananagot ka sa batas makukulong ka, kapag nag reklamo ang pamilya." "Ayaw ko makulong... Ayaw ko please? Help me?" Nakikiusap siya dito. "Sh, sh, sh... Enough. Mabuti pa umuwi ka muna ipapahatid kita sa Driver.." "What? Uuwi ako? Paano iyong taong nabangga ko. Wala ba akong gagawin ha?!" "Honey? Listen? Hindi ka pwideng makita dito. Lalo na ang pamilyang binangga mo. Gusto mo ba ma- exposed ka at kapag nalaman ng ama mo ang ginagawa mong mali. Lalo mo lang pinalala ang sitwasyon." "Cyrus... Hindi naman kaya ng kunsensiya ko. Basta ko na lang pabayaan dito iyong tao wala akong gagawin." "Hindi ba ayaw mo makulong? Bakit kapa nag- iinarte diyan! Ako na nga bahala. Ang gusto ko lang umuwi ka muna." "Wala ka talagang ka lambing lambing magbitaw ng salita." Nakangusong sabi niya sa akin. Kaagad naman ako nahimasmasan. "I'm sorry. Masanay kana. Hindi ako ganong tao. Strict to the point ako magsalita, Honey?" "Okay. Promise mo sa akin tulongan mo sila, ha?" Pakumbabang sabi niya dito. Tumango naman ako "Okay. Pahinga ka muna. At sana maging aral na ito sayo. " Sabi ko sa kaniya. Sana magtanda na. "Thank you, Cyrus? Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala ka." "Sige na, nandiyan na ang sundo mo. Pahinga ka muna at huwag mag-isip kung ano-ano." "Okay. " Sagot niya sa akin. Para siyang manika di susi sumusunod sa anong sasabihin. Hindi napigilan ang paglabas ng ngiti sa aking labi. "Mabuti." Tanging sagot ko sa kaniya at tinalikuran na siya. Kaagad ko dinukot ang cellphone sa aking bulsa. "Go!" Mahinang sinyas ko kaniya. Nang makitang hindi pa siya nakaalis. Habang nasa tainga ko aking cellphone. "Sorry. Alis na ako..." Sabi niya. Sabay alis. Nang makaalis si Honey, dumating ang pamilya ng nabangga ni Honey. Puno ng hinagpis ang kanilang mga puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD